Skip to main content

    Ang krisis sa klima ay isang krisis sa kalusugan, lalo na sa Asya-Pasipiko

    Aerial view of a flooded village near Old Fangak, South Sudan. The fourth year of consecutive flooding has devastated the area. South Sudan, 2022. © Florence Miettaux

    A flooded village near Old Fangak, South Sudan. Four years of consecutive flooding have devastated the area. 2022 © Florence Miettaux

    Nitong taong ito, hinagupit ng malakas na bagyong Mocha ang Myanmar at Bangladesh, at ito’y naging sanhi ng pagkasira hindi lang ng  mga komunidad, kundi pati ng mga kampo ng refugee. Noong mga nakaraang taon, nasaksihan din natin ang mga malalakas na bagyo tulad ng Haiyan noong 2013. Ito’y nanalanta sa sentrong bahagi ng Pilipinas at nagdulot ng malawakang pagbaha sa Indonesia, na naging sanhi ng pagkalubog sa tubig ng maraming tirahan at pagkawasak ng mga ari-arian.

    Ngunit hindi lang mga cyclone at super typhoon ang iniinda natin. Ang Hulyo 2023 ay iniulat bilang pinakamainit na buwan sa daigdig nitong nakaraang 174 na taon. Ang mga resulta nito’y ang mga wildfire sa Canada, mga matitinding heatwave sa France, Spain, Germany, Poland at Italy, at mga marine heatwave sa mga baybayin mula Florida hanggang Australia.  

    Sa madaling sabi, ang mga kaganapang ito na kaugnay ng lagay ng panahon ay mas madalas nang nangyayari sa iba’t ibang bahagi ng mundo, at nagdadala ng mga mas malalang suliranin.

    May iba pang hatid ang pagbabago ng klima kaugnay ng kalusugan, partikular na sa mga sakit. Sa ngayon, ang Doctors Without Borders ay humaharap na sa mataas na antas ng mga sakit na vector-borne (dala ng mga insektong gaya ng lamok, pulgas at garapata), food-borne (nakukuha sa pagkain), at water-borne (dala ng tubig). Ito ay nakakaalarma sapagkat alam naming aakyat pa ang bilang ng mga kaso nito habang lumalala ang krisis sa klima. Tinatantiyang magkaroon ng 15 milyong karagdagang kaso ng malaria taun-taon, at ito’y mauuwi sa pagkamatay ng 30,000 na tao. Ang mga bilang na ito ay bukod pa sa mga kasong nakikita natin ngayon. Isang bilyon pang karagdagang mga tao ang inaasahang malalantad sa sakit na dengue, hindi lang sa Asya-Pasipiko, kung saan ito pinakalaganap, kundi sa buong mundo. Kamakailan lang ay nagbigay din ng babala ang mga opisyal ng European Union tungkol sa tumitinding panganib ng mga sakit na dala ng mga lamok, gaya ng dengue at chikungunya, sa Europa dahil sa pagbabago ng klima. Nasaksihan na rin natin ang mga outbreak ng cholera sa hindi bababa sa tatlumpung bansa. Bagama’t maraming posibleng kadahilanan ang mga pangyayaring ito, nakatitiyak tayo na may kinalaman dito ang pagbabago ng klima. 

    Ang pagbabago ng klima ay iniuugnay rin sa kawalan ng katiyakan sa pagkain at sa malnutrisyon. Kasabay ng mga matinding kaganapan kaugnay ng lagay ng panahon gaya ng mga heatwave at malakas na pag-ulan ay ang mga kalamidad na tulad ng tagtuyot at pagbaha, na nakakaapekto sa mga magsasaka at mangingisda. Naapektuhan nito ang dami ng naaani, ang kondisyon ng mga hayop na tumutulong sa kanilang pagsasaka, ang dami ng mga isdang nahuhuli, at iba pa.

     Cyclone Freddy in Nkhulambe, Phalombe District, Malawi

    Doctors Without Borders staff assesses damage of a bridge collapse during an exploration mission after cyclone Freddy. Nkhulambe, located in Phalombe district at the bottom of Mulanje mountain, suffered heavy damages due to landslides and mudslides coming down from the slopes. The region’s roads, bridges and electrical and sanitary infrastructure have suffered heavy damages.

    Freddy is one of the deadliest events in Malawi's climate history to date.  

    "Entire villages have been engulfed by landslides and mudslides, flash floods caused by torrential rains have washed away houses, roads and bridges. Tens of thousands of people in some of the country’s southern districts now find themselves cut off from access to health facilities, which have either been destroyed or are no longer reachable due to the cyclone’s impact on road networks." - Rasmane Kabore, Emergency Coordinator

    2023 © MSF/Pascale Antonie

    Doctors Without Borders clinic at Kein Nyin Pyin camp Pauktaw, Rakhine State, Myanmar, over one month after Cyclone Mocha. © MSF

    Cyclone Mocha, with winds of up to 280kmh, ripped through Rakhine state and the Northwest of Myanmar on 14th May. People in these areas are already incredibly vulnerable, most live in bamboo houses and there are around six million people in Rakhine who rely on humanitarian assistance. 26,500 internally displaced people live in camps in the area, a large number are Rohingya.

    "After the storm, I could not contact anyone as both power and reception stopped working. Two days after the cyclone, I tried to go back to Sin Tat Maw, where my family was, fearing the worst. Upon arriving in Sin Tat Maw, I was heartbroken to see my house split in two. I did not know how to comfort my family. It rained a bit after the cyclone and the water leaked. There was nowhere to take shelter. I tried to hide my sadness from my family." - Ei Ngoon Phyo, Mental Health Counsellor Educator in Myanmar

    2023 © MSF

    A child was diagnosed with severe acute malnutrition during the consultations provided by the team at the mobile clinic in Qarn Al Asad area in Rada’a, Al Bayda Governorate. Malnourished children are more susceptible to measles. Yemen, June 2023. © Aljunaid/MSF

    A child was diagnosed with severe acute malnutrition during the consultations provided by the team at the mobile clinic in Qarn Al Asad area in Rada’a, Al Bayda Governorate, Yemen. Malnourished children are more susceptible to measles.

    2023 © Majd Aljunaid/MSF

    Women fetch water in one of the shallow wells along a dry river bed in Illeret. Kenya, 2022. © MSF/Lucy Makori

    Women fetch water in one of the shallow wells along a dry river bed in Illeret.

    The ravaging drought has led to a water shortage in the region forcing residents to look for alternative water sources, unsafe for human consumption.

    Kenya, 2022 © MSF/Lucy Makori

    At hindi lang iyan. May iba pang mga epekto ang pagbabago ng klima gaya ng paglaganap ng mga hindi nakahahawang sakit, puwersadong paglikas,ang pagkakaroon ng mga alitan, at iba pa. 

    Ang lahat ng ito ay inaasahang lalala pa sa pagdaan ng panahon–kung tayo’y hindi agad kikilos.  

    Nakikita na ng mga organisasyong humanitarian tulad ng Doctors Without Borders ang mga epektong ito, kaya’t sinisikap na naming pag-ibayuhin ang paggamot sa mga pinakamahihinang komunidad. Ngunit may hangganan din ang aming kapasidad. Nakita namin ang dami ng mga pangangailangan saan man kami magpunta, sa Asya-Pasipiko, Middle East, at maging sa mga bansa sa Africa. Ang mga bansang limitado ang mapagkukunang-yaman ang pinakanaaapektuhan ng krisis sa klima. Ang mga pasyenteng Rohingya sa Cox’s Bazar, Bangladesh na ilang dekada nang nagtitiis ng pang-uusig at nahihirapan sa pagkabukod nila sa pinakamalaking kampo ng mga refugee sa mundo,ay paulit-ulit na humaharap sa banta ng mga pagbaha at pananalanta ng bagyo. Ang aming mga pasyente sa isla ng Kiribati ay nakararanas din ng pagbabago ng klima at kapaligiran na may dalang panganib sa kanilang kabuhayan at sa kanilang kalusugan.

    Matagal na kaming nagbibigay ng babala. Kitang-kita namin ang mga pangangailangang dala ng pagababago ng klima, at nangangamba kaming hindi sapat ang aming kapasidad upang matugunan ang mga pangangailangang ito. 

    Kailangang tumulong ang mga bansang pinakamalaki ang kontribusyon sa global warming (1.2 degrees ang taas sa pre-industrial levels) sa mga pinakaapektado. Kailangan nilang akuin ang responsibilidad at magbigay ng suportang pinansyal at teknikal sa mga pinakamahihinang bansa. Dapat puwersahin ng mga pamahalaan ng mga pinakaapektadong bansa, tulad ng mga nasa Asya-Pasipiko, ang mga bansang top polluter na tulungan silang pagaanin at pangasiwaan ang mga epekto ng pagbabago ng klima. Kailangan din ng mga patakaran at pagkilos upang tugunan at pigilan ang mga negatibong epekto ng mga isyung ito. 

    Ang krisis sa klima ay nangangailangan ng tulong ng buong komunidad, o gamitan ng whole-of-society approach.

    Sa ngayon ay mayroon nang mga ilang namumunomg naninindigang kikilos kaugnay ng usaping ito. Ang mga bansang kabilang sa G20 ay nangangakomg magtataguyod ng sistemang pangkalusugan na mas nagsasaalang-alang sa kapaligiran at higit na climate-resilient. Ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)—kung saan kabilang ang lima sa pinakananganganib na bansa sa buong mundo ay nag-anunsiyo ng estratehiya para sa carbon neutrality. Ang COP28 agenda sa Nobyembre ay magtutuon sa kalusugan, relief at disaster response.

    Mahalaga at kritikal ang panahong ito. Makahulugan ang mga ipinapangako ng mga estadong miyembro ng mga regional blocs, ngunit kailangan nila itong panindigan at aksyunan. Sa ngayon, wala pa tayo sa tamang landas at kailangan nating kumilos agad.

    Ang krisis sa klima ay nangangailangan ng tulong ng buong komunidad, o gamitan ng whole-of-society approach. Dapat maintindihan ng mga tao at ng mga organisasyon na ang ating mga ginagawa ay  bahagi ng problema. Kailangan nating magkapit-bisig sa pagtugon at magkaisa para sa kalusugan ng lahat. 

    Dr. Maria Guevara current International Medical Secretary for Médecins Sans Frontières (MSF)/Doctors Without Borders
    Dr. Maria Guevara
    International Medical Secretary

    Dr. Maria Guevara is the current International Medical Secretary for Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF). Her work in the humanitarian sector began with Doctors Without Borders in Liberia in 2004. Since then, she has held field roles in Guatemala, Haiti, DRC, Nigeria, Myanmar, the Philippines, Indonesia, Malaysia, South Sudan and recently in the US for COVID, in both emergency and stable settings. Her special interests are Global Health, Emergency Response and Planetary Health.

    Categories