Skip to main content

    Basahin ang ilan sa mga madalas na tanong tungkol sa mga donasyon para sa Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF).

    Ano ang bank account ng MSF para sa mga donasyon mula sa labas ng Hong Kong?

    Tumatanggap kami ng donasyon na HKD o USD sa pamamagitan ng Telegraphic Transfer sa mga sumusunod na MSF accounts sa Hong Kong: 

    Pangalan ng Bangko: Shanghai Commercial Bank Limited 
    Account Holder : Medecins Sans Frontieres (HK) Limited 
    Account Number : 025-328-24-28203-3 (HKD account) / 025-328-28-32965-4 (USD account) 
    SWIFT Code : SCBKHKHHXXX 
    Bank Address : Shanghai Commercial Bank Tower, 12 Queen´s Road Central, Hong Kong 

    *Ang mga transaction fees ay para sa overseas remittance. Ang ibibigay naming resibo ay para sa net donation amount, kung saan ibinawas na ang fee. Para sa mga detalye tungkol sa  transaction fees,  makipag-ugnayan sa inyong bangko.  

    Upang makakuha ng official receipt, magpadala ng kopya ng telegraphic transfer instruction kasama ng  donation form sa amin. Maaari itong ipadala sa 22/F, Pacific Plaza, 410 - 418 Des Voeux Road West, Sai Wan, Hong Kong, ipadala gamit ang fax (852) 2304 6081, o i-email sa [email protected]

    Ano ang bank account number ng MSF para sa mga donasyon sa Hong Kong?

    Maaaring mag-deposito ng HKD sa mga sumusunod na MSF bank accountst: 

    Shanghai Commercial Bank Limited  
    025-328-24-28203-3 (HKD account) 

    Sino ang “MSF Field Partners”?

    Ang “MSF Field Partners” ay ang mga monthly donors. Ang buwanang kontribusyon bilang MSF Field Partner ay nakakatulong upang mabilis naming mailunsad ang mga relief operations kahit sa mga di-inaaasahang krisis, at hinahayaan kaming makapagplano para sa matagalang pagtulong. Ito rin ang nagbibigay-daan upang mababaan ang aming ginagastos para sa administrative tasks. Dahil mas nagiging simple ang proseso ng donasyon, mas malaking halaga ang tuwirang magagamit para sa medical relief operations. I-click ito upang simulan na ang inyong buwanang donasyon!

    May mga karagdagang singil ba ang bangko para sa mga donasyong ginamitan ng credit card?

    May sinisingil ang bangko sa MSF para sa lahat ng klase ng credit cards. Hindi kailangang bayaran ng donors ang kahit ano sa mga fees na ito. 

    *Ang MSF ay rehistradong charity sa Hong Kong. Para sa mga transaksyon sa labas ng  Hong Kong, maaaring maningil ng international transaction fee ang bangko ng credit card. Sumangguni sa inyong bangko para sa mga detalye. 

    May mga karagdagang singil ba ang bangko para sa mga donasyong ginamitan ng credit card?

    May sinisingil ang bangko sa MSF para sa lahat ng klase ng credit cards. Hindi kailangang bayaran ng donors ang kahit ano sa mga fees na ito. 

    *Ang MSF ay rehistradong charity sa Hong Kong. Para sa mga transaksyon sa labas ng Hong Kong, maaaring maningil ng international transaction fee ang bangko ng credit card. Sumangguni sa inyong bangko para sa mga detalye. 
     

    Tuwing kailan ibabawas sa account ko ang buwanang donasyon?

    Ang buwanang credit card donations ay prinoproseso tuwing kinsenas ng bawat buwan. Kung ang donasyon ay gagamit ng bank account direct debit, ipoproseso ito sa pangalawang business day buwan-buwan. 

    *Ang bank account autopay ay para lamang sa mga bank account na nakarehistro sa Hong Kong 

    Ipagbibigay-alam ba sa akin ang unang debit date ng buwanang donasyon?

    Padadalhan kayo ng donation confirmation sa isang sulat o di kaya’y email. Doon nakasaad ang unang debit date ng iyong buwanang donasyon. 

    Makakakuha ba ako ng resibo para sa aking donasyon?

    Magbibigay kami ng resibo para sa lahat ng donasyon na nagkakahalagang HKD100 pataas. (Ang tax deduction, o bawas sa buwis, ay para lamang sa mga nakatira sa Hong Kong).  

    Para sa one-off donations, padadalhan ka ng resibo mga 15 araw (working days) pagkatapos mong ibigay ang iyong donasyon. 

    Para sa mga buwanang donasyon, isang resibo ang ibibigay sa pagtatapos ng financial year. Ang resibong ito’y para sa kabuuang donasyon mo sa loob ng isang taon. 

    Kailangan bang pareho ang pangalang nasa resibo at ang pangalan ng may-ari ng account na ginamit sa donasyon?

    Hindi naman. Susundan lang ang ibibigay mong donor name at iba pang detalye sa donation form. Paalala lang: kung bibigyan ninyo kami ng detalye ng ibang tao, tiyaking payag sila. 

    Puwede ba akong magbigay para sa isang partikular na bansa o proyekto?

    Nagpapasalamat kami na may mga sumusuporta sa amin na may partikular na interes sa isang bansang pinupuntahan namin, o isang programang isinasagawa namin. 

    Habang posible naman, sa pinakabihirang pagkakataon, na ibigay ang iyong donasyon para sa isang partikular na programa o bansa, hinihingi naming na gawin ninyong unrestricted funding ang inyong kontribusyon. Ibig sabihin, hindi nakatalaga sa isang partikular na emergency o proyekto ang inyong kontribusyon. Ito ay magbibigay-daan para aming magamit ang mga resources sa pinaka-angkop na paraan, sa mga lugar kung saan matindi ang pangangailangan.

    Paano ko mapapalitan ang halaga ng buwanang donasyon ko?

    Padalhan lang kami ng e-mail sa [email protected] na nagsasabing gusto ninyong palitan ang donasyon ninyo. Isulat din ang iyong buong pangalan at address, at kung maaari, pati donor number. 

    Paano ko mababago ang aking contact information?

    Sagutan ang form at i-email sa [email protected]

    Paano ako makakakuha ng pinakabagong impormasyon tungkol sa MSF?

    Gusto naming ipagbigay-alam sa inyo ang mga ginagawa namin sa MSF sa kasalukuyan, at kung paano nakakatulong ang mga donasyon ninyong sumagip ng mga buhay. I-click ito para lagi kayong makatatanggap ng e-news. Ipapadala namin sa inyong email ang tungkol sa aming mga pinakabagong mga proyekto at gawain.