Ang Aming Simula
Itinatag ang Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) noong 1971 sa France ng isang grupo ng mga doktor at mga mamamahayag matapos ang digmaan at taggutom sa Biafra, Nigeria. Layunin ng grupo ang bumuo ng isang organisasyong may kasarinlan at nakatuon sa paghahatid ng emergency medical aid sa pamamaraang mabilis, epektibo at walang kinikilingan.
Nagsimula ang organisasyon sa tatlong daang boluntaryo: mga doktor,nars at iba pang staff. Kasama na sa bilang na ito ang labintatlong founders.
Nilikha ang Doctors Without Borders sa paniniwalang karapatan ng lahat ng tao—anuman ang kanyang kasarian, lahi, relihiyon, pulitika—ang pagkakaroon ng access sa pangangalagang pangkalusugan, at na mas matimbang ang mga pangangailangang medikal kaysa pagrespeto sa mga hangganan ng isang bansa. Ang mga prinsipyong gumagabay sa mga ginagawa ng Doctors Without Borders ay matutunghayan sa aming charter,isang balangkas para sa aming misyon at sa aming mga aktibidad sa iba’t ibang bahagi ng mundo.