Mga Posibleng Karera sa Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières
Sino ang mga Kailangan Namin?
Ang mga field teams ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ay binubuo ng magkakaibang dalubhasa sa larangang medikal at di medikal mula sa iba’t ibang parte ng mundo. Kabilang rito ang mga taga-Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Thailand, at mga iba pang bahagi ng Southeast Asia.
Mga Propesyong Medikal at ang mga kaugnay nito
Ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières' (MSF) medical teams ay binubuo ng mga doktor, nars, mental health professionals, mga komadrona, at mga espesyalista. Sa pangkalahatan, kami’y nakatuon sa pagpapababa ng bilang ng mga namamatay at nagkakasakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong medikal sa mga nanganganib na populasyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Nagbibigay kami ng suporta sa pangunahing pangangalagang pangkalusugan, surgery, mental health, kalusugan ng mga bata at kababaihan, disease outbreaks, at iba pa.
MSF operating theater staff members after a successful surgery at DHQ Hospital in Timergara, KP, Pakistan in Dec 2020. © Khaula Jamil
In Hodeidah, Yemen, surgeon Ryuichi Takigami (left) is seen inside the Al Salakhana hospital's operating theater during a surgery on a child who fell down from a roof. © Agnes Varraine-Leca/MSF
MSF OT nurse, Anwar Saleem, puts on surgical gloves in preparation for a C-section inside the operation theatre managed by MSF at the DHQ Hospital in Timergara, KP, Pakistan. © Khaula Jamil
Anaesthetists
Sa pagdami ng surgical projects na pinamamahalaan ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kailangan namin ng anaesthetists. Sa kapasidad na ito,kailangang may kakayahan kang umangkop sa limitasyon sa resources, at humarap sa iba’t ibang hamon mula sa mga pasyenteng na-trauma hanggang sa mga nagdadalang-taong nangangailangan ng emergency caesarian sections.
Bukod sa mga gawain sa mismong operasyon, kasama rin sa iyong responsibilidad ang pre-operative assessment and resuscitation, at post-operative assistance. Sangkot ka rin sa pangangasiwa ng mga lokal na staff na nagtatrabaho sa recovery room at sa wards.
- Mga Kinakailangan
- Katibayan ng pagtatapos at kasalukuyang lisensya
- Nakakumpleto ng residency sa anaesthesia
- May karanasan sa pangangasiwa at pagasasanay ng iba sa paediatrics, obstetrics, at trauma anaesthesia and/ in dissociation anaesthesia (e.g. Ketamine)
- Malawak na karanasan sa spinal anaesthesia
- Makapaglalaan ng isang buwan o higit pa
Surgeon
Bilang isang surgeon na natatrabaho para sa Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF), maari kang maging bahagi ng isang emergency team na gumagamot sa mga taong nasaktan dahil sa mga armadong labanan o di kaya’y natural na sakuna. Maari din namang mapabilang ka sa isang long-term surgical programme, na nagbibigay ng pangangalagang medikal sa mga komunidad na walang gumaganang sistema para sa pangangalagang pangkalusugan. Anuman ang sitwasyon, kasali sa mga responsibilidad ang mga sumusunod; surgery (general, orthopaedic, trauma, at potentially plastics depende sa konteksto ng proyekto), surgical needs assessment at ang pagsasanay sa local staff.
- Mga Kinakailangan
- Kayang magsagawa ng general surgery, kasama na rito ang Paediatrics at Caesarean sections
- Mainam kung may kaunting karanasan sa A&E at orthopaedics
- Katibayan ng pagtatapos at kasalukuyang lisensya
- Nakakumpleto ng residency sa surgery
- Makapaglalaan ng isang buwan o higit pa
Mga Doktor
Bilang doktor na nagtatrabaho para sa Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF), maari kang tumugon sa mga epidemya ng tigdas o meningitis, tasahin ang mga pangangailangang medikal pagkatapos ng natural na sakuna, gamutin ang mga nasugatan dahil sa armadong labanan, at tumingin ng mga pasyenteng may HIV/AIDS o TB.
- Mga Kinakailangan
- Medical Doctor na may hindi bababa sa 2 taong karanasan bilang propesyonal pagkatapos magparehistro
- May karanasan (kasalukuyan o kamakailan lang) sa mga ito: Public Health, Obstetrics/Gynaecology, Paediatrics, Nutrition, Emergency, Infectious Diseases, General Medicine, Anaesthetics, ICU o Minor Surgery
- Karanasan sa pamamahala o pangangasiwa
- Makapaglalaan ng siyam na buwan o higit pa
- Mga May Halaga
- Postgraduate study sa international public health, refugee health, infectious diseases or tropical medicine
- Diploma sa Obstetrics and Gynaecology
- Ang pagkumpleto ng inyong speciality training ay hindi kailangan bago ipasa ang inyong application, ngunit may pangangailangan ang MSF para sa Infectious Diseases specialists
Alexandra Irene Adline, isang doktor ng MSF mula sa Indonesia, Hangha Hospital, Kenema District, Sierra Leone. © Peter Bräunig
Emergency Doctor
Bilang emergency doctor na nagtatrabaho para sa Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF), magbibigay ka ng emergency medical aid pagkatapos ng mga natural na sakuna, gagamot ng mga nasugatan sa armadong labanan, o magsasanay ng mga local staff sa pagresponde sa mga kaganapan kung saan marami ang nasaktan o nasawi.
- Mga Kinakailangan
- Emergency Medicine Specialist na nakapagtapos sa pagsasanay sa isang accredited emergency medicine speciality training program
- Medical Doctor na may pagsasanay sa emergency medicine nang di bababa sa 3 taon
- Espesyalista sa ibang larangan (hal., Intensivists, Anesthetists, Internists, etc.)
- Emergency medicine doctor na nagsisilbi bilang emergency medicine specialist
- Pamamahala ng paediatric emergencies, trauma, resuscitation, multiple injuries, multiple patients concurrently, fracture reduction/splinting, mass casualty incidents, at iba pa
- Kakayahang mangasiwa ng emergency department
- Makapaglalaan ng siyam na buwan o higit pa
Obstetricians/Gynaecologists
Bilang OB/GYN ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF), magtatrabaho ka para sa isa sa marami naming proyektong nakatuon sa reproductive health. Ang OB/GYN ay nakikipagtulungan sa international at national staff, lalo na sa head charge midwife. Maaari mong asahan na magsasagawa ka ng iba’t ibang operasyon—may emergency, may planado. Maaaring mangangasiwa ka rin ng mga kumplikasyo sa panganganak tulad ng instrumental assisted deliveries. Ikaw rin ang mamamahala ng post-operative follow-up (kasama ng anaesthetist) at magsasanay ng surgical at midwifery staff. Masusubukan ang iyong mga kasanayan at kapamaraanan dahil ang mga imprastruktura sa mga lugar na ating pupuntahan na maaaring napinsala o nawasak na. Dahil ikaw ang magiging key referent para sa obstetric complications, maaari kang ipatawag sa kahit anong oras o araw habang ika’y nasa lokasyon ng proyekto.
- Mga Kinakailangan
- Certified Obstetrician/Gynaecologist
- May praktikal na karanasan sa kasalukuyan o kamakailan lang
- Marunong gumamit ng ultrasonography equipment
- May karanasan sa pangangasiwa, pamamahala at pagsasanay sa iba
- Kayang magsanay at magturo ng ibang health workers
- Makapaglalaan ng hindi bababa sa 3 buwan
Paediatricians
Bilang isang paediatric doctor na nagtatrabaho para sa Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) maaaring tumugon sa epidemya ng tigdas o meningitis, mangasiwa sa hospital-based care para sa mga neonates na may malalang sakit, tumugon sa mga pangangailangan ng mga may sakit, nasaktan o mga malnourished na bata, o nakikipagtulungan sa mga pamilyang nasa refugee camp.
- Mga Kinakailangan
- Hindi bababa sa 5 taong karanasan (post-qualification)
- Hindi bababa sa tatlong taong karanasan sa clinical practice in Paediatrics*
- Makapaglalaan ng 6-9 na buwan
- Mga May Halaga
- Dagdag na karanasan sa kahit alin sa mga sumusunod; Obstetrics/Gynaecology, Nutrition, Emergency, Infectious Diseases, Public Health, General Medicine, Anaesthetics, ICU or Minor Surgery
- Postgraduate study sa international public health, refugee health, infectious diseases o tropical medicine
MSF pediatrician, Carola Buscemi, examines an Afghan boy. © Anna Pantelia/MSF
Epidemiologists
Ito ang mga karaniwang sakop ng mga ginagawa ng mga epidemiologist ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF); outbreak response/control, surveys at research.
Maaaring magpagawa sa iyo ng mortality survey, o ng isang surveillance system para sa cholera o meningitis outbreak, o di kaya’y magdisenyo at magpatupad ng monitoring at evaluation plan para sa mga partikular na sakit.
- Mga Kinakailangan
- Degree o Master’s degree sa epidemiology at/o Masters in Control of Infectious Diseases at/o Masters in Public Health nang nakatuon sa epidemiology
- May napatunayang kahusayan sa pagdisenyo, pagpapatupad at pagsusuri sa mga survey, at sa mga quantitative/qualitative na pamamaraan ng pagsasaliksik
- May kaalaman at kakayahang maglunsad ng surveillance systems, pagsasanay, contingency planning para sa mga kampanya at iba pang interbensyon na kaugnay ng epidemya at nutrisyon
- May karanasan sa paggamit ng mga kinakailangang software
- May karanasan sa pagtatrabaho sa labas ng kanyang bansa (mas mainam kung sa developing countries)
- Mga May Halaga
- Pamilyar sa mga tropical at infectious diseases
- May karanasan sa emergency response sa mga outbreak
- Nakapagsulat na para sa paglalathalang siyentipiko o may interes sa pananaliksik
Health Promoters
Bilang health promoter, ikaw ang magtatasa, magbibigay ng kahulugan, magpapatupad at mangangasiwa ng lahat ng mga aktibidad para sa Health Promotion at Community Engagement (HPCE) sa project area. Ang mga aktibidad na ito ay naglalayong madagdagan ang kaalaman ng mga tao sa komunidad tungkol sa kalusugan, mapaunlad ang kasalukuyang gawaing pangkalusugan, maisulong ang ating mga serbisyo at suportahan ang mga gawain para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Magagawa ito sa pamamagitan ng mga outreach activities na mag-uugnay sa proyekto at sa komunidad na makikinabang sa proyekto. Gagamitin ang mga stratehiya sa impormasyon, edukasyon at komunikasyon habang nagpapakita ng paggalang sa kultura at mga nakagawian na ng komunidad. Susuriin mo ang kultura, mga tradisyon, at mga pang-unawa tungkol sa kalusugan at maggamit ang impormasyong para sa social mapping at magsusulong ng mga epektibong gawaing pangkalusugan, habang nananatiling nakaugnay sa mga gawaing medikal. Kabilang sa iyong mga magiging responsibilidad ang paglikha ng mga health promotion materials ayon sa iyong mga pagsusuri para matiyak na ito’y may kaugnayan sa kanilang buhay, sapat para sa kanilang mga pangangailangan at madaling maintindihan. Bilang isang supervisor, mahalaga rin na may karanasan ka sa recruitment, training, evaluation, at development ng iyong staff.
- Mga Kinakailangan
- May Master’s degree sa Health Promotion o iba pang kursong kaugnay nito
- Hindi bababa sa 2 taong karanasan sa pagtatrabaho kung saan ang pinagtutuunan ay health promotion
- Karanasan sa health promotion sa isang developing country o di kaya’y kahit anong lugar na mayroong populasyon ng magkakaibang kultura
- Makapaglalaan ng hindi bababa sa 9 na buwan
- Mga May Halaga
- Karanasan sa qualitative research, mas mainam kung sa developing country
- Pamilyar sa mga tropical diseases/infectious diseases
- Marunong makipag-usap sa wikang Pranses o Arabic
Medical Scientist
Bilang isang medical scientist na nagtatrabaho para sa Médecins Sans Frontières (MSF)/Doctors without Borders, laging baunin ang iyong pagiging mapamaraan at ang kakayahang umangkop sa sitwasyon dahil madalas mo itong kakailanganin. Maaaring kasali sa mga konteksto ng trabaho ang pagsasanay sa mga technician sa sputum microscopy bilang bahagi ng programa para sa paggamot sa TB, o ang pagtulong na ilagay ang laboratoryo sa kaayusang makakaiwas sa pagkalat ng impeksyon nang di gumagamit ng teknolohiya gaya ng laminar air flow cabinets.
Haharap ka sa hamon ng paghawak sa mga materyales na maaring makapagdala ng impeksyon sa gitna ng isang lugar na mga pangunahing kagamitan lang ang meron at halos walang teknolohiya. Nasa iyo ang responsibilidad ng pagtiyak ng kalidad ng inyong serbisyo at pagsasagawa ng pagsasanay ng mga technicians na nasa ilalim ng inyong pangangasiwa.
- Mga Kinakailangan
- Degree o diploma sa Laboratory Technology, o Microbiology kasama ang applied parasitology at bacteriology
- Karanasan sa pagkuha ng sample (dugo,dura,o dumi)
- Kaalaman sa clinical laboratory techniques at sa laboratory testing quality control methods
- Mga May Halaga
- Kaalaman sa epidemiology at tropical diseases (halimbawa, mga STD, virology, TB, blood bank, malaria, HIV, kala-azar)
- Karanasan sa paggamit ng laboratory software at pagsagawa ng mga surveys
A mobile clinic visited Macanip village in Jaro, northern Leyte in Dec 2013. In total, 116 patients were treated, mainly for respiratory tract infections, diarrhea, skin infections and chronic diseases. © Florian Lems/MSF
Mental Health Professional
Bilang isang mental health professional, kritikal ang iyong magiging papel sa mga proyekto ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) sa emergency at sa konteksto ng mas matatagal na programa. Sa mismong lugar, maaring magbibigay ka ng suporta sa mga nakararanas ng karahasang sekswal, nagdurusa dahil sa mga resulta ng labanan, ng epidemya o pandemya, o ng mga natural na sakuna.
Ang karanasan sa pagbibigay ng suporta sa mga PTSD at mga programang nakabase sa trauma ay mahalaga, at ganoon din ang karanasang klinikal sa pagbibigay ng suporta sa mga taong may malubhang sakit sa pag-iisip.
- Psychologists/Counsellors
- Clinical Master’s degree sa Psychology o Counselling, at hindi bababa sa 2 taon ng karanasang klinikal sa pagbibigay ng individual therapy
- May karanasan sa pangangasiwa at pagsasanay sa ibang mental health clinicians
- Makatutulong rin kung may karanasan sa pagtatrabaho nang may tagapagsalin ng wika, o karanasan sa isang lugar kung saan may iba’t ibang kultura
- Psychiatrists
- Kailangang komportable sa kombinasyon ng pagbibigay ng pangangalagang indibidwal at pangangasiwa at pagsasagawa ng pagsasanay ng mga ibang clinicians
- Inaasahang karamihan ng gagamutin ay mga may edad na, at sa outpatient setting
- Karanasan sa child at adolescent mental health ay binibigyang-halaga
- Sanay sa paggamit ng WHO validated protocols
- Kayang magtrabaho bilang bahagi ng isang pangkat sa isang lugar salat sa mapagkukunang yaman
- Resident sa Psychiatry na may hindi bababa sa may tatlong taong karanasan at dalawa sa taon na iyon ay sa adult psychiatry
- Social Workers
- Kailangang may Master’s degree sa social work hindi bababa sa dalawang taong karanasan sa clinical mental health, kasama na rito ang karanasan sa counselling para sa mga indibidwal at sa mga pamilya o grupo
- Karanasan sa clinical case management
- Karanasan sa clinical counselling supervision at pagsasanay
- Karanasan sa pangangasiwa ng mga clinical teams
- Mental Health Nursing
- Clinical Nurses na hindi bababa sa may 5 taong karanasan sa clinical psychiatry lalo na sa mga outpatient settings (maaari ring makuha bilang mental health specialist)
- May malawak na karanasan at pagsasanay sa counselling
- Karanasan sa case management partikular na para sa mga pasyenteng may malubhang mental disorder
- Karanasan sa pangangasiwa, pagsasanay at pamamahala sa ibang mental health clinicians
Midwife (Komadrona)
Bilang isang komadrona na nagtatrabaho para sa Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF), gagamitin mo ang iyong abilidad na makitungo sa mga babaeng nasa mapanganib na sitwasyon at ang iyong kakayahang tumugon sa mga emergency. Ang iyong karanasan sa iba’t ibang klase ng panganganak, kumplikado man o normal, ay kinakailangan din.
Bilang bahagi ng aming misyon para pababain ang bilang ng mga namamatay, nagkakasakit at nagdurusa, ang iyong papel na gagampanan ay maaaring magbago mula sa pagtayo ng maternal at child health department ng isang klinika, pagtatag ng isang programa sa pagtugon sa karahasang sekswal sa komunidad ng mga refugee, at paggamot ng mga pasyente sa isang ospital sa siyudad. Kasama rin sa papel na gagampanan mo ang pagtiyak na makakukuha ng ligtas na abortion care ang nangangailangan.
Ang community outreach ay mahalagang bahagi ng aming maternity programs. Ang pag-unawa sa pamamaraan ng mga tradisyonal ng birth attendants at ang pagbuo ng epektibong pakikipag-ugnayan sa kanila ay mahalaga sa pagpapatupad ng aming mga programa sa mga komunidad na kanilang sinusuportahan.
- Mga Kinakailangan
- May hindi bababa sa 2 taon ng karanasan bilang komadrona
- May karanasan sa antenatal, postnatal, delivery at newborn care
- May karanasan sa mapanganib na pagdadalang-tao at kumplikadong panganganak
- May karanasan sa pagpaplano ng pamilya, at pangangalagang pangkalusugan ng ina at ng sanggol
- Makakakapagbigay ng pangangalagang naaayon sa aming mga patakaran at protocol na may kaugnayan sa kalusugan ng kababaihan
- Makapaglalaan ng 6 na buwan o higit pa
- Mga May Halaga
- May karanasan o nakapag-aral ng tropical medicine, refugees’ health o international public health
- May kaalaman tungkol sa mga STDs at HIV/AIDS
Heidi Woods Lehnen is MSF’s medical activity manager in the Marib project. She is following up on of Taqwa Muhammad, a 3-month-old girl, and this is the second time she returns to the mobile clinic in the Hygiene Fund area. © Nuha Haider/MSF
Marina, the MSF midwife on board the search and rescue vessel Ocean Viking, performs an ultrasound on a 9-month pregnant woman. © Hannah Wallace Bowman/MSF
MSF pediatrician, Carola Buscemi, examines a pair of 3-month-old twins from Afghanistan. The two babies with their family are living in a tent in the outskirts of Moria camp in Lesbos, Greece. © Anna Pantelia/MSF
Nurses (Nars)
Bilang isang nars na nagtatrabaho sa Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF), ang iyong kahusayan sa pangangasiwa at sa pagsasanay ay magagamit nang husto. Ang mga konteksto ng iyong mga gawain ay maaaring iba-iba,tulad ng paglalahok sa pagbakuna laban sa meningitis, pamamahala sa isang programa, o ang pag-triage ng papasok na mga taong tumatakas mula sa kaguluhan.
Kakailanganin ang iyong kaalaman upang suportahan ang local staff sa pagpapaunlad ng kanilang kakayahan. Sa kabilang banda, maaari rin namang mas gamay ng mga nars at health workers na taga-roon ang ibang sakit na labas naman sa iyong karanasan.
Ang mga nars na may kahusayan sa paediatrics, tropical diseases, emergency care, operating theatre nursing, immunisation, public health and training ay makatutulong nang malaki sa amin.
- Mga Kinakailangan
- Lisensiyado at nakarehistrong nars na may dalawang taon ng karanasan sa trabaho
- May kasalukuyang karanasan sa direct patient care
- May karanasan sa pangangasiwa, pagsasanay, at pamamahala ng iba
- Nagkaroon ng pagsasanay o karanasan sa tropical medicine, infectious diseases (TB and HIV/AIDS) o public health
- May karagdagang pag-aaral ukol sa kahit alin sa mga ito: refugees’ health, international public health, infectious diseases, o tropical nursing; o nakaranas magtrabaho sa developing countries at/o indigenous communities
- Makapaglalaan ng 9 na buwan o higit pa
- Mga May Halaga
- Karanasan bilang Senior Manager (e.g. Clinical Nurse Director, Service Manager)
- Clinical education at/o karanasan sa pagsasanay
- Marunong ng wikang Pranses
Operating Theatre Nurses
Kadalasan, ang aming mga nars sa Operating Theatre (OT) ay katrabaho ng aming emergency teams sa pagbibigay ng pangangalagang medikal sa mga taong nasaktan sa gitna ng kaguluhan dahil sa mga armadong labanan, o di kaya’y mga naging biktima ng mga natural na sakuna. Ngunit maaari rin namang makasama ka sa isang pangkat na nagbibigay ng pangmatagalang surgical care sa mga komunidad na walang access sa isang gumaganang sistema ng pangangalagang pangkalusugan. Saan ka man mapunta, maging handa sa limitadong kagamitan at pasilidad sa operating theatre—baka ni walang x-ray machine.
Bilang isang OT Nurse ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF), ikaw ang mamamahala ng OT, recovery room at sterilisation team. Ang trabaho ay kolaborasyon ninyo ng surgeons, anaesthetists, hospital ward supervisors at ng logistics team.
Kung magkaroon ng emergency, maaari ka naming papuntahin sa lugar nang biglaan. Habang naroon, puwede kang tawagan kahit anong oras, at kahit anong araw upang magtrabaho. Pero, nagbibigay pa rin kami ng oportunidad na makakuha ang OT nurse ng assignment para sa mas maikling panahon lamang.
- Mga Kinakailangan
- Hindi bababa sa 3 taong karanasan sa general surgery, trauma, orthopaedics at/o obstetrics
- Pamilyar sa pamamaraan ng isterilisasyon at sa hygiene procedures in the OT
- Pangkalahatang kaalaman ng lahat ng tungkulin ng OT (kailangang kaya nilang magsanay at mamahala ng OT)
- Kayang magtrabaho sa isang lugar na salat sa teknolohiya
- Makapaglalaan ng 3 buwan o higit pa
Pharmacists
Ang access sa mga essential drugs ay isa sa mga pinakamalaking alalahanin para sa Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF). Ang mga pharmacists ang rnamamahala ng order, supply, inventory at pamamahagi ng mga gamot at medical supplies sa mga klinika at ospital na sinusuportahan namin. Mahalagang tiyakin na sumusunod ang aming teams sa mga batas at patakaran ng bansa. Bilang isang pharmacist, maaaring ipatasa sa iyo ang kalidad ng mga gamot na bibilhin, makipagtulungan sa pamahalaan kung may mga isyu sa supply chain, at pag-isipan kung paano mag-iimbak ng mga gamot as mga lokasyong may mga kakaibang hamon.
- Mga Kinakailangan
- Kwalipikasyon bilang pharmacist
- May kakayahang pangasiwaan ang supply at tiyaking nakokontrol ang paggamit ng stocks
- May kakayahang magpatupad ng proseso upang matiyak ang pagkakaroon ng mga gamot, at na maayos pa rin ang kalidad nito kapag ibinenta
- Makapaglalaan ng 9 na buwan o higit pa
MSF pharmacists hand out medication to patients at MSF’s primary health clinic at Shire’s primary school IDP camp in Tigray, Ethiopia. © Claudia Blume/MSF
Mga Non-Medical at Support Professions
Ang mga non-medical personnel ay mahalaga para mapatakbo nang mahusay ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ang maraming proyekto. May mga espesyalista kami sa Finance, Human Resources, at iba pang Specialist Logisticians. Ang mga specialist logisticians ay nakatuon sa water and sanitation, construction, electricity at supply.
Tumatanggap din kami ng general logisticians na ‘jack of all trades’ – kaya nila ang iba’t ibang klase ng trabaho – at general field administration na may karanasan sa finance, human resources at administration.
Project HR/Finance Support
Ang administration staff ay kinakailangang may magkahalong karanasan sa finance, at sa human resources. Kasama sa iyong mga magiging responsibilidad ang project accounts, cash management at security, budget control at financial reporting. Makikipag-ugnayan ka sa mga lokal na awtoridad at mga nagbibigay ng serbisyo na may kaugnayan sa project finance, human resources issues, at local labour laws. Maaari ka ring gawing kasapi ng country management team, kung saan makakagawa ka ng kontribusyon sa mga diskusyon, at sa mga desisyong kailangang gawin para sa direksyon ng proyekto,
Mahalaga para sa iyong tungkulin na mahusay ka sa cross-cultural field staff management, at magaling ka sa komunikasyon, dahil hinihingi ng posisyon na makipag-ugnayan ka, di lang sa lokal na staff, kundi pati na rin sa international staff.
Ang mga may posisyon sa aming administrasyon ay maaaring nasa mismong lokasyon ng proyekto, o nasa mga kabiserang lungsod ng bansang aming tinutulungan. Ang mga nasa lungsod ay regular na bumibisita sa mga proyekto upang mas maunawaan nila ang lokal na konteksto at makapagbigay ng epektibong suporta sa mga nasa field.
- Mga Kinakailangan
- Hindi bababa sa 2 taon na karanasang propesyonal sa isa o higit pa sa mga sumusunod: Accounting, budgeting, financial planning, financial control, financial reporting or Human Resource Management at policy principles na kaugnay ng recruitment, performance management, staff payroll, tax, labour laws
- Kakayahang maging miyembro ng senior management team, at tuparin ang mga kaakibat nitong responsibilidad sa project planning
- Makapaglalaan ng 12 buwan o higit pa
- Mga May Halaga
- Kaalaman sa financial at reporting guidelines ng mga malalaking funding institutions
- Kakayahang maintindihan at makakilos sa iba’t ibang legal environments
MSF set up a medical care tent at Reims University Hospital in Apr 2020 with a team composed by six logisticians and one water and sanitation (watsan) expert. © Agnes Varraine Leca/MSF
Project Coordinator
Ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ay naghahanap ng mga may sapat na karanasan na para sa posisyon ng Field/Project Coordinator (PC) o Head of Mission (HoM). Ang mag aplikante ay dapat handang maglaan ng isang taon o higit pa para sa trabahong ito. Kailangang handa siyang magsimula kahit kailan, at hindi maaaring mamili ng lokasyon kung saan siya papupuntahin.
Responsibilidad ng Field/Project Coordinator ang lahat ng aspeto ng aming medical field projects.
Responsibilidad naman ng Head of Mission ang lahat ng aspeto ng aming medical projects sa isang bansa.
Ang Coordinator ay bahagi ng Country Management Team (CMT) na nakikipagtulungan sa Desk/HQ.
Kasama sa mga responsibilidad ng Coordinator ang operations, human resources (HR), financial management, at communication. Siya rin ang nagsisilbing kinatawan ng MSF kapag haharap sa mga lokal na awtoridad. Ang Coordinator ay meron ding mga responsibilidad sa kaligtasan at seguridad ng staff sa proyekto o bansa. Siya rin ay may mahalagang papel sa pagtiyak na de-kalidad at angkop ang mga aktibidad. Pinangangasiwaan niya ang pagpapatupad at pagtasa ng mga aktibidad.
- Ang mga Gawain at mga Aktibidad ng Coordinator
- Tinutukoy ang estratehiya ng misyon kasama ang CMT at HQ
- Tinutukoy ang mga layunin ng mga proyekto kasama ang field team
- Tinitiyak ang pagrerespeto ng mga managers (medical, logistics and administrative) sa mga layunin ng misyon o proyekto
- Manatiling alerto para sa kahit anong humanitarian needs sa bansa o proyekto at magpasa ng bagong panukala para sa interbensyon
- Nagbibigay ng mga impormasyon sa mga bagong dating at paalis na staff tungkol sa politikal, kontekstwal, programmatic at pangkalahatang pagpapatupad ng misyon o proyekto
- Ipinapaliwanag at ipinagtatanggol ang mga prinsipyo ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières' (MSF) sa national staff, sa buong populasyon, sa mga awtoridad, at sa ibang mga katuwang
- Kayang magkaroon ng kaugnayan sa medikal, sibil at militar na opisyales, ibang NGO at mga ahensiya
- Mga Kinakailangan
- Hindi bababa sa 3 taon ng karanasan bilang expatriate na nagtatrabaho sa field projects; dapat ang isang taon doon o higit pa’y nasa isang posisyon sa field management para sa isang international humanitarian at/o emergency organisation
- Hindi bababa sa 2 assignments sa dalawang magkaibang konteksto sa developing countries – hal., (1) insecure context at (2) emergency response situation
- Positibong pag-unawa sa mga prinsipyo at programa ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières' (MSF) at maaaring maging kinatawan ng organisasyon kapag haharap sa international counterparts
- Positibong pag-unawa sa mga medikal na aktibidad at mga kaugnay na isyu
- May kakayahang makilala ang mga isyung humanitarian kung saan maaaring magka-interes ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF)
- May kakayahang gumawa ng pagsusuri at lumikha ng mga stratehiya; may kapasidad para makabuo ng operational vision sa maikling panahon
- May karanasan sa project cycle management sa isang NGO o sa konteksto ng development
- May abilidad na magtrabaho nang mabuti bilang bahagi ng isang pangkat na may mga miyembro na mula sa iba’t ibang disiplina,at may iba’t ibang kultura
- May abilidad na ayusin ang mga gawain ayon sa prayoridad at may pagkukusa kung kinakailangan
- May abilidad na akuin ang responsibilidad para sa delegated security management
- May mga napatunayang kagalingan sa negosasyon at sa paglutas ng problema
- Nakapagpakita ng karanasan sa HR management sa pamamagitan ng pangangasiwa, pamamahala, at pagsasanay ng pangkat na may mahigit 10 miyembro
- Positibong pampublikong communication skills (para sa mga presentasyon, pagpupulong, atbp.)
- May kakayahang umangkop at makibagay
- Marunong ng wikang Pranses at Ingles
- Mga May Halaga
- Makapaglalaan ng 2 taon
- Bihasa sa pangatlong wika tulad ng Arabic, Spanish, Portuguese, Russian
- May kaalaman tungkol sa public health
- Karanasan sa isang international medical organisation
Finance Manager
Ang lahat ng aming proyekto ay nangailangan ng mga taong may kakayahan upang suportahan ang aming medical staff at panatiliing tumatakbo ang mga aktibidad mula sa perspektibong pang- administrasyon. Dahil sa iyo nakaatas ang project finances, ikaw ang hahawak sa isa sa mga pinakamapaghamong katungkulan.
Sa iyo nakapataw ang mga responsibilidad para sa project accounts, cash management and security, budget control at financial reporting. Makikipag-ugnayan ka sa mga lokal na awtoridad at mga nagbibigay ng serbisyo kaugnay ng lahat ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières' (MSF) project finance issues. Maaari ka ring maging bahagi ng country management team, kung saan isasaayos mo ang financial resources para sa ilang field projects. Kasabay nito ay maaari ka ring magkaroon ng kontribusyon sa mga diskusyon kung saan papunta ang proyekto.
Ang mga may posisyon sa finance ay maaaring nasa mismong lokasyon ng proyekto, o nasa mga kabiserang lungsod ng bansang aming tinutulungan. Ang mga nasa lungsod ay regular na bumibisita sa mga proyekto upang mas maunawaan nila ang lokal na konteksto at makapagbigay ng epektibong suporta sa mga nasa field.
- Mga Kinakailangan
- Hindi bababa sa 2 taong propesyonal na karanasan sa accounting, budgeting, financial planning, financial control, o financial reporting
- Kakayahang maging miyembro ng senior management team, at tuparin ang mga kaakibat nitong responsibilidad sa project planning
- May abilidad na magtrabaho bilang bahagi ng senior management team, na may mga responsibilidad sa pagpaplano ng mga proyekto
- Makapaglalaan ng 12 buwan o higit pa
- Mga May Halaga
- Kaalaman sa financial at reporting guidelines ng mga malalaking funding institutions
- Karanasan sa mga human resource management policies at procedures
- Kakayahang maintindihan at makakilos sa iba’t ibang legal environments
HR Manager
Ang pagiging HR Manager (kilala rin bilang HR Coordinator) ay isa sa mga pinakakomplikadong papel sa Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières' (MSF) field team.
Kailangan ka maging hands-on HR professional sa paghawak ng mga operational at strategic responsibilities. Magkakaroon ka ng kakayahang makapagsimula agad, nagbibigay ng kinakailangang suporta sa aming field project teams at umunlad sa pagkilos sa isang pabago-bagong kapaligiran.
Bilang HR Coordinator, maaari kang maitalaga sa kabisera ng bansa kung saan ang aming proyekto ay ipinapatupad o sa lugar mismo ng proyekto.
- Mga Kinakailangan
- Hindi bababa sa 2 taon ng karanasang HR Generalist
- May abilidad na mabigyang kahulugan at matiyak na susunod ang organisasyon sa mga batas tungkol sa paggawa
- May karanasan sa employee relations at performance management
- Napatunayang karanasan sa pagtuturo, pagsasanay at pagbuo ng mga pangkat na ang mga miyembro ay kakikitaan ng pagkakaiba
- Karanasan sa HR Operations, policy at process management, mas mainam kung may karanasan sa visa processing, budget management at payroll
- May abilidad na magkaroon ng positibo at kapani-paniwalang pakikipag-ugnayan sa lahat ng antas ng organisasyon
- Makapaglalaan ng 9-12 buwan
Doctor Ebel Saavedra and health promoter Uliana Esteves cross Lake Tefé by boat for a health promotion activity in the Abial neighborhood of Tefé, in the state of Amazonas, Brazil. © Diego Baravelli
- HAKBANG 1: Pananaliksik
Bago ninyo subukang makapasok sa Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF), gumugol ng konting panahon sa pangangalap ng impormasyon tungkol sa aming ginagawa, at tiyaking may sapat kang karanasan at kagalingan na kinakailangan para maging isa sa aming field staff.
Regular din kaming nagdadaos ng mga recruitment events sa rehiyon. Ang pagdalo sa mga ganitong kaganapan ay makapagbibigay sa inyo ng oportunidad na maunawaan ang organisasyon at ang buhay ng isang field worker.
- HAKBANG 2: Mag-apply
Upang mag-apply, basahin nang mabuti ang mga pamantayan at mga kinakailangan para sa trabahong inyong gustong makuha. Kumpletuhin ang aming online application. Magsama ng iyong pinakabagong CV, letter of motivation, at anumang skill assessment forms na hinihingi para sa gusto mong makuhang posisyon.
Nagsusumikap kaming tumugon sa lahat ng applications sa loob ng isang buwan mula pagkatanggap. Ang mga hindi kumpletong applications ay hindi namin bibigyang pansin.
- HAKBANG 3: Panayam
Dahil sa mga paghihigpit ngayong panahon ng pandemya, ang lahat ng panayam para sa mga aplikante ay ginagawa namin online via Skype. Ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ay gumagamit ng competency-based interviewing format kung saan ang aplikante ang magbibigay ng mga partikular na halimbawa ng mga sitwasyon na magpapakita ng mga kasanayan at katangian na hinahanap namin sa aming mga field workers.
- HAKBANG 4: Pagsasanay bago umalis
Pagkatapos ng matagumpay na panayam, kailangan mong dumalo sa aming residential pre-departure training, na kilala rin sa tawag na 'Welcome Days’. Ito ay gagawin sa loob ng 3 araw.
Layunin ng kursong ito na bigyan ang mga baguhang field workers ng mga sumusunod:
- pag-unawa sa mga pinahahalagahan, pilosopiya, mga patakaran, at mga aktibidad ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF)
- pagpapakilala ng mga kasangkapang magagamit at mga mapagkukunan sa field
- pag-unawa sa proseso ng pagtatalaga sa lugar ng proyekto at pag-alis; at,
- pagbibigay ng pangkalahatang-ideya kung ano ang magiging buhay mo sa field.
- HAKBANG 5: Field Placement
Kapag nakumpleto mo na ang pagsasanay sa Welcome Days, isasama ka na sa hanay ng mga field workers na handa nang tumanggap ng assignment. Sisimulan na namin ang aktibong paghahanap ng nababagay na assignment para sa iyo sa isa sa aming mga field projects sa mahigit 70 bansa sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ang aming kakayahang mahanapan ka ng assignment ay nakasalalay sa aming kasalukuyang mga pangangailangan para sa mga proyekto, sa iyong mga kakayahan, at sa mga petsa na inilaan mo para sa MSF. Kaya naman hinihiling namin sa aming field workers na sabihan agad kami kapag may pagbabago sa kanilang inilalaang panahon.
Bibigyan namin ng prayoridad ang mga lugar kung saan pinakamalaki ang pangangailangan. Dahil dito, hindi kayo maaaring mamili ng lokasyon o proyekto.
Kapag inalok kayo ng placement, kalakip nito ang paglalarawan ng iyong trabaho, detalyadong impormasyon tungkol sa bansa na iyong pupuntahan, at impormasyon tungkol sa misyon. Handa ang aming field HR team na sagutin ang kahit anong katanungan ninyo tungkol sa placement, lokasyon, o sa papel na iyong gagampanan sa proyekto bago mo pa man tanggapin ang oportunidad.
- HAKBANG 6: Pag-alis
Kapag makumpirma na ang inyong placement, marami kang dadaluhang meeting bago ka dumating sa mismong lokasyon. Sa mga meeting na ito, may oportunidad kang dagdagan ang inyong kaalaman tungkol sa proyekto at sa inyong gagampanang papel. Tinitiyak namin na malaman mo ang lahat ng kinakailangan upang magtagumpay ka sa iyong assignment!
Bukod sa briefings, makakatanggap ka rin ng pre-departure administration support mula sa aming Field HR team. Kasama rito ang kanilang tulong sa iyong travel arrangements at pagkuha ng visa.
Ang lahat ng kinukuha ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) na field workers ay nasa ilalim ng fixed-term contract sa kabuuan ng kanilang placement.
Kadalasan, umaalis ang mga field workers ng mga 1-4 na linggo matapos makumpirma ang kanilang assignment.
Proseso ng Pag-aapply
Salamat sa inyong interes sa pakikipagtulungan sa amin dito sa Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF).
MSF physiotherapists Birgit Schönharting and Ngong Ngong Amet supports Anyar after his surgery and treatment for snakebite. © Damaris Giuliana/MSF
Mga Benepisyo at Oportunidad ng mga Field Workers
Ang Panahon Para sa Misyon
Ang isang tipikal na field placement ay tumatagal ng 6 hanggang 12 na buwan. Lahat ng field workers ay kailangang masanay sa trabaho at kapaligiran bago sila umako ng mga responsibilidad sa proyekto. May placement ay maaaring saglit lang dahil ito’y para lamang sa isang emergency o di kaya nama’y bunsod lang ng pangangailangan dahil sa partikular na mga pangyayari. Halimbawa, ang mga surgeons, obstetricians-gynaecologists at anaesthetists ay maaaring hindi hingian ng ganito dahil sa kanilang on-call responsibilities. May mga ibang field projects na inilunsad bilang tugon sa mga krisis (natural man o hindi). Ang mga ganitong proyekto ay nangangailangan ng partisipasyon ng field workers na puwedeng kumilos agad o sa maikling panahon lamang.
Mga Klase ng Commitment
Para sa maraming field workers, malaking bagay na maaari silang sumama sa mga misyon sa iba’t ibang punto sa kanilang buhay,o kung kailan nila kayang paglaanan ito ng panahon. Ayon sa iba, ang pakikipagtrabaho sa amin ay isang uri ng pamumuhay na nababagay sa kanilang mga pinahahalagahan at sa kanilang mga hinahangad para sa kanilang karera sa pangmatagalan. Mayroon kaming Human Resources Officer na nakatuon sa aming field workers, at tinutulungan silang matukoy kung saan papunta ang kanilang karera. Ang aming organisasyon ay maraming maibibigay na mapagpipiliang gawain para sa field workers, at sa paglipas ng panahon ay dadami ang kanilang responsibilidad, at ang kanilang trabaho’y magiging mas malawak ang sakop at mas kumplikado , at mabibigyan sila ng oportunidad na magkaroon ng kontribusyon sa direksiyon ng organisasyon.
Pagkatapos ng unang placement, may iba’t ibang kontrata na maaaring gamitin, na aangkop sa pangangailangan ng indibidwal at ng organisasyon. May mga isahan o minsanan lang na placement, o single placement contracts, at meron din namang patuloy o 'vocationer' contracts.
Pagkatuto at Pag-unlad
Mahalaga sa amin ang propesyonal na pag-unlad ng aming field workers. Binibigyan namin sila ng access sa iba’t ibang pagsasanay upang mapagyaman ang kanilang kaalaman at mahasa ang kanilang mga kasanayan na kailangan nila upang maging epektibo sa kanilang mga gawain. Sa ganitong paraan, makakatugon kami sa mga kagyat at kritikal na pangangailangan ng mga taong tinutulungan namin sa iba’t ibang bahagi ng mundo, mga taong nangangailangan ng kadalubhasaan ng mga medical at support professionals. Kasama sa mga pagsasanay namin ang language training, sophisticated medical treatments and protocols, management and leadership best practices, at iba pang posibleng paksa na may kaugnayan sa professional background at career aspiration ng bawat tao.
Suweldo at mga Benepisyo
Ang mga suweldo ng aming field workers ay itinatakda nang nasasaisip na ginagawa namin ito para sa kapakanan ng nakararami, habang isinasaaalang-alang pa rin ang mataaas na antas ng kadalubhasaan na dala ng mga field staff. Pagkatapos ng unang taon ng field work, maaring tumaas ang suweldong makukuha batay sa kagalingan, karanasan, at sa pagdami ng responsibilidad.
Mga Benepisyo:
- Tatlong araw ng pre-departure Welcome Days (ngayong pandemya ang aming pre-departure course ay ginagawa namin online)
- Pagsasauli ng nagugol sa mga kinakailangang bakuna
- Mga kinakailangang visa at work permits
- Tirahan at transportasyon para sa mga briefing at debriefing
- Bayad na bakasyon
- Pang-araw araw na panggastos na binibigay habang nasa lokasyon, sa lokal na pera
- Tirahan habang nasa proyekto
- Balikang biyahe sa lokasyon ng proyekto
- Medical, disability at life insurance coverage
Medical evacuation coverage - Medical/professional indemnity (para sa health profiles)
- Insurance para sa bagahe
- Psychosocial support post-placement
- Access sa Employee Assistance Program
Mga Kaganapan
Sa buong taon, regular kaming nagsasagawa ng webinars. Kung interesado ka talagang maging field worker, hinihikayat naming sumali muna kayo sa isa sa mga kaganapang ito bago kayo magpasa ng application.
Mag-subscribe sa mga Balita
Lagi kaming naghahanap ng mga taong may kakayahan na handang tumira at magtrabaho kasama ang isang international medical humanitarian team, ibahagi ang kanilang mga kasanayan, at ilaan ang kanilang panahon upang suportahan ang aming mga proyekto sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Magparehistro na ngayon para makatanggap ng pinakabagong balita.