Skip to main content
SA KASALUKUYAN Ebola sa DRC: Doctors Without Borders, pinalalaki ang pagtugon sa mabilis na nagbabagong anyo ng outbreak Magbasa pa
    Legacy

    Pagbibigay ng pamana

    Mag-iwan ng pamanang maghahatid ng pagbabago sa buhay ng mga tao

    Sa pamamagitan ng inyong natatanging pagsuporta, matitiyak na ang inyong dedikasyon sa mga adhikaing humanitarian ay mananatiling matatag, at pinalalawig nito ang inyong pakikiisa at impluwensiya sa mas matagal pang panahon. Ang aming ginagawa ay sumusulong dahil sa pagiging bukas-palad ng mga sumusuporta sa amin, tulad ninyo.

    Kami sa Doctors Without Borders ay naniniwala sa isang mundo kung saan ang pangangalagang medikal ay walang kinikilalang hangganan, kung saan ang pagdamay sa kapwa ay lumalampas sa mga karaniwang limitasyon, at kung saan ang bawat buhay ay pinahahalagahan. Ang mga legacy donation, o mga pamanang handog ay isang  mabisang paraan upang palawigin ang inyong pakikiisa sa mga adhikaing humanitarian  sa mas mahabang panahon, at tinitiyak na ang inyong kabutihang-loob at pagiging bukas-palad ay patuloy na makapagpapabago ng mga buhay sa mga darating pang taon.

    Nakasalalay ang pagkilos namini sa kagandahang-loob ng mga sumusuporta sa amin. Hindi posible ang aming mga ginagawa kung wala kayo.

    Anuman ang halaga, malaki ang maitutulong ng inyong kontribusyon.

    Paano magbigay sa pamamagitan ng inyong huling habilin

    Ikaw man ay mayroon nang huling habilin o gagawa pa lamang, ang pagdagdag sa Doctors Without Borders sa iyong mga tagapagmana ay isang simpleng proseso lamang. Narito ang kailangan ninyong malaman upang maisama kami sa inyong legacy donation, o pamanang handog:

     

    • Legal na pangalan: Medecins Sans Frontieres (HK) Limited
    • Address: 22/F, Pacific Plaza, 410 - 418 Des Voeux Road West, West Point, Hong Kong
    • Registration number: 475540  

    Maaari ninyong gamitin ang sumusunod na halimbawa ng pagsasaad ng intensyon:

    "Ibinibigay ko bilang pamana sa Medecins Sans Frontieres (HK) Limited, 22/F, Pacific Plaza, 410 - 418 Des Voeux Road West, West Point, Hong Kong ang halagang  [ __________ Peso ($____)] [ _______ % ng natitira sa aking mga ari-arian], na kanilang gagamitin para sa mga mapagkawanggawang layunin.”

    Ipagbigay-alam sa amin ang inyong handog

    Umaasa kaming ipagbibigay-alam ninyo kapag isinama ninyo ang Doctors Without Borders sa inyong mga tagapagmana at nang sa gayon ay mapasalamatan namin kayo.

    Ang aming pangako sa inyo

    • Ipinapangako naming kami ay magiging masigasig na tagapangasiwa ng pamanang ipagkakatiwala ninyo sa Doctors Without Borders, at titiyakin naming ang bawat dolyar ay gagamitin tungo sa pagsasakatuparan ng makabuluhang pagbabago.
    • Ang inyong pamana ay ilalaan nang ayon sa nararapat, upang aming maharap ang mga pinakamatinding pangangailangan at mabigyan kami ng kakayahang tumugon sa mga emergency at maghatid ng mahalagang tulong medikal.
    • Kami’y naninindigan na wala kaming itatago sa aming mga kasanayan sa pananalapi, at tinitiyak namin sa inyo na ang inyong pamana ay pangangasiwaan nang may lubos na integridad at pananagutan.
    • Sasagarin namin ang potensyal ng inyong ibibigay, makakaasa kayo na ang inyong kontribusyon sa aming misyon ay magbubunga ng pangmatagalang epekto sa mga komunidad na aming tinutulungan.

    Kami’y nangangakong hindi lang namin basta tatanggapin ang inyong pamana, kundi gagamitin namin ito sa mga paraang pinag-isipan, epektibo, at may lubos na paggalang para sa ating mga layuning  humanitarian.

    Makipag-ugnayan sa amin

    Kung ibig ninyong makipag-usap hinggil sa pagbibigay-handog sa Doctors Without Borders, sulatan ninyo lang kami sa [email protected]

    Salamat sa inyong suporta.

    Legacy Banner 2

    Stories of helping

    Yemen: A surgeon from Hong Kong in a war trauma surgery hospital
    Yemen: A surgeon from Hong Kong in a war trauma surgery hospital
    Mocha is an ancient port city on the Red Sea. It’s near the conflict front line, so around 80% of our surgery cases are trauma related, such as gunsho...
    Joy in helping others
    Joy in helping others
    Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) nurse Eliza Chang’s greatest joy in life comes from helping others.
    Follow where your heart leads
    Follow where your heart leads
    Dr. Francisco Raul Salvador is one of Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) seasoned field workers. He was in Marawi as the medical...