Mangalap ng pondo para sa amin
Gusto mo bang gawing mas makahulugan ang isang espesyal na sandali?
Kapag buhay ang nakataya, ang iyong espesyal na sandali ay maaaring magbigay ng pag-asa sa iba.
Ang pangangalap ng pondo para sa Doctors Without Borders ay isang makahulugang paraan upang magkaisa ang iyong komunidad habang tumutulong sa pagbibigay ng pangangalagang medikal sa mga pinakanangangailangan.
Sa pamamagitan ng pangangalap ng pondo para sa amin, ikaw ay naninindigan kasama ang mahigit sa 63,000 na mga doktor, mga nars, at mga aid worker sa pagbibigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal sa mahigit 75 na mga bansa sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Sama-sama nating gawing pagkilos ang ating pagmamalasakit.
Mga Paraan ng Pangangalap ng Pondo para sa Amin
Maraming paraan upang makakalap ng pondo — mamili ng paraan na makahulugan para sa iyo at sa iyong komunidad. Narito ang ilang mga ideya.
Paano Ako Magsisimula?
- 1. Piliin ang Iyong Ideya para sa Fundraising
Simulan sa napili mong sandali — ano ang okasyong pagdadausan ng fundraiser? Isipin mo kung ano ang pinakamakahulugan para sa iyo at para sa mga taong nasa paligid mo.
Tanungin mo ang iyong sarili:
- Ano ang okasyon?
Kaarawan, kasal, anibersaryo, pagtatapos, memorial, pagdiriwang ng isang holiday, o walang partikular na rason ng pagdiriwang. - Sino ang mga kasama mo sa fundraising?
Mga kaibigan, kapamilya, mga kaklase, mga katrabaho, mga kasama sa organisasyon, o sa mas malawak na online community. - Ano ang hilig ninyong gawin kapag kayo’y magkakasama?
Pagtakbo, baking, gaming, pakikinig sa musika, event hosting, livestreaming, paglikha ng sining, o pagsalo-salo sa pagkain. - Paano kayo makakakalap ng mga donasyon?
Sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga tiket, paniningil ng entrance fee, paglalagay ng mga donation box sa venue, online fundraising, o ang paghimok sa mga bisitang magbigay ng mga donasyon sa halip na mga regalo.
Pumili ng isa sa mga ideyang nabanggit o lumikha ng iyong sariling fundraiser – maliit man o malaki, ang bawat kontribusyon ay malayo ang mararating.
- Ano ang okasyon?
- 2. Isaayos ang Iyong Kampanya
May tatlong paraan ng pagsasaayos ng iyong fundraiser at ng pagkolekta ng mga donasyon. Piliin kung alin dito ang pinakamainam para sa iyo.
1. Makipag-ugnayan sa Amin para sa Paggawa ng Inyong Fundraising Page
Gusto mo ba ng simpleng paraan upang makapagbigay ng donasyon ang iyong komunidad online? Makatutulong ang aming team sa paglikha ng fundraising page sa aming website para sa iyong event, at gagawin naming madali para iyong ibahagi ang impormasyon sa iyong pamilya, mga kaibigan, at komunidad. Tutulungan ka rin naming subaybayan ang mga donasyon sa iyong kampanya.2. Mangolekta ng Pondo sa Mismong Event at Ibigay ang Donasyon sa Pamamagitan ng Aming Website
Balak mo bang mangolekta ng mga donasyon sa mismong okasyon? Hindi naman kami kailangang isama sa pagpaplano ng iyong fundraiser. Ang makokolekta mo mula sa pagbebenta ng mga tiket, mga inihulog sa donation box, mga entry fee, o sa mga aktibidad na magaganap ay maaari mong ibigay sa amin bilang kontribusyon sa pamamagitan ng aming website.
Kung ito ang pipiliin mong pamamaraan, ipagbigay-alam mo sa amin sa [email protected] upang kilalanin ng aming team ang iyong kontribusyon.
3. Maglunsad ng Fundraiser sa Give.AsiaMaaari ka ring lumikha ng fundraiser sa Give.Asia, isang pinagkakatiwalaang crowdfunding platform na sumusuporta sa pangangalap ng pondo para sa mga adbokasiyang panlipunan at sa mga non-profit organization na tulad ng Doctors Without Borders.
Tingnan ang mga halimbawa ng mga kasalukuyang fundraiser at simulan ang iyong sariling kampanya upang suportahan ang aming mga gawaing medikal at humanitarian. Click here.
Kailangan mo ba ng tulong sa pamimili kung aling ideya ang pinakamainam para sa iyo?
Makipag-ugnayan sa amin sa [email protected]. Malugod kayong susuportahan ng aming team sa pagsasaayos ng iyong fundraiser.
- 3. Ikalat ang Balita at Bigyang-buhay ang Iyong Fundraiser
Panahon na para ibahagi sa iyong komunidad ang ideya mo, at himukin silang makisangkot sa binabalak mo. Malayo ang mararating ng simpleng pagpaplano upang maabot ng iyong kampanya ang mas maraming tao at makalikha ka ng mas makahulugang epekto.
Narito ang ilang mga paraan upang makapagsimula:
- Ibahagi ang iyong kuwento
Ipaalam sa mga tao kung bakit ka nangangalap ng pondo, at kung bakit mahalaga ang adbokasiyang ito sa iyo. Ang isang personal na mensahe ay maaring magsilbing inspirasyon para sumali ang iba at suportahan ang iyong kampanya. - Maghanda ng mga social media post
Magbahagi tungkol sa iyong fundraiser sa Instagram, Facebook, LinkedIn, WhatsApp, o kahit anong platapormang ginagamit ng iyong komunidad. Huwag mong kalilimutan na isama ang iyong fundraising link o mga detalye para sa mga donasyon. - Gumawa ng hashtag para sa iyong event
Ang isang natatanging hashtag ay makatutulong sa pagkakaisa ng iyong komunidad online at gawing mas madali para i-follow ka, i-share ang iyong post, at ipagdiwang ang iyong fundraiser. - Imbitahan ang iyong komunidad na sumali
Yayain ang iyong mga kaibigan, pamilya, mga kaklase, mga katrabaho, o mga follower na magbigay ng donasyon, dumalo sa event, makilahok, o tumulong sa pagkalat ng balita. - Kunan ng larawan at ibahagi ang karanasan
Kumuha ng mga larawan o mga video ng iyong fundraiser at ipakita ang mga tampok na bahagi sa iyong komunidad upang ipagdiwang ninyo ang inyong nagawa nang magkasama.
Kapag tapos na ang iyong fundraiser gusto rin naming malaman kung ano ang nangyari, at samahan kayong ipagdiwang ang epekto ng nagawa ninyo.
- Ibahagi ang iyong kuwento
3 Simpleng Hakbang upang Bigyang-buhay ang Iyong Ideya
Ang pangangalap ng pondo para sa Doctors Without Borders ay simple, tapat, at makabuluhan. Sundin ang tatlong hakbang na ito upang masimulan ang iyong fundraiser.
Ang Magagawa ng Iyong Regalo
$500 = Makapagbibigay ng malinis na inuming tubig para sa 7,360 na tao sa loob ng isang linggo.
$1,500 = Makapagbibigay ng 3 na portable basic surgery kit, na makatutulong sa aming mga medical team na maghatid ng emergency surgical care sa mga sitwasyon ng krisis.
$2,000 = Makapagbibigay ng 15 na mga delivery kit upang ang aming mga doktor at mga nars ay may magagamit sa kanilang pagpapaanak.
$5,000 = Makapagbibigay ng 3 na mga multipurpose na tolda na maaring gamitin bilang bahagi ng ospital, feeding center, o dispensaryo kung saan kasya ang 12 na tao.

Bakit Mahalaga ang Iyong Suporta
Ang Doctors Without Borders ay may kasarinlan. Hindi kami umaasa sa pondo mula sa mga pamahalaan para sa aming mga gawaing humanitarian.
Ang kasarinlang ito ang nagpapahintulot sa aming makatugon nang mabilis at makapagbigay ng pangangalagang medikal kung saan ito pinakakinakailangan. Ang iyong fundraiser ay makatutulong sa aming mga team na manatili sa tabi ng mga pasyente sa mga pinakamahirap na sandali ng kanilang buhay.
Ngayon, higit kailanman, kailangan ng aming mga pasyente ang may manindigan sa tabi nila.
Pagsama-samahin ang alab ng iyong damdamin, ang iyong pagiging malikhain, at ang iyong komunidad upang magtulungan sa pagsagip ng mga buhay.