Makiisa sa amin at baguhin ang buhay ng mga taong nangangailangan ng tulong medikal.
Bakit makabubuting maging katuwang namin?
Ang aming mga ginagawa ay nagiging posible lamang dahil sa bukas-palad na suporta ng mga indibidwal at mga organisasyong katulad ng sa inyo.
Dahil sa inyong suporta, nakatitiyak kami na makakakilos kami agad upang tumugon sa mga emergency, at na makakapagbigay kami ng tulong medikal sa mga lugar na di mapuntahan ng iba.
Ang inyong pakikipagtulungan bilang katuwang ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) ay susuporta sa aming makasagip-buhay na pagtugong medikal at humanitarian sa mga sakuna, tunggalian, mga sakit at epidemya sa mahigit pitumpung bansa.
Ang pagbuo ng makabuluhang ugnayan
Una sa lahat, nais naming makilala kayo at ang inyong kumpanya, at malaman kung ano ang pinakamabuting paraan upang tayo’y magtulungan. Ang aming magiliw na team ay laging handang makipag-usap, sa personal man o sa telepono.
Narito ang ilang halimbawa kung paano tayo maaaring magtulungan at kung ano ang maibibigay namin sa inyo:
- Magkakaroon kayo ng access sa isang relationship manager.
- Ikaw at ang inyong mga empleyado ay magkakaroon ng oportunidad na marinig mula sa aming mga medical at non-medical staff ang kanilang mga naranasan sa mga lugar na aming tinutulungan. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng isang kaganapan o ng isang online webinar.
- Magbabahagi kami ng regular na ulat at impormasyon ukol sa aming mga medical humanitarian na gawain.
- Maaari kaming magbigay ng mga oportunidad para sa pakikipag-ugnayan ng mga empleyado, halimbawa, sa pamamagitan ng isang sesyon ng Mapathon upang mabuo nila ang mga nawawalang mapa.
Mga benepisyo ng pakikipagtulungan sa Doctors Without Borders
- Mabibigyang-daan ang pagkakaisa ng inyong mga empleyado sa ating layunin na tiyaking ang mga tao ay may access sa mahalagang pangangalagang medikal kapag kinakailangan nila ito.
- Mapapaiba ang inyong kumpanya, at magiging angat ito sa iba dahil sa inyong paghahanay sa isang mahalagang layunin.
- Magiging katuwang ninyo ang nangungunang medical humanitarian aid organization sa mundo, na ginawaran ng 1999 Nobel Peace Prize.
Tumatanggap ang Doctors Without Borders ng mga kontribusyon mula sa mga korporasyon ngunit hindi kami tumatanggap ng mula sa mga kumpanya at ang kanilang mga corporate foundation, pati na rin ang mga nagkakampanya para sa kanila, kung ang kanilang mga aktibidad ay salungat sa mga layunin ng aming medical humanitarian na mga gawain o kung lilimitahan nila ang aming kakayahang makapagbigay ng humanitarian assistance sa kahit anong paraan. Kabilang rito ang mga industriya na kumukuha ng malaking bahagi ng kanilang kita mula sa paggawa at pagbebenta ng sigarilyo, alkohol, mga sandata, mga pharmaceutical (gaya ng mga gamot, mga kagamitang medikal, mga therapeutic na pagkain, diagnostic at biotechnical na materyales, at pagsasaliksik), at/o mineral, langis, gas, o iba pang mga industriyang extractive.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa aming patakaran sa pagtanggap ng donasyon, i-click lang ito.
Makipag-ugnayan upang makausap ang isa sa aming magiliw na team na nakabase sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Limampung taon ng aksyong medikal
Araw-araw, sa loob ng mahigit limampung taon, ang aming mga medical team ay nasa gitna ng mga krisis, nagbibigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal sa mga taong apektado ng mga tunggalian, kapahamakan, epidemya at iba pang mga medical emergency.
Alamin kung paano ninyo masusuportahan ang aming mga ginagawa sa pamamagitan ng pagpapadala ng inyong mga katanungan.