Mag-imbita ng speaker
Ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ay regular na nagpapadala ng tagapagsalita sa mga medical, academic, at community group presentations sa buong Southeast Asia, East Asia and the Pacific region, at iba pang mga bansa sa buong mundo.
Dahil sa pagtaas ng interes sa mga gawain ng Doctors without Borders' nitong mga nakaraang taon at limitado ang bilang ng field workers na maaaring maging tagapagsalita, hindi lahat ng humihiling ay napagbibigyan. Narito ang ilang guidelines na dapat ninyong mabasa bago mag-imbita ng tagapagsalita.
Hinihikayat ng Doctors Without Borders ang imbitasyon mula sa mga sumusunod:
- National at regional conferences na nakatuon sa international medical humanitarian concerns
- Medical, public health care, and international affairs schools o institutions
- Mga grupo mula sa mga unibersidad at komunidad na interesado sa international medical humanitarian concerns
- Mga grupong hindi bababa sa 50 ang mga miyembro
Ibinabahagi ng mga field workers galing Indonesia ang mga hamon at mga pambihirang nagawa nila habang nagtatrabaho para sa mga proyekto ng Doctors Without Borders. © MSF
Bagama’t ang bawat imbitasyon ay aming bibigyan ng konsiderasyon, may pagkiling sa mga kaganapang nakatuon sa public health at sa international medical humanitarian issues.
Upang mabigyan kami ng sapat na panahong makahanap ng naaangkop na tagapagsalita, pakibigay lang ang inyong imbitasyon 4-8 na linggo bago ang event.