Nagsimulang magtrabaho ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) sa Indonesia noong 1995 bilang tugon sa mga pangangailangang medikal pagkatapos ng isang malakas na lindol sa Mount Kerinci, Jambi sa Central Sumatra. Mula 1995 hanggang 2009, nagbigay ng medical assistance ang MSF sa emergencies at mga natural na sakuna sa iba’t ibang probinsiya sa Indonesia. Nakipagtulungan din kami sa kanilang Ministry of Health upang magpatakbo ng mga proyektong may kaugnayan sa HIV/AIDS at tuberculosis.
Noong 2015, bumalik ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) sa Indonesia sa ilalim ng Memorandum of Understanding kasama ang Ministry of Health (MoH) nang nakatuon sa capacity building kaugnay ng adolescent health. Ngayong may pandemya, nakikipagtulungan ang MSF sa MoH sa pagsugpo sa COVID-19, partikular na sa ilang lugar sa Jakarta at Banten. Sa kasalukuyan, nanatili ang organisasyon sa bansa para sa ilang gawain na sumusuporta sa MoH sa larangan ng capacity building, training facilitation, health education, provision of adolescent health services, emergency preparedness and response, COVID-19 response at iba pa. Sa Indonesia, ang tawag sa MSF ay Dokter Lintas Batas.
Timeline: Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) sa Indonesia
- 1995: Nagsimula ang mga proyekto ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) sa Indonesia nang tumugon kami sa mga pangangailangan pagkatapos ng isang malakas na lindol sa Mount Kerinci, Jambi. Mula 1995 hanggang 2009, nagbigay ang organisasyon ng tulong medikal sa mga emergency at natural na sakuna sa iba’t ibang probinsiya sa Indonesia. Nakipagtulungan din kami sa MoH sa pagpapatakbo ng mga proyektong may kaugnayan sa HIV/AIDS at tuberculosis.
- 2015: Noong 2015, bumalik ang MSF upang suportahan ang refugees, at ang mga biktima ng methanol poisoning at iba pang maliliit na natural na sakuna. Nakipagtulungan din kami sa Ministry of Health (MoH) Crisis Centre at sa lokal na pamahalaan ng Aceh para sa emergency response at assistance sa pagbibigay ng mental health at psychosocial activities para sa Rohingya refugees na napadpad sa Andaman Sea.
- 2016: Tumugon ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) sa mga pangangailangan matapos ang lindol sa Aceh, at sa pakikipagtulungan sa lokal na health authorities, nagbigay ng psychosocial education intervention sa apat na sub-districts— Pidie Jaya District, Bandar Baru, Pante Raja, Meuredu, at Tringgading.
- 2017: Nagsagawa ng pagsasanay tungkol sa Psychological First Aid (PFA) para sa 32 health workers at 11 Puskesmas, na sertipikado ng MoH ng Republic of Indonesia sa pakikipagtulungan sa Pidie Jaya District Health Office bilang bahagi ng tugon sa lindol sa Pidie Jaya.
- 2018: Nagsagawa ng mga pagsasanay tungkol sa mga sumusunod: 1) Reproductive Health para sa mga guro at sa mga estudyanteng nasa mababang paaralan sa Kepulauan Seribu (Thousand Islands) sa pakikipagtulungan sa DKI Jakarta Provincial Health Office, at 2) Pagsasanay na may kaugnayan sa methanol poisoning sa tatlong siyudad: Jakarta, Yogyakarta, at Surabaya. Ngayong taong ito, sinimulan din ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ang adolescent reproductive health project sa Labuan at Carita Sub-districts, Banten Province. Samantala, ang mga lokal na staff naman ay rumesponde sa mga lindol na tumama sa Lombok Island noong July at August, at sa tatlong magkakasabay na sakuna ng lindol, tsunami, at liquefaction na sumalanta sa Palu , Central Sulawesi noong Setyembre. Noong Disyembre, pagkatapos ng pagputok ng bulkang Krakatoa, isang tsunami ang humampas sa Sunda Strait coast. Naapektuhan rin nang malubha ang Pandeglang District, kung saan ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ay nagpapatakbo ng isang adolescent reproductive health project. Agad-agad na nagpadala ang MSF ng medical response teams para sa mga naapektuhan ng kalamidad.
- 2019: Ipinagpatuloy ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ang adolescent health project sa Pandeglang District, Banten Province. Nagpadala rin ang organisasyon ng mobile medical teams sa komunidad na apektado ng Sunda Strait tsunami na naganap noong Disyembre 2018.
- 2020: Sa bisa ng bagong MoU kasama ang Ministry of Health, palalawigin ang adolescent health project ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières' (MSF) sa probinsya ng Banten. Ngayong may pandemya , nakikipagtulungan ang organisasyon sa local health authorities sa Banten at Jakarta para sa pagsasanay ng mga health workers, health promotion, at pagsuporta sa contact tracing at surveillance, at sa infection prevention and control. Isang bagong elemento sa paparating na MoU ay ang pagsuporta sa capacity building within emergency preparedness and response ng MoH Crisis Centre.
Adolescent Health Project sa Indonesia
Ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ay kasalukuyang nagpapatakbo ng Adolescent Health Project sa Indonesia. Ito’y nakatuon sa pagbibigay ng reproductive health education para sa mga estudyante at guro. Pinag-uugnay rin nila ang mga stratehiya upang mabigyan ng access sa confidential reproductive healthcare services na nakaangkop sa mga partikular na pangangailangan ng mga kabataan.
Sa Banten, nilalayon ng proyektong pataasin ang kamalayan ukol sa mga pagpipiliang pangangalagang pangkalusugan ng mga kabataan at pagpapabuti ng kalidad ng kanilang makukuhang serbisyo. Kasama rin dito ang paghihimok sa mga local health facilities na pagbutihin ang kanilang serbisyo tulad ng Adolescent Friendly Health Services (AFHS).
Stories from the field
MSF Indonesia: Nakikipagtulungan sa pilot schools at health facilities sa adolescent health promotion
Upang mapataas ang kamalayan ukol sa kalusugan at pagbutihin ang access sa pangangalagang pangkalusugan ng mga kabataang Indonesian, nagsimula ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ng isang adolescent health promotion at education programme para sa mga pilot schools sa Banten Province. Ang programang ito para sa mga paaralan ay kasalukuyang tumatakbo sa limang mataas na paaralan sa Labuan at Carita. Bahagi ito ng mas malaking MSF adolescent health project at muling binubuhay ang health promotion programme ng pamahalaan ng Indonesia para sa kabataan na nakatalaga na noong 1950 pa. Sa kasalukuyan ay sinusuportahan ng MSF ang pagpapatakbo ng adolescent health promotion programme, kasama sa health education sensitization initiatives, sa pakikipagtulungan sa mga paaralan at public health facilities.
Ibinihagi ni Ai Uniati, ang punong guro ng junior high school SMP N 1 Carita, na noong pinakilala ang MSF adolescent health programme sa kanilang paaralan, napansin niya na mas binibigyang-halaga na ng mga estudyante and kanilang kalusugan at nasanay na sila sa pakikipag-usap sa mga health personnel.
“Dati, mas gusto ng mga estudyanteng umuwi na lang dahil walang isang lugar na nakalaan para sa health promotion sa paaralan. Hinayaan lang namin sila. Takot din silang masuri ang kanilang kalusugan, dahil natatakot silang ma-iniksyonan. Sa tulong ng adolescent school health programme ng MSF, ang mga estudyante ay may lugar nang pupuntahan para magdagdag ng kaalaman tungkol sa kanilang kalusugan, at may mga tao na rin silang matatanong. Itinatala din namin ang kanilang kondisyong pangkalusugana, at sinasangguni ang sinumang may seryosong sintomas,” paliwanag ni Risna Eliasari, isang guro at coordinator ng health programme ng SMP N 1 Carita.
Pagkatapos buhaying muli ang adolescent school health programme sa junior high school SMP N 1 Carita, alam na ng mga estudyante kung saan sila pupunta kapag mayroon silang problema sa kalusugan. © Eka Nickmatulhuda
Noong 2017, halos 1/3 ng populasyon ng Indonesia na mahigit 65 milyon, ay mga kabataang edad 10 hanggang 24 taong gulang. Ayon sa World Health Organisation, ang grupong ito ay madaling malagay sa panganib. Hinahadlangan din sila ng lipunan sa pagkuha ng serbisyong pangkalusugan.
Mahalagang Epekto
Sa kasalukuyan, sa ilalim ng adolescent health project ng MSF sa Banten province. 2,656 na kabataan na ang nakatanggap ng health education; 5,349 na ang adolescent healthcare consultations na nagawa sa dalawang health facilities; at nagkaroon na rin ng 62 counselling sessions. Malaki ang kontribusyon ng adolescent health promotion and education programme sa mga paaralan para mahimok ang mga kabataang Indonesian sa Labuan at Carita na magkaroon ng kamalayan tungkol sa kanilang pangangailangang pangkalusugan at kung paano kumuha ng mga serbisyong pangkalusugan.
“Ang suporta ng MSF, lalo na sa adolescent health, ay talagang nakatulong,” sabi ni Endang Yuningsih, ang coordinator ng PKPR programme sa Puskesmas o community health centre ng Labuan. Ayon sa kanya, dumami ang bumibisitang kabataan sa Puskesmas.
Bukod pa rito, nagkaroon ng positibong pagbabago sa inaasal ng mga kabataan. Ayon kay Baihaki, ang punong guro ng junior high school SMP N 1 sa Labuan¸ noon daw ay napakadumi ng paaralan nila at maraming nakakalat na basura. Kasama sa adolescent health promotion programme ng MSF ang kahalagahan ng malinis na kapaligiran para maiwasan ang pagkalat ng mga sakit.
Salamat sa MSF, tumaas ang kamalayan ng mg estudyante tungkol sa kanilang kapaligiran. Mayroon na ngayong napaka-aktibong school health implementation team kung saan may 11 na estudyanteng tinitiyak na malinis ang paligid ng paaralan. Mayroon ding patakaran sa paaralan kung saan kailangang magdala ang bawat estudyante ng sariling pagkain at kubyertos para hindi na sila bumili ng mga pagkaing may di-kinakailangang balot. Kailangan din nilang mag-abot ng isang pirasong basura para papasukin sila sa eskwelahan. Ang resulta nito ay hindi lang isang malinis na paaralan, kung hindi ang kalinisan din ng bawat estudyante.
Iniuulat ni Mahesa S.P. ang resulta ng kanilang diskusyon pagkatapos nilang manood ng maikling pelikula tungkol sa maagang pag-aasawa. Si Mahesa at sampu sa kanyang mga kaibigan ay mga miyembro ng school health implementation team ng junior high school SMP N 1 sa Labuan. Tumatanggap sila ng edukasyong pangkalusugan mula sa MSF community health promoters upang maipasa nila ang mga mensaheng pangkalusugan sa mga ka-edad nila. © Eka Nickmatulhuda
Isang Programang Mapapanatili
Upang matiyak ang patuloy na tagumpay ng programa, nakikipagtulungan ang MSF sa mga Puskesmas sa pagbibigay ng mga gabay, mga pagsasanay, at mga payo sa mga guro at mga kadre. Ang programa ay pinangangasiwaan din ng lokal na pamahalaan.
Samantala, ang school health implementation team ay binubuo ng mga estudyante mula sa student council, at mga miyembro ng Red Cross society. Ang mga guro at magulang ang nagsisilbi bilang board members, ang punong-guro ang chairperson, at ang namumuno ng sub-district at ng community health clinics naman ang advisers. Pinagtitibay ang pagtutulungang ito ng isang atas.
“Ayon sa atas na ito, ang bawat grupong sangkot dito, magmula sa paaralan hanggang sa sub-district administrative level, ay pawing nagmamay-ari ng programa. Alam ng lahat ang kanilang papel, at kami’y nagtutulungan upang patakbuhin at panatilihin ang programa,” paliwanag ni Baihaki.
Dahil sa tagumpay ng programa ng MSF, sinisikap ng Puskesmas na sundan ang modelong ito ng adolescent health promotion sa mga paaralan. Ayon kay Abdurrachman Fauzi, school health coordinator mula sa Puskesmas Labuan, nakatuon sila ngayon sa pagbibigay-buhay sa 33 school health centers sa mga paaralan sa Labuan.
Sa Jakarta naman, nakikipagtulungan ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) sa local health authorities upang mahikayat ang mga kabataang pahalagahan ang kalusugan. Nakatuon sila sa mga kabataan mula sa fishing villages at sa mga bayan sa mga partikular na bahagi ng Jakarta.
Tugon sa mga Kalamidad
Kapag may malalakas ng lindol, matinding pagbaha, tsunami, at iba pang emergency, sinusuportahan ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ang MoH Crisis Centre sa initial health assessments at psychological first aid. Nagbibigay rin sila ng mga pagsasanay at mga donasyon na hygiene kits.
Ang mga lindol at tsunami ay hindi na bago para sa mga taga-Indonesia. Ang liquefaction, isang di-pangkaraniwang pangyayari kung saan nawawalan ng lakas o kakapalan ang lupa at nagiging putik, ay nauuwi sa pagguho ng lupa, na maaaring magdulot ng malubhang pinsala at pagkawala ng buhay sa mga apektadong lugar. Kapag nangyayari ito, mahalagang merong access sa kagyat na pangangalagang pangkalusugan. Ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ay nagbibigay ng pangangalagang medikal at mental healthcare sa mga apektadong lugar upang makasagip ng mga buhay.
Ang MSF team sa isa sa mga liblib na lugar sa Mamuju District, West Sulawesi, matapos lumindol sa Majene noong ika-14 ng Enero 2021. Pagkatapos ng magnitude 6.2 na lindol, mga 77 tao ang namatay, mahigit 820 ang nasaktan, at mga 15,000 ang kinailangang lumikas mula sa kanilang mga tahanan. May mga pumunta sa kabundukan, at may mga nauwi na lang sa mga siksikang evacuation center. © Tommy Onsent/MSF
Ang aming team ay binubuo ng mga espesyalistang tulad ng mga doktor, nars, komadrona, psychologists, logisticians, water and sanitation specialist at marami pang iba. Depende sa klase ng sakuna, at kung gaano kalaki ang pinsalang naidulot nito, ang MSF team ay maaaring maliit lamang, o di kaya nama’y malaki talaga, at makapagbibigay ng iba’t ibang klase ng suportang kinakailangan sa partikular na sitwasyon sa apektadong lugar.
Ang prayoridad ng mga team ay ang pagbibigay ng suporta sa mga health centres sa mga lugar na liblib at mahirap puntahan upang matiyak na mabibigyan ang mga tao roon ng pangunahing pangangalagang pangkalusugan, at mapigilan ang pagkalat ng mga sakit tulad ng mga skin disease, tigdas, at pagtatae.
Dahil sa pinsalang idinulot ng lindol sa lokal na Puskesmas (community health clinic), nawalan ang mga tao ng access sa mga serbisyong pangkalusugan. Nakipagtulungan ang MSF sa local Health Office upang makapagbigay ng pangangalaga sa IDPs camp, sa South Dolo Subdistrict, Sigi District in South Sulawesi.
Tugon sa COVID-19
Noong Marso 2020, idineklara ng pamahalaan ng Indonesia na national public health emergency ang COVID-19. Kinailangan ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) na isaayos ang mga elemento ng Adolescent Health project sa Banten upang magamit ang ibang kapasidad sa pagsuporta sa mga local health facilities sa kanilang paghahanda para sa pandemya. Kasama rito ang pagtatakda ng health protocols, at pagkakaroon ng mga educational materials ukol sa virus sa mga pasilidad.
Ang mga pinagtutuunan sa Banten ay ang pagpapalakas ng koordinasyon para sa tugon sa COVID-19 sub-district task force level, kasama ang 19 village task forces at community health centers; ang pagdagdag sa mga gagampanang responsibilidad ng iba’t ibang sektor (edukasyon, relihiyon, turismo) at komunidad sa pagtugon sa COVID-19; technical assistance at iba pang capacity building para sa health cadres at mga grupo ng kabataan; pagsagawa ng mga aktibidad na magtataas ng kamalayan ng publiko tungkol sa COVID-19 face-to-face man o gamit ang digital media; pagsuporta sa mitigation ng mga kaso ng COVID-19; psychosocial counselling at serbisyong pang-edukasyon para sa mga pasyente at kanilang mga pamilya. Kasama rin ang MHPSS plan development para sa pagtugon sa COVID-19 sa Labuan at Carita sub-districts, Pandeglang District.
Sa Jakarta, nagsasagawa ang Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ng mga pagsasanay kaugnay ng COVID-19 para sa mga health cadres. Kasama rito ang health promotion, monitoring, mentoring, at follow-up. Nagbibigay rin kami ng mental health at psychosocial support (MHPSS).
Kuwento Tungkol sa Pagtugon sa COVID-19
Indonesia: Ang Pakikibaka sa COVID-19 sa Pamamagitan ng Edukasyon at Pagbibigay-Lakas
Noong Hunyo, nagsimulang mabahala ang mga tao sa Indonesia nang napabalitang may mga kaso na ng COVID-19 sa bansa. Naglipana ang mga bali-balita, mga kathang-isip, at fake news. Pinaulanan ng tanong ang mga namumuno sa mga komunidad at ang mga opisyales. Nagmakaawa ang mga mamamayan na mabigyan sila ng malinaw na impormasyon tungkol sa COVID-19.
Ayon kay Muchtar Lufti, pinuno ng Rukun Warga 5 (RW5) community unit ng Kalibata village sa South Jakarta, “Maraming impormasyon kaming natatanggap. May mga totoo, may fake news. Ang hirap salain ng impormasyon, kaya’t litong-lito ang mga tao.”
Masyadong maraming impormasyon ang pumapasok, at sari-sari ang mga pinanggagalingan nito— social media, chat groups, mga balita sa TV, sa radyo at sa diyaryo. Lumala ang sitwasyon ng idineklara ang Kalibata village, isang Pancoran sub-district, bilang isang COVID-19 red zone.
“Noong mga panahong iyon, nagagalit ang mga tao at nagpoprotesta. Gusto nilang malaman kung bakit sila sinasabihang manatili lang sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung anong isasagot ko, bukod sa pagsabing utos ito ng gobyerno, “ kuwento ni Halimah, isa sa mga miyembro ng COVID-19 taskforce ng komunidad.
Edukasyon, Pagsasanay at Pagbibigay-Lakas kasama ng MSF
Pinag-aralan ng isang MSF team ang sitwasyon sa Kalibata. Nalaman nila na laganap na sa South Jakarta ang takot at pagkalito, at na mahirap para sa maraming tao ang makahanap ng mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon ukol sa COVID-19.
“Natuklasan naming gusto ng mga local health centres, o puskesmas, ng aming suporta,” paliwanag ni Dr. Dirna Mayasari, ang MSF deputy medical coordinator sa Indonesia. “Kailangan namin silang tulungang makapagbigay-impormasyon sa kanilang komunidad sa mabilis at malawakang paraan. Gaya ng virus, maaaring makasama rin ang takot sa mga tao.”
Ang mga pinuno ng komunidad, ang mga religious leaders, at ang mga sumailalim sa pagsasanay upang magturo sa iba ay inanyayahan ng mga puskesmas na magsabi ng kanilang mga inaalala sa MSF.
“Kailangan ng komunidad ng malinaw na impormasyon kung paano poprotektahan ang kanilang mga sarili laban sa COVID-19. Pero gusto rin nila ng diyalogo. Lahat ng impormasyong nakukuha nila ay ibinibigay lang,” sabi ni Mayasari. "Gusto ng mga tao ng oportunidad na makapagtanong, magkaroon ng diskusyon tungkol sa kanilang mga inaalala, at mabigyang-linaw kung ano ang pinakamahusay na paraan upang labanan ang virus. Gusto rin nilang magbahagi ng mga paraan para makapagpalaganap ng impormasyon sa kanilang mga komunidad.” Nagdesisyon ang MSF na dalhin ang impormasyon sa mga tao sa pamamagitan ng face-to-face training para sa mga pinuno ng sambahayan na bumubuo ng RW5 community unit.
Sa lugar ng pagsasanay, naghanda ang MSF ng mga visual materials, kasama ang poster ng COVID-19 meeting regulations na ipinaskil nila sa pinto. Nang magsimula na sila'y pinaalala ng mga facilitator ang mga regulations at hinikayat silang sundin ang mga ito. © Cici Riesmasari/MSF
Nagsimula ang MSF sa pagsasanay ng mga kinatawan mula sa sampung kabahayan sa RW5. Ang mga training session ay dinaluhan ng sampung katao at tumagal ng dalawang oras. Hinabaan nila ang pagsasanay upang makinabang rin ang ibang mga sambahayan sa lugar. Mula Hunyo hanggang Hulyo, mahigit 150 katao ang sumailalim sa pagsasanay ng MSF.
“Naniniwala kami na ang pagbibigay-lakas ay ang susi sa pagtugon sa pandemyang ito. Kung mananatiling malusog ang mga tao sa komunidad, hindi nila kakailanganing pumunta sa mga pasilidad na pangkalusugan,” sabi ni Mayasari.
Ang sessions ay interactive—humihimok ng diskusyon, ng paggamit ng mga larawan, at ng role-playing. "Isa itong lugar kung saan walang pangambang matuto," paliwanag ni Halimah. "Nakakatutuwang matuto gamit ang flash cards, habang ang mga doktor at ibang medical staff ay nagbibigay ng impormasyon sa simpleng paraan. Ngayon, naiintindihan na namin kung paano kumakalat ang virus, kung ano ang gagawin kapag may positibong kaso ng COVID-19, at kung ano ang mga hakbang para maprotektahan ang mga sarili. Ngayon, nagsisimula na ang mga taong lumabas sa kanilang mga bahay dahil sa binawasan na ang mga pagbabawal. Marami sa kanila ang nagsusuot na ng maskara, at dumidistansya mula sa isa’t isa.”
Sinusubukan ng isang kasali sa pagsasanay na maayos ang pagkakasunod-sunod ng flash cards tungkol sa pagkalat ng COVID-19. Ang pagsasanay tungkol sa COVID-19 ay isinagawa ng MSF medical team, at dinaluhan ng mga kabataan mula sa Kalibata Sub-district, Kalibata Village sa South Jakarta, Indonesia. © Sania Elizabeth/MSF
Ang pagtanggal ng stigma ng COVID-19
Binibigyang-diin ng mga health education sessions ng MSF na nagpapalala ng sitwasyon ang pagpapataw ng paunang-hatol sa mga taong may COVID-19. Halimbawa, dahil sa stigma na kaakibat ng COVID-19, tumatanggi ang mga taong sumailalim sa testing kahit na ito’y binibigay nang libre sa mga puskesmas.
Gayunpaman, mula noong nagsimula ang mga training and information-sharing sessions ng MSF, napansin ng mga pinuno ng komunidad na nabawasan na ang stigma na ipinapataw sa mga may COVID-19. At may napansin pa si Halimah. “Nakita ko ang pagbabago sa kaugalian ng mga tao sa aming komunidad. Dahil sa aming kaalaman ukol sa COVID-19, hindi na gaanong takot ang mga tao sa sakit. Sinusunod nila ang mga patakaran para sa kanilang kaligtasan, at hindi na nila tinatrato nang masama ang mga may sakit.”
Pagkatapos ng ilang MSF training sessions, iniulat ng isang opisyal ng puskesmas na umaakyat ang bilang ng mga taong sumasailalim sa testing.