Breadcrumb
- Home
- Tandaan ang mga Rohingya – Ang aming nakikita
Ang aming nakikita
Laging isaisip ang Rohingya
Laging isaisip ang Rohingya
Laging isaisip ang Rohingya
Laging isaisip ang Rohingya
Binibigyan namin ng boses ang mga Rohingya, na ang mismong buhay ay itinatatwa ng iba
Inuusig, inaapi, at itinutulak na magkubli, ang mga Rohingyang nakatira sa mga kampo sa Cox’s Bazar, Bangladesh at ibang mga bansa ay nananatiling may malalaking pangangailangan sa kalusugan, tubig, sanitasyon, at proteksyon.
Gayunpaman, wala pa ring mga ginagawang hakbang upang putulin ang ugat ng mga suliranin ng mga Rohingya—ang kawalan ng estado, o statelessness.
Magpatuloy sa pagbabasa
Myanmar: Nahaharap sa malalaking hadlang ang mga team ng Doctors Without Borders sa pagbibigay ng pangangalagang medikal para sa mga komunidad sa estado ng Rakhine
Noong Hunyo 2024, ang Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) ay napilitang suspindihin ang kanilang mga gawaing medikal at humanitar...
Bangladesh: Ang kakulangan ng pangangalaga para sa mga mayroong hepatitis C at ang nakababahalang pagdami ng mga kaso nito sa mga refugee camp ng mga Rohingya
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF), halos 20% ng mga refugee na Rohingya na sumailalim sa t...
Dumating kami sa Bangladesh noong 2017. Pumarito kami dahil inaaresto at pinapaslang ang mga Rohingya sa Myanmar. Ang aming mga pamayanan ay isa-isang sinusunog. Binobomba ang aming mga bahay ng mga eroplano. Walong araw naming inobserbahan ito, sa pag-asang magiging kalmado rin ang sitwasyon. Ngunit lalo lang lumala ang lahat. Nangamba kami para sa aming buhay, at nagsimula kaming magsitakas, patungo sa kahit saang lugar na maaari naming puntahan.Hashimullah, refugee sa Cox's Bazar