Skip to main content

    Plano ng Estados Unidos para sa isang pansamantalang pantalan sa Gaza, isang malinaw na dibersiyon

    Palestinians in Rafah on the Egyptian border – once a town of 300,000, but now hosting 1.5 million displaced people from all over Gaza. January 2024 © MSF

    Ang mga Palestino sa Rafah sa hangganan ng Ehipto—ang bayan na dati’y may populasyon lamang na 300,000, ngunit ngayo’y pinamamalagian na ng 1.5 milyon na mga taong lumikas  mula sa iba’t ibang bahagi ng Gaza—ang hirap na hirap makakuha ng malinis na tubig na iinumin, gagamitin sa pagluluto, o sa paghuhugas. Desperado ang mga kondisyon ng pamumuhay ng mga taong nakatira sa bahaging ito ng enclave–ito’y resulta ng siksikang mga tirahan at kakulangan ng malinis na tubig, palikuran, paliguan, at sistema ng alkantarilya, na lalong napapasama dahil sa lamig ng panahon. Enero 2024 © MSF

     

    Noong Marso 7, inanunsiyo ni Presidente Biden ang mga plano para sa pagtatayo ng militar ng Estados Unidos ng pansamantalang pantalan sa baybayin ng dagat sa Mediterranean Sea upang makatulong sa paghatid ng humanitarian aid. Ngayon, naglabas din ng magkasanib na pahayag ang Estados Unidos, European Commission, ang Republika ng Cyprus, ang United Arab Emirates, at ang United Kingdom kung saan inaanunsiyo nila ang pagpapagamit ng isang maritime corridor upang suportahan ang humanitarian assistance. 

    Ang pahayag sa ibaba ay nanggaling kay Avril Benoît, executive director ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) USA, matapos ang mga anunsiyong nabanggit: 

    "Ang plano ng Estados Unidos para sa isang pansamantalang pantalan sa Gaza upang pagbutihin ang daloy ng humanitarian aid ay isang malinaw na dibersiyon upang mawala ang atensyon sa tunay na problema: ang walang pinipili at hindi magkakatimbang na kampanyang militar ng Israel at pati na rin ang pagkubkob nito. Ang pagkain, tubig, at mga medical supply na lubhang kailangan ng mga tao sa Gaza ay nakatambak lang sa kabila ng hangganan. Kailangan ng Israel na mapadali ang daloy ng mga supply at hindi na hadlangan ito. Hindi ito isang problema ng logistics; ito ay isang pulitikal na suliranin. Sa halip na umasa sa militar ng Estados Unidos upang makahanap ng paraan na maiwasan ang problema, kinakailangang igiit ng Estados Unidos ang agarang humanitarian access gamit ang mga dati nang kalsada at mga entry point.

    Nitong mga nakaraang buwan, nag-veto ang Estados Unidos laban sa tatlong resolusyon ng UN Security Council na magkaroon ng ceasefire—ito lamang ang tanging paraan upang matiyak ang pagdagdag ng emergency assistance. Inuulit namin ang aming panawagan para sa agaran at mapapanatiling ceasefire upang tigilan na ang pagpatay sa libo-libong mga sibilyan at pahintulutan ang paghahatid ng kailangang-kailangang humanitarian aid." 

    Susuportahan mo ba ang aming emergency response?

    Tulungan kaming makapagbigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal sa mga emergency sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.

    Categories