Skip to main content

    Gaza: Ang mga natirang ospital sa hilaga ay kinubkob at di makalabas ang mga tao

    MSB90757_flag

    Ayon sa Ministry of Health at sa mga health worker, ang mga puwersang Israeli ang kasalukuyang kumukubkob sa Indonesian, Al-Awda at Kamal Adwan Hospitals. Mahigit 350 na pasyente ang naiulat na hindi makalabas mula sa mga ospital na nabanggit. Kabilang rito ang mga nagdadalang tao at mga taong katatapos lang operahan. Ang mga pasyenteng ito ay nangangailangan ng patuloy na paggamot at hindi sila makaalis.

    “Ang pagtindi ng karahasan at ang walang humpay na pagkilos ng mga militar na Israeli na aming nasaksihan nitong nakaraang dalawang linggo sa hilagang Gaza ay may kahila-hilakbot na kahihinatnan,” sabi ni Halford. Sampu-sampung libong tao ang hindi pa rin makaalis ng Jabalia camp dahil sa araw-araw na pagbobomba. Anim sa aming mga staff ay hindi matawagan dahil sa walang kuryente sa kanilang lugar, habang isa sa aming mga kasamahan ay napatay matapos siyang matamaan ng shrapnel. “Kapag ang mga ospital ang sinalakay, sinira ang mga imprastruktura, at pinutulan sila ng kuryente, ang buhay ng mga pasyente at medical staff ay nalalagay sa panganib.”

    Daan-daang mga tao na nangangailangan ng pangangalaga ang dapat ilikas sa lalong madaling panahon sapagkat nanganganib ang kanilang mga buhay. Ang mga mahahalagang pangangailangan, gaya ng pagkain, ay naipapasok lang sa dami na hindi sapat para sa populasyon sa hilagang bahagi ng Strip.

    “Ito ay isang kolektibong kaparusahan na ipinapataw ng mga Israeli sa mga Palestino sa Gaza, na kinakailangang mamili sa sapilitang paglikas mula sa hilaga o kamatayan. Nangangamba kaming hindi ito titigil,” sabi ni Halford.

    “Ang pakikidigma ng Israel sa Gaza ay tila walang katapusan. Dahil sa kanilang walang humpay na pagsuporta sa digmaang ito, malaki ang pananagutan ng mga kakampi ng Israel sa kahila-hilakbot na sitwasyong ito. Kailangan nilang gawin agad ang lahat ng kanilang makakaya upang magkaroon ng pananatiliing ceasefire. Hindi bukas, hindi sa susunod na linggo. Ngayon,” sabi ni Halford.
     

    Susuportahan mo ba ang aming emergency response?

    Tulungan kaming makapagbigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal sa mga emergency sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.

    Categories