Mula 2003, mahigit 50,000 na tao ang napatay sa digmaan sa Gaza, ayon sa Ministry of Health. Kabilang rito ang mga staff ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF), na nagtatrabaho o di kaya’y kasama ang kanilang mga pamilya nang sila’y nasawi.
Dahil sa mga walang patid na pagsalakay ng mga puwersang Israeli sa mga healthcare worker at sa mga pasilidad medikal, nalalagay ang di mabilang na buhay sa peligro, at nanganganib ang mga pasyente at healthcare personnel habang winawasak ang mga imprastrukturang pangkalusugan.
Ipinagdadalamhati namin ang pagkawala ng aming mga kasamahan at nananatili kaming nag-aalala para sa kaligtasan ng lahat ng aming mga staff at mga pasyente sa Palestine. Nananawagan kami na tigilan na agad ang mga pagsalakay sa pangangalagang pangkalusugan ng Gaza at inuudyukan namin ang pagkakaroon ng ligtas na humanitarian access upang makarating ang mahalagang pagtulong sa mga nagdurusa at lubos na nangangailangan.
Huling itinala noong Oktubre 6, 2025
Abed El Hameed Qaradaya
Physiotherapy Activities Manager ng Doctors Without Borders, nasawi noong Oktubre 5, 2025
Si Abed El Hameed Qaradaya ay binawian ng buhay dahil sa mga kritikal na pinsalang tinamo niya mula sa mga shrapnel noong Linggo, Oktubre 5, matapos ang pagsalakay noong Huwebes, Oktubre 2, kung saan ang isa pa naming kasamahan na si Omar Hayek ay napatay rin, at marami ang nasugatan.
Sa loob ng 18 na taon, si Abed El Hameed ay naging isang saligang miyembro ng physiotherapy department ng Doctors Without Borders sa Gaza. Siya ay isang katangi-tangi at mahalagang espesyalista sa physiotherapy at occupational therapy. Walang pagod na nagtrabaho si Abed sa harap ng matitinding hamon, katulad ng kakulangan ng supplies dahil sa pagbangkulong ng mga Israeli. Gumawa siya ng mga pagbabago sa mga kagamitan para gawing mas angkop ang mga ito para sa mga pasyente, nakipagtulungan sa mga mananahi at mga logistik upang lumikha ng mga pinasadyang compression suit para sa mga pasyenteng nagtamo ng pinsala dahil sa pagkasunog, at inangkop ang mga walker para sa partikular na pangangailangan ng mga nasugatan at naputulan ng bahagi ng katawan noong naganap ang pagpatay ng lahi. Siya ang nagtulak na magbukas ng 3D physiotherapy department, at iginiit ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pangangalaga ng mga pasyente sa Gaza.
Siya'y may asawa at dalawang anak.
Omar Hayek
Isang occupational therapist ng Doctors Without Borders, nasawi noong Oktubre 2, 2025
Si Omar Hayek, ay nasawi nung Oktubre 2 sa isang pagsalakay ng mga puwersang Israeli. Ang pagsalakay ay nagdulot ng seryosong pinsala sa apat pang tao. Naganap ang pagsalakay sa isang kalye kung saan ang aming mga team ay naghihintay para sa isang bus na magdadala sa kanila sa field hospital ng Doctors Without Borders sa Deir al Balah, Gaza. Ang lahat ng mga staff ay nakasuot ng Doctors Without Borders vest, isang malinaw na pagpapakilala sa kanila bilang mga medical humanitarian worker.
Si Omar ay isang tahimik na taong ubod ng bait. Siya ay nagpakita ng ganap na propesyonalismo sa trabaho. Mula Hunyo 2018 ay nagtrabaho siya bilang isang occupational therapist sa klinika ng Doctors Without Borders sa Gaza City. Inilaan niya ang kanyang buhay sa pagtulong na maibalik ang lakas at dignidad ng libo-libong mga pasyente.
Dati’y sa Gaza City siya namamalagi. Dahil sa walang humpay na pagsalakay at sapilitang pagpapaalis sa mga tao ng mga puwersang Israeli, na nagsasabing makahahanap ng kaligtasan ang mga tao sa timog, lumikas siya doon noong Setyembre 13. Ngunit sa halip na makahanap ng kaligtasan, kamatayan ang sinapit niya sa isang bus stop noong papunta siya sa kanyang trabaho. Dahil pumanaw na ang kanyang ama at pinatay ang nakababata niyang kapatid na lalaki, si Omar lang ang inaasahang tagasuporta ng kanilang pamilya.
Abdullah Hammad
Isang nurse ng Doctors Without Borders, nasawi noong Setyembre 16, 2025
Si Hussein Alnajjar ay nasawi noong Setyembre 16 sa Gaza, sanhi ng mga pinsalang dulot ng mga shrapnel mula sa isang airstrike na isinagawa ng mga Israeli malapit sa kanyang tolda limang araw ang nakalilipas. Ang kanyang hipag at pamangkin ay nagtamo rin ng mga pinsala mula sa insidenteng iyon.
Si Hussein ay isang masigasig na nars na nagtrabaho para sa Doctors Without Borders sa aming mga klinika sa Deir al-Balah at Khan Younis mula noong Enero 2024. Dati’y nagtrabaho siya kasama ng mga team ng Doctors Without Borders bilang isang sterilization technician para sa isang proyekto ng limb reconstruction sa Al-Awda Hospital. Isang ulilang lumaki nang walang ama, panganay si Hussein sa apat na magkakapatid na lalaki. Siya ay isang asawa at ama ng tatlong anak.
Abdullah Hammad
Isang hygienist ng Doctors Without Borders, nasawi noong Hulyo 3, 2025
Si Abdullah Hammad ay pinatay ng mga puwersang Israeli noong Hulyo 3. Sadyang pinuntirya ng mga puwersang Israeli ang isang grupong kinabibilangan ni Abdullah, at sinalakay sila nang walang babala habang hinihintay nina Abdullah ang pagdating ng mga aid truck sa Gaza. Hindi bababa sa 16 na tao ang napatay, ayon sa mga medical team sa Nasser Hospital.
Si Abdullah ay isang hygienist na nagtrabaho sa Al-Mawasi clinic sa loob ng isa’t kalahating taon hanggang noong Hunyo 30. Iniwan niya ang kanyang kapatid na babae, si Zainab at ang kanyang dalawang kapatid na lalaki, sina Karam at Bahaa, na nagtatrabaho rin para sa Doctors Without Borders.
Hussam Al Loulou
Isang watchman ng Doctors Without Borders, nasawi noong Abril 1, 2025.
Si Hussam Al Loulou ay napatay sanhi ng isang strike noong umaga ng Abril 1, sa timog kanluran ng Deir Al-Balah, Central Gaza. Ang kanyang asawa at ang kanyang 28 na taong gulang na anak na babae ay napatay rin dahil sa kahila-hilakbot na pagsalakay. Namatay siya sa edad na 58.
Nagsimulang magtrabaho si Hussam sa Doctors Without Borders noong Disyembre 2024, bilang isang watchman sa urgent care unit ng Doctors Without Borders sa Khan Younis. Kilala siya sa pagiging hindi makasarili, sa pagiging mapagkumbaba, at sa pagkakaroon ng tunay na malasakit para sa mga tao sa paligid niya.
Iniwan niya ang kanyang dalawang anak na lalaki.
Alaa Abd-Elsalam Ali Okal
Isang laundry worker ng Doctors Without Borders, nasawi noong Marso 2025.
Si Alaa Abd-Elsalam Ali Okal ay napatay nang tamaan ng isang airstrike ng mga Israeli ang kanyang tinitirhang gusali sa Deir Al-Balah, Central Gaza. Kasama ang daan-daang tao sa buong Gaza Strip, si Alaa Abd-Elsalam Ali Okal ay napatay noong madaling araw ng Marso 18, matapos ang muling pagsimula ng mga pagsalakay ng mga Israeli. Daan-daan pa ang nagtamo ng pinsala sa biglaang pagwawakas ng ceasefire.
Ngasimulang magtrabaho si Alaa Okal para sa Doctors Without Borders noong Setyembre 2024 at mahalaga ang kanyang ginampanang papel sa pagsuporta sa mga taong nangangailangan ng pangangalagang medikal sa field hospital ng Doctors Without Borders sa Deir Al-Balah. Namatay siya sa edad na 29.
Bilal Okal
Isang hygiene agent ng Doctors Without Borders, nasawi noong Disyembre 2024.
Si Bilal at ang kanyang pamilya—kabilang rito ang kanyang asawa, pitong anak, kapatid na babae at ang kanyang ina—ay nasawi dahil sa isang airstrike ng mga Israeli noong Disyembre 2024. Sila’y nasa loob lang ng kanilang tinitirhang gusali noon dahil hindi sila makalabas mula sa kanilang lugar na marahas na kinubkob ng mga puwersang Israeli. Noong huli namin siyang nakausap, nauubusan na sila ng pagkain at tubig, at hindi sila makaalis mula sa kanilang tirahan. Sinubukan nilang umalis ng Jabalia, ngunit napigilan sila ng mga matitinding pagbobomba.
Si Bilal ay nagtrabaho sa Doctors Without Borders bilang isang hygiene agent noong 2017, at mahalaga ang kanyang naging papel sa pagsuporta sa mga taong nangangailangan ng pangangalagang medikal noong binuksan naming muli ang aming klinika sa Gaza City noong Abril 2024. Namatay siya sa edad na 37.
Hasan Suboh
Isang bihasang manggagawa ng Doctors Without Borders, nasawi noong Oktubre 2024.
Si Hasan Suboh, 41, ay napatay noong Oktubre 24 nang sinalakay ang gusaling kanyang tinitirhan, kasama ang kanyang mga kamag-anak sa Khan Younis. Ayon sa Ministry of Health, hindi bababa sa 33 na tao ang nasawi sa pagsalakay na ito, kabilang ang 14 na mga bata.
Nagsimulang magtrabaho si Hasan sa Doctors Without Borders noong 2019 bilang isang bihasang manggagawa. May asawa na siya at may pitong mga anak.
Nasser Hamdi Abdelatif Al Shalfouh
Isang drayber ng Doctors Without Borders, nasawi noong Oktubre 10, 2024.
Si Nasser Hamdi Abdelatif Al Shalfouh, 31, ay nasawi dahil sa mga tama ng shrapnel sa kanyang dibdib at mga binti sa Jabalia, Northern Gaza. Namatay siya noong Oktubre 10 sa Kamal Adwan Hospital. Hindi siya nakatanggap ng kinakailangang pangangalaga dahil sa kakulangan ng kapasidad ng ospital at sa nakapupuspos na bilang ng mga pasyente sa pasilidad.
Nagsimulang magtrabaho si Nasser sa Doctors Without Borders bilang isang drayber noong Marso 2023.
Naiwan niya ang kanyang asawa at dalawang anak.
Fadi Al-Wadiya
Isang physiotherapist ng Doctors Without Borders, nasawi noong Hunyo 25, 2024.
Si Fadi Al-Wadiya ay nasawi noong Hunyo 25 kasama ang limang tao, kabilang rito ang mga bata, malapit sa isang klinika ng Doctors Without Borders sa siyudad ng Gaza. Nakabisikleta siya noon papasok sa trabaho, patungo sa pagbibigay ng pangangalagang medikal sa ibang mga nagtamo ng pinsala.
Nagtrabaho siya sa Doctors Without Borders bilang isang physiotherapist mula 2018 hanggang 2022, at muli namin siyang nakasama sa organisasyon noong 2024. Si Al-Wadiya ay 33 na taong gulang at may tatlong anak.
Noong Pebrero 24, 2026, ipinahayag ng Palestinian Islamic Jihad (PIJ) sa publiko na si Fadi Al-Wadiya ay naging miyembro ng grupo. Bago siya pinaslang ng mga puwersang Israeli, walang indikasyon ang MSF nasangkot si Fadi Al Wadiya sa kahit anong aktibidad na militar. Kung ang mga awtoridad na Israeli ay may mapagkakatiwalaang impormasyon ukol sa pagkasangkot ni Fadi sa aktibidad na militar, hindi nila ito ibinahagisa MSF bago man siya pinaslang, o pagkatapos siyang patayin, noong agad kaming nakipag-ugnayan upang mabigyang-linaw ang mga pangyayaring nauwi sa kanyang pagkasawi.
Hindi kami kailanman kukuha ng mga taong sangkot sa mga aktibidad na militar. Ang kahit sinong empleyadong sangkot sa aktibidad na militar ay maaaring magdulot ng panganib sa aming mga staff at mga pasyente.
Reem Abu Lebdeh
Isang physiotherapist ng Doctors Without Borders at board member ng MSF UK, nasawi noong Disyembre 2023.
Si Reem Abu Lebdeh ay nasawi kasama ang ibang mga miyembro ng kanyang pamilya sa kanilang tahanan sa Khan Younis sa Southern Gaza. Kasama ni Reem sa tahanan noon ang kanyang mga magulang at mga kapatid.
Nagtrabaho si Reem bilang isang physiotherapist para sa Doctors Without Borders sa Gaza mula 2018 hanggang 2022, at hinirang bilang associate board trustee ng Doctors Without Borders UK.
Mahmoud Abu Nujaila
Isang doktor ng Doctors Without Borders, nasawi noong Nobyembre 21, 2023.
Si Dr. Mahmoud Abu Nujaila ay napatay sa isang pagsalakay sa Al-Awda Hospital sa Northern Gaza noong Nobyembre 21, kasama ang isa pang doktor ng Doctors Without Borders na si Dr. Ahmad Al Sahar, at ang isa pang doktor sa ospital na si Dr. Ziad Al-Tatari.
Bago siya namatay, may isinulat na mensahe si Dr. Abu Nujaila sa whiteboard na kadalasang ginagamit nila sa pagpaplano ng mga operasyon: “Ang maiiwan hanggang sa kahuli-hulihan ang maglalahad ng ating kuwento. Ginawa natin ang lahat ng ating makakaya. Huwag ninyo kaming kalimutan.”
Ahmad Al Sahar
Isang lab technician ng Doctors Without Borders, nasawi noong Nobyembre 6, 2023.
Nasa kanyang tirahan sa kampo ng mga refugee sa Al Shati si Mohammed Al Ahel noong Nobyembre 6 nang binomba ang kampo at gumuho ang kanyang tinitirhang gusali. Ayon sa mga ulat, dose-dosena ang napatay, kabilang si Mohammed at ang ilang mga miyembro ng kanyang pamilya.
Ang Doctors Without Borders ay laging nagbabahagi ng impormasyon tungkol sa Al-Awda, at nilinaw namin sa mga partido sa digmaan na ito ay isang tumatakbong ospital na may medical staff.
Alaa Al Shawa
Isang boluntaryong nars ng Doctors Without Borders, nasawi noong Nobyembre 18, 2023.
Si Alaa Al Shawa ay isang boluntaryong nars na sumusuporta sa mga team ng Doctors Without Borders sa Al-Shifa Hospital. Siya’y nasawi nang sinalakay ang isang Doctors Without Borders convoy noong Nobyembre 18 habang ito’y papunta sa isang mas ligtas na lugar sa Southern Gaza. Sinalakay ang convoy sa Al-Wahida Street sa may kanto ng Said Al-A'as Street, malapit sa opisina ng Doctors Without Borders. Sinadyang banggain ang dalawa sa aming mga sasakyan, na naging sanhi ng pagkamatay ni Alaa at pagtamo ng pinsala ng kamag-anak ng isa pang staff. Sa kalaunan, namatay rin ang kamag-anak ng staff dahil sa mga natamo nitong sugat.
Mohammed Al Ahel
Doctors Without Borders lab technician, killed on 6 November 2023.
Nasa kanyang tirahan sa kampo ng mga refugee sa Al Shati si Mohammed Al Ahel noong Nobyembre 6 nang binomba ang kampo at gumuho ang kanyang tinitirhang gusali. Ayon sa mga ulat, dose-dosena ang napatay, kabilang si Mohammed at ang ilang mga miyembro ng kanyang pamilya.
Siya ay isang laboratory technician na dalawang taon nang nagtatrabaho para sa Doctors Without Borders.