Skip to main content

    Gaza: Dapat tiyakin ng mga sangkot sa alitan ang kaligtasan ng mga staff at pasyente sa Al-Shifa Hospital

    Doctors Without Borders (MSF) staff treats a patient with a facial injury at Al Shifa hospital in Gaza City. Palestinian Territories, October 2023. © Mohammad Masri

    Ginagamot ng Doctors Without Borders staff ang isang pasyenteng nagtamo ng pinsala sa mukha sa Al-Shifa Hospital sa siyudad ng Gaza. Palestinian Territories, Oktubre 2023. © Mohammad Masri

    Sabi ng isa sa aming staff, nakarinig siya ng mga drone, tangke, at shelling malapit sa ospital noong madaling-araw ng Marso 18. Nasaksihan din niya ang pag-alab ng apoy sa pangunahing gusali ng Al-Shifa. Iniulat din niya ang mga labanan sa paligid ng klinika at opisina ng Doctors Without Borders sa siyudad ng Gaza, kung saan namamalagi ang ilan sa aming mga staff at ang kanilang mga pamilya.

    Kami’y lubos na nag-aalala para sa kaligtasan ng mga pasyente at medical staff na hindi makaalis ng ospital, pati na rin ang kaligtasan ng aming mga kasamahan at ng kanilang mga pamilya na kasalukuyang namamalagi sa klinika at opisina ng Doctors Without Borders. Nananawagan kami sa lahat ng partidong sangkot sa alitan na igalang ang sakop na lugar ng ospital at tiyakin ang kaligtasan ng mga medical personnel, pasyente at mga sibilyan.

    Ayon sa aming staff, nagsagawa ang mga puwersang Israeli ng pag-aaresto nang maramihan sa paligid ng Al-Shifa. Nawalan kami ng komunikasyon ng isa sa aming mga staff. Naglabas din ang mga puwersang Israeli ng pag-uutos na lumikas kung saan ang mga sibilyan ay sinasabihang dumaan sa baybaying daan papunta sa Al-Mawasi sa timog ng Gaza, sa kabila ng inanunsiyong bagong pagsalakay na magaganap sa timog na bahagi ng enclave.
     

    According to our staff, Israeli Forces conducted mass arrests in the area surrounding Al-Shifa and we have lost contact with one of our staff members. Israeli Forces also issued an evacuation order to civilians to leave along Gaza’s coastal road toward Al-Mawasi in southern Gaza, despite a new offensive having been announced to take place in the southern part of the enclave.

    Susuportahan mo ba ang aming emergency response?

    Tulungan kaming makapagbigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal sa mga emergency sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.

    Categories