Gaza: Al-Shifa Hospital, nawasak
Ang nawasak na Al-Shifa hospital sa Gaza. Palestine, 2024. © MSF
Nasindak ang Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) sa pagkawasak ng Al-Shifa Hospital pagkatapos ng 14 na araw ng paglusob ng mga puwersang Israeli sa loob at sa paligid ng pasilidad. Hindi na magagamit ang pinakamalaking ospital sa Gaza. Dahil sa tindi ng pagkawasak nito, lalong nabawasan ang mga mapagkukunan ng pangangalagang pangkalusugan ng mga nakatira sa hilagang bahagi ng bansa.
Ilang araw nang walang makapasok sa Al-Shifa Hospital, at maraming mga pasyente ang di makakuha ng pangangalaga.Noong Marso 31, ayon sa WHO, umabot na ng 21 ang mga pasyenteng namatay simula noong nakubkob ang ospital noong Marso 18, at may 107 pang nakulong sa loob. Apat sa kanila ay mga bata, at 28 ang mga pasyenteng nasa kritikal na kondisyon.
Bagama’t hindi natin makukumpirma ang eksaktong bilang ng mga namatay, alam nating umabot sa daan-dan ang nasawi. Kabilang rito ang mga medical staff, at ayon sa mga ulat, ang mga bangkay ay nagkalat sa mga kalsada. Nagkaroon din ng maramihang pag-aresto ng mga medical staff at iba pang mga tao sa loob at sa paligid ng ospital.
Ang nawasak na Al-Shifa hospital sa Gaza. Palestine, 2024. © MSF
Ang nawasak na Al-Shifa hospital sa Gaza. Palestine, 2024. © MSF
Ang nawasak na Al-Shifa hospital sa Gaza. Palestine, 2024. © MSF
Ang karahasan ng paglusob at ng matitinding labanan ay nakaapekto rin sa klinika ng Doctors Without Borders na malapit lang sa ospital. "Nakita ko ang malaking pinsalang ginawa nila. Nakakatulala ang pinsalang ginawa nila sa opisina, sa klinika, sa lahat ng mga sasakyan at mga generator," sabi ng isang kabilang sa staff ng Doctors Without Borders.
Binisita ng Doctors Without Borders staff ang Al-Shifa hospital noong Enero at Marso. Bagama’t ilang bahagi lang ng ospital ang tumatakbo at kulang na kulang sila sa supplies, mahigit 200 pasyente pa rin ang ginamot ng medical staff nitong Marso.
Nasirang bakuran sa opisina ng Doctors Without Borders office sa Gaza City. Palestine, 2024. © MSF
Hinihingi ng Doctors Without Borders na bigyang daan ang ligtas na paglikas ng mga natitirang pasyente upang mabigyan sila ng kinakailangan nilang pangangalaga. Isang agaran at pananatiliing ceasefire ay kailangang maipatupad agad upang wakasan ang paninira ng mga pasilidad para sa pangangalagang pangkalusugan at ang paglalagay sa panganib ng buhay ng mga pasyente at ng mga medical staff.
Susuportahan mo ba ang aming emergency response?
Tulungan kaming makapagbigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal sa mga emergency sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.