Skip to main content

    Kritikal na ang kakulangan ng mga medical supplies sa mga pasilidad pangkalusugan na sinusuportahan ng Doctors Without Borders sa Gaza

    Inside Nasser Hospital, after a siege by the Israeli forces.

    Sa loob ng Nasser Hospital matapos itong lusubin ng mga puwersang Israeli. Noong katapusan ng Enero, naglabas ng kautusan ang mga puwersang Israeli ng paglikas ng mga tao mula sa buong lugar. Pinalibutan nila ang buong ospital, na naging sentro ng matitinding labanan nang ilang linggo. Palestinian Territories, Abril 2024. © Ben Milpas/MSF

    Dahil dito, nagkaroon ng mahahabang pila ng mga trak, at naantala ang paghahatid ng humanitarian assistance sa iba’t ibang bahagi ng Gaza. At kahit may makapasok na aid sa Strip, kadalasa’y hindi pinahihintulutan ang mga organisasyong humanitarian na madala ang tulong kung saan ito lubos na kinakailangan.

    Sa kabila ng pagdami ng mga pangangailangang medikal sa iba't ibang bahagi ng Strip, kapag di makapasok dito ang medical supplies sa mga darating na araw, mapipilitan ang Doctors Without Borders na bawasan o tigilan nang tuluyan ang mga tulong medikal na ginagawa nila sa Gaza.

    “Sobrang kakaunti na ng aming mga medical supplies dahil sa limitadong aid na pinapapasok sa Gaza ng mga awtoridad na Israeli,” sabi ni Guillemette Thomas, ang Medical Coordinator ng Doctors Without Borders sa Palestine. “Kapag hindi namin maipasok ang medical supplies sa Gaza sa lalong madaling panahon, baka kailanganin naming itigil ang aming mga gawaing medikal. Ito’y hindi katanggap-tanggap sa harap ng mga dumaraming pangangailangang medikal ng libo-libong residente ng Gaza.”

    “Mayroon kaming mga pasyenteng nagdurusa mula sa matinding pagkasunog, mayroong mga tinitiis ang mga open fracture, at wala kaming sapat na painkiller upang maibsan ang sakit na nararamdaman nila. Sa mga ospital ng Nasser at Al Aqsa, kinailangan ng aming mga team na gawing mas madalang ang pagpapalit ng dressing ng mga pasyenteng may mga sugat mula sa malalang pagkasunog dahil sa kakulangan ng mga sterile compress gauze. Ito’y maaring mauwi sa mga impeksyon.” 

    75% ng mga Gazan ang nawalan ng tirahan at napilitang magtiis sa mga kahindik-hindik na kondisyon ng pamumuhay, kung kaya’t ang mga team ng Doctors Without Borders ay nakasaksi ng pagdami ng mga pasyenteng may sakit sa balat, gaya ng scabies, nitong nakaraang buwan. Samantala, ang stock namin ng gamot para rito ay papaubos na. Sa khan Younis naman, ilang araw kaming di nakapagbigay ng mga konsultasyong  medikal sa kabubukas lang naming  healthcare centre ng Al Attar, dahil sa kakulangan ng supplies at gamot.

    Ang Doctors Without Borders ay may anim na trak na may lamang 37 na tonelada ng supplies, na ang karamihan ay mahahalagang medical items. Ang mga trak ay nakaantabay lamang mula pa noong Hunyo 14 sa bahagi ng Kerem Shalom crossing point na nasa Ehipto. Hindi makatawid ang mga ito patungong Gaza kung saan kinakailangan ang mga supplies upang makasagip ng mga buhay. 

    “Sa halip, nakahilera lang sila, di makaalis, kasama ang mga 1,200 pang ibang mga trak na naghihintay ring makapasok sa Strip. Ito ay di namin maunawaan at matanggap; parang sinabihan mo ang isang bumberong panooring matupok ng apoy ang isang bahay na puno ng mga tao habang siya’y pinipigilang apulahin ito,” sabi ni Thomas.

    Guillemette Thomas, MSF medical coordinator in Palestine.
    Ang mga opisyal na Israeli ay kiinakailangang kumilos agad upang magbukas ng mas maraming crossing point upang lumuwag ang Kerem Shalom, at pabilisin at paramihin ang pumapasok na aid sa Gaza araw-araw. Nakikiusap din kami sa lahat ng sangkot dito na tiyakin ang kaligtasan ng mga rutang tatahakin ng mga magdadala ng humanitarian assistance sa loob ng Strip. Ito lang ang tanging paraan upang mapigilan ang pagdami ng mga namamatay.
    Guillemette Thomas, Medical Coordinator

    Susuportahan mo ba ang aming emergency response?

    Tulungan kaming makapagbigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal sa mga emergency sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.

    Categories