Skip to main content
    Tondo, Manila, Philippines, 2023 © Ezra Acayan

    Tuberculosis

    Upang magamot ang TB, kailangan munang matukoy ito sa pamamagitan ng tamang pagsusuri. 

    Ang pinakahuling ulat

    Nagsimula na ang Doctors Without Borders na magbigay ng mga gamot para sa tuberculosis (TB) sa 141 na pasyente sa Tondo, Manila. Ito ay bilang pagsuporta sa Manila Health Department (MHD), na nitong nakaraang taon pa nahihirapan dahil sa kakulangan ng gamot. 

    Mula noong Enero 2024, mahigit 300 na pasyente ang napag-alamang may TB sa pamamagitan ng mga active case-finding activity ng Doctors Without Borders sa Tondo, Manila. Bagama’t ang ilang mga pasyente ay nakapagsimula nang magpagamot, marami pa rin ang hindi makapagsimula dahil sa kakulangan ng gamot para sa TB. 

    Ang tamang diagnosis at paggamot, kaalinsabay ng mga kasalukuyang rekomendasyon mula sa World Health Organization (WHO) ay susi sa pagpuksa ng TB, ngunit hindi ito magagawa kung walang sapat at napapanahong supply ng gamot. HInihimok ng Doctors Without Borders ang lahat ng mga stakeholder na sangkot sa pangangalaga ng TB sa Pilipinas na maghanap ng mga pangmatagalang solusyon upang matugunan ang isyu ng kakulangan ng gamot sa bansa.

    Ang kakulangan ay di lamang sa mga gamot para sa TB. Nabibinbin din ang pagbibigay ng preventive treatment dahil sa kakulangan ng tuberculin skin test (TST) na kailangang isagawa sa ibang mga bata bago sila bigyan ng preventive treatment, at sa kakulangan din ng child-friendly fixed dose dispersible tablets (FDC)—na ginagamit para sa preventive treatment ng mga batang nakasalamuha ng mga pasyenteng may TB—na kasalukuyang hindi makukuha sa bansa. 

    Ano ang ginagawa namin tungkol sa tuberculosis?

    Nananawagan ang Doctors Without Borders para sa agarang pagkilos habang binibigo ng mga pamahalaan at mga donor ang mga batang may TB
    Nananawagan ang Doctors Without Borders para sa agarang pagkilos habang binibigo ng mga pamahalaan at mga donor ang mga batang may TB
    Maraming mga batang may TB ang hindi nabibigyan ng pagsusuri o paggamot, at maraming mga bansa ang nabibigo sa unang hamon: ang pagbabago ng mga alitu...
    Pilipinas: Doctors Without Borders, nakipagtulungan sa Manila Health Department upang punan ang mga kakulangan sa gamot para sa TB sa Tondo, Manila
    Pilipinas: Doctors Without Borders, nakipagtulungan sa Manila Health Department upang punan ang mga kakulangan sa gamot para sa TB sa Tondo, Manila
    MANILA (Agosto 28) – Simula ngayong araw na ito, uumpisahan ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) ang pagbibigay ng mga gamot pa...
    Babala ng Doctors Without Borders: Hindi nagagawa ng mga pamahalaan ang kinakailangang pagsusuri, paggamot at pagpigil ng TB sa mga bata
    Babala ng Doctors Without Borders: Hindi nagagawa ng mga pamahalaan ang kinakailangang pagsusuri, paggamot at pagpigil ng TB sa mga bata
    Kailangang ipatupad agad ng mga pamahalaan ang mga pinakahuling alituntunin mula sa WHO upang mapigilan ang pagpanaw ng mga bata mula sa nakamamatay n...
    Muling nanawagan ang Doctors Without Borders sa J&J na bawiin o iabandona na ang mga patent sa makasagip-buhay na gamot para sa TB
    Muling nanawagan ang Doctors Without Borders sa J&J na bawiin o iabandona na ang mga patent sa makasagip-buhay na gamot para sa TB
    Ang mga kasunduan sa pagkontrol ng access sa generic drugs sa limitadong mga bansa ay hindi sapat.
    World TB Day 2023: Nadiskaril na laban kontra TB, aandar muli
    World TB Day 2023: Nadiskaril na laban kontra TB, aandar muli
    Sa pakikipagtulungan sa Manila Health Department, ang Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF), isang pandaigdigang humanitarian organ...
    Pilipinas: Ang pagharap sa epekto ng COVID-19 sa tuberculosis sa mahihirap na komunidad sa Maynila
    Pilipinas: Ang pagharap sa epekto ng COVID-19 sa tuberculosis sa mahihirap na komunidad sa Maynila
    Bagama’t nakatulong ang COVID-19 sa pag-angat ng kamalayan tungkol sa mga panganib ng sakit na kumakalat dala ng hangin, ang mahihinang populasyon, ga...
    Kailangang-kailangang mapabuti ang access sa TB testing bilang suporta sa paglabas ng mas mabuti, mas ligtas, at mas mabilis matapos na paggamot ng drug-resistant TB
    Kailangang-kailangang mapabuti ang access sa TB testing bilang suporta sa paglabas ng mas mabuti, mas ligtas, at mas mabilis matapos na paggamot ng drug-resistant TB
    Nanawagan ang Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) sa mga pamahalaan at sa mga donor na pabilisin ang pagbibigay ng access sa mga ...
    Ang TB PRACTECAL Clinical Trial ng Doctors Without Borders at ng mga katuwang nito ay isasama sa bagong bersyon ng pandaigdigang gabay sa paggamot ng WHO
    Ang TB PRACTECAL Clinical Trial ng Doctors Without Borders at ng mga katuwang nito ay isasama sa bagong bersyon ng pandaigdigang gabay sa paggamot ng WHO
    Geneva, ika-3 ng Mayo 2022 – Kami sa Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) ay natutuwa na pagkatapos naming ibahagi ang mga resulta...

    Ano ang tuberculosis?

    Ang tuberculosis (TB) ay isang nakakahawang sakit na ang sanhi ay ang Mycobacterium tuberculosis, isang bacterium na ang pangunahing naapektuhan ay ang baga.

    Kapag ang may TB ay umubo, magsalita, tumawa, kumanta o bumahin, ang bacteria ay napupunta sa hangin. Kapag ito ay nalanghap ng ibang tao , maaaring pumunta ang bacteria sa baga ng nakalanghap at doon ito tutubo.

    Malaki ang posibilidad na mahahawa ng mga taong may TB ang mga kasama nila araw-araw, tulad ng kanilang mga kapamilya, kaibigan, kasama sa trabaho o sa paaralan.

    TB nung 2022
    Nagagamot ang TB

    Kahit sino ay puwedeng magkaroon ng tuberculosis. 

    Alam mo ba? Sa bawat taon, mahigit 1.5 million na tao ang namamatay sa TB*. Ito ang pinaka nakamamatay na nakakahawang sakit bago pa nagkaroon ng COVID-19. Sa panahon ng pandemya ng COVID-19, tumaas ang bilang ng mga namatay dahil sa TB, at tumaas din ang bilang ng mga bagong kaso ng TB. 

    Noong 2022, tinatantiyang may 10.6 milyong tao ang nagka-TB sa buong mundo: 5.8 milyong kalalakihan, 3.5 milyong kababaihan at 1.3 milyong bata. May mga kaso ng TB sa lahat ng bansa at maaaring kapitan nito ang kahit anong edad.

    Noong 2022, 1.3 milyong bata ang nagkaroon ng TB sa buong mundo. Ang TB sa mga bata at mga adolescent ay kadalasang hindi nabibigyang-pansin ng mga tagapangalaga ng kalusugan at maaaring ito’y mahirap tukuyin at gamutin. 

    Noong 2021, ang tatlumpung bansang may mataas na TB burden ang nagkaroon ng 87% ng mga bagong kaso ng TB.

    Sa buong mundo, ang TB ang pangalawa sa pinakanangungunang nakahahawa’t nakamamatay na sakit. Ito’y pumapangalawa lamang sa COVID-19, at mas marami ang namamatay dahil dito kaysa HIV/AIDS.

     

    Ang TB ay nagagamot, at naiiwasan. 

    13 bilyon na US$ ang kailangan taon-taon para sa pagpigil, pagsusuri at pagtukoy, paggamot at pangangalaga ng mga may TB para maabot ang layuning pandaigdigang napagkasunduan sa pagpupulong noong 2018 ng UN ukol sa TB. 

     

    CJ Hontiveros and Belen Rance home visit, Tondo, Manila, Philippines. 2023 © Ezra Acayan

    Noong 2022, 17,800 na taong nasa pangangalaga ng Doctors Without Borders sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang sinimulang gamutin para sa TB, at kabilang rito ang 2,590 na mayroong DR-TB. Nakikipag-ugnayan kami sa mga pambansang programa para sa TB, sa mga kagawaran ng kalusugan, at sa iba pang mga grupong may nakataya sa aming iba’t ibang proyekto sa buong mundo upang matiyak namin na ang lahat ay may access sa paggamot sa TB.  

    TB-facts_ENG_2022

    Ano ang ginagawa ng Doctors Without Borders ukol sa TB? 

    Mahigit tatlumpung taon nang sangkot ang Doctors Without Borders sa pangangalaga para sa may tuberculosis at inilunsad ng organisasyon ang mga unang programa para sa paggamot ng multidrug-resistant TB noong 1999. Ang Doctors Without Borders ay may mga proyekto para sa paggamot ng TB sa 30 na bansa. Isa ito sa pinakamalaking tagapagbigay ng paggamot sa drug-resistant TB, na hindi konektado sa pamahalaan.

    Iba’t ibang klaseng lugar ang binibigyan ng pangangalagang pang-tuberculosis ng Doctors Without Borders. Kasama dito ang mga bansa tulad ng Papua New Guinea, na may sistemang pangkalusugan na hirap na hirap na; mga urban slums sa Pilipinas, at mga bansang may digmaan tulad ng Myanmar at Afghanistan. 

     

    Pilipinas

    Mahigit 650,000 na tao ang nagsisiksikan sa Tondo, na may sukat lang na nine square kilometers sa pagitan ng pantalan at ng business district ng Maynila. Isa ito sa mga mahihirap na komunidad na may pinakamakapal na populasyon sa buong mundo. Sa loob ng halos dalawang taon, lalong naging siksikan ang mga tahanan dahil sa mga istriktong panukala noong pandemya. Nakakulong lang ang mga tao sa kanilang mga tahanan at walang pinapayagang lumabas.

    Doctors Without Borders screening truck in Tondo, Manila. Philippines 2023 © Ezra Acayan

    Sa pakikipagtulungan sa Manila Department of Health, naglunsad ang Doctors Without Borders ng TB active case finding project sa Tondo. Mula Mayo 2022, sa pag-ayon at suporta ng mga awtoridad at ng komunidad, naglibot ang isang Doctors Without Borders mobile team sa mga barangay ng Tondo lulan ng isang trak na may dalang radiological equipment. Layunin nitong padaliin ang pagkuha ng screening, sa pamamagitan ng pagdala nito sa mga lugar kung saan nakatira ang mga tao o naghahanapbuhay. Ngunit ito’y di sapat upang maudyukan ang mga taong sumailalim sa screening. Noong Marso 2023, ang proyekto ay nakapagsagawa na ng screening ng 22,631 na pasyente, at 4.6% ng lahat ng tao ay napag-alamang positibo sa TB, ayon sa GeneXpert.

    Papua New Guinea

    Ang Papua New Guinea (PNG) ay isa sa mga bansang may pinakamataas na prevalence rates para sa tuberculosis (TB) sa mundo. 30,000 na mga bagong kaso ang naiuulat dito taun-taon, ayon sa World Health Organization. Dahil dito, nagdeklara na ang kanilang pamahalaan ng state of emergency sa ilang mga probinsiya. 

    Papua New Guinea, 2022. © Leanne JORARI/MSF

    Mula 2014 ay sinusuportahan na ng Doctors Without Borders ang pangangalaga para sa TB sa PNG. Sa pakikipagtulungan sa pambansang programa para sa TB, dinadagdagan ng aming team ang mga kapasidad para sa screening, diagnosis, paggamot at follow-up sa Gerehu Hospital sa Port Moresby. Nagtatrabaho ang mga mobile team sa mga komunidad upang pagbutihin ang pagsunod ng mga pasyente sa paggamot. 

    Sa probinsya ng Gulf, sinusuportahan ng aming programa para sa TB ang dalawang health centre pati na rin ang Kerema General Hospital.

    TB an old and ongoing epidemic
    Ukraine

    Sa Zhytomyr, Ukraine, ang aming mga team ay nakikipagtulungan sa Regional TB Dispensary upang bigyang lunas ang mga pasyenteng may drug-resistant na anyo ng tuberculosis (DR-TB), o tuberculosis na di tinatablan ng mga karaniwang gamot para sa sakit na ito. May pinapainom rin sa kanila, ngunit ang paggamot ay mas mabilis matapos at posibleng ituloy na lang ito sa kanilang mga tahanan. Ibig sabihin, maaaring bumalik ang mga pasyente sa kanilang normal na pamumuhay, mga pamilya at mga trabaho sa lalong madaling panahon. Ngunit hindi ito nangangahulugang hindi mahirap kumpletuhin ang bagong paggamot.

    Ukraine 2021

    Inoobserbahan ng nars ng Doctors Without Borders na si Oleksandr Oleksandr Vovkogon ang pasyente na si Vitalii Gorbachov, 56 taong gulang, habang iniinom niya ang kanyang gamot para sa DR-TB. Karamihan sa mga pasyente na nasa programang ito ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng mga gamot na isinusubo sa halip na iniiniksyon. Ang mga iniksyon na dating ginagamit ay karaniwang masakit at may mga seryosong side effect. Ukraine, Hunyo 2021. © OKSANA PARAFENIUK/MSF

    Nahaharap ang mga pasyente sa mga praktikal na hamon. Sa aming programa, tinutulungan ng mga patient support team (na binubuo ng mga nars at mga social worker) ang mga pasyenteng may DR-TB upang maintindihan nila at malampasan ang mga hadlang – tulad ng mga pensyong hindi nababayaran, o kakulangan ng gas o heating sa kanilang mga bahay— at makumpleto nila ang paggamot. 

    Ang pagtutulungan ng mga doktor, nars, espesyalista sa TB, sikolohista at social worker sa pagsusuporta sa pasyente ay mahalagang bahagi ng kanilang paggamot. 

    Myanmar

    Ang Myanmar ay isa pa rin sa tatlumpung bansa na may mataas na TB burden at nasa kanila ang tripleng pasanin ng drug-susceptible TB (DSTB), drug-resistant TB (DRTB) at HIV-associated TB.

    Ang Doctors Without Borders ay sangkot na sa pangangalaga sa TB sa Myanmar mula pa noong 2002. Nagkaroon na ng kaunting pag-unlad sa pagharap sa nakahahawang sakit na ito hanggang dumating ang 2019. Ang kombinasyon ng Covid-19 at ang pagguho ng sistema para sa pangangalagang pangkalusugan dahil sa pag-agaw sa kapangyarihan ng militar ay nagpaantala at nagpaurong ng kaunlaran noong 2020 at 2021. Tinatayang 60,000 na taong may TB ang hindi nasuri nang mabuti at hindi nagamot noong panahong ito, kung kaya’t umakyat ang bilang ng mga namatay dahil sa sakit na ito. Nagkaroon din ng mas maraming hawaan at mas maraming tao ang nagkaroon ng resistant na klase ng TB.

     

    TB Myanmar

    Noong 2022, 33 na tao ang sinimulang gamutin para sa MDR-TB. Noong 2023, ang mga datos mula sa National Tuberculosis Programme (NTP) ay nagpakita na ang testing at pagtukoy ng TB sa Myanmar ay bumabalik na sa mga sinisikap na maabot ng WHO. Karamihan sa mga datos na ito ay kumakatawan sa rehiyon ng Yangon, kung saan nanggagaling ang 50% ng TB burden ng Myanmar. 

    Mula nang sinimulan ng Doctors Without Borders ang pagsuporta sa National Tuberculosis Reference Lab noong 2021, nakakita tayo ng walang tigatig na pag-akyat ng bilang ng testing na isinasagawa buwan-buwan, kung saan karamihan ng mga sample ay galing sa rehiyon ng Yangon.

    Ang aming mga team sa Myanmar ay nagbibigay ng regular na suporta sa mga programa ng NTP sa iba’t ibang antas. Ito’y maaaring pagsuporta sa direct service provision (gaya sa Yangon) o pinapadali namin ang access sa testing at paggamot (gaya sa Kachin, Shan at Rakhine).
     

    Afghanistan

    Sa Afghanistan, ang mga tao ay walang sapat na pera para sa mga pangunahing pagkain, at lalo na para sa paglalakbay, o di kaya’y para sa mga medical fee o bayad sa ospital. Ang pampublikong sistema para sa pangangalagang pangkalusugan naman ay kulang sa mapagkukunang-yaman, sa staff, at sa pondo. 

    Ang ospital para sa TB ng Doctors Without Borders sa Kandahar ay ang tanging pasilidad na may pinahusay na pangangalaga para sa TB sa timog ng bahagi ng Afghanistan. Marami sa aming mga pasyente ay galing sa mga malalapit na probinsiya, ngunit ang iba’y kinailangan pang maglakbay nang malayo.

    “Sinusuportahan namin sila sa pamamagitan ng pagbabayad para sa kanilang transportasyon, pabahay at pagkain upang mabawasan ang kanilang mga gastusin,” sabi ni Allieu Tommy, medical advisor ng Doctors Without Borders. Kung wala ang mga ganitong insentibo, hindi makakaya ng mga pasyenteng pumunta rito para magpagamot.

    Hindi lang ang mga hamon sa lohistika at sa pinansyal na aspeto ang mga hadlang sa pagkuha ng TB treatment sa Afghanistan. Nariyan din ang kakulangan ng kaalaman tungkol sa sakit na ito. Ang aming mga team ay regular na nagsasagawa ng mga health promotion activity sa mga komunidad sa Kandahar upang paunlarin ang pag-unawa ng mga tao sa TB. Nagbibigay rin kami ng impormasyon sa mga pasyente at sa mga tagapangalaga nila sa ospital sa Kandahar.  

    nurse Aziza Khushal waits to collect a sputum sample from a new patient on the women’s side of the MSF drug-resistant tuberculosis hospital in Kandahar city. Afghanistan, March 2022.  LYNZY BILLING

    Naghihintay ang nars ng sputum sample mula sa isang bagong pasyente sa Doctors Without Borders drug-resistant tuberculosis hospital sa siyudad ng Kandahar.  Afghanistan, Marso 2022.  © LYNZY BILLING

    Ang karaniwang paggamot sa isang pasyenteng mayroong DR-TB ay inaabot ng siyam hanggang labindalawang buwan. Mahirap ito para sa pasyente, lalo na kapag ang ospital ay malayo sa mga kaibigan at kamag-anak. Kaya naman maraming mga pasyente ang hindi natatapos ang paggamot na ito. Pero ngayong 2023, matapos ang pagsasaliksik, isang short course regimen na tatagal lamang ng anim na buwan ang ipapakilala, at ito ang magpapadali para matapos ng mga tao ang kanilang paggamot. 

    Ang Doctors Without Borders ay nagsaayos ng isang DR-TB programme kung saan pinagsama ang specialist inpatient care at supervised home-based treatment upang makatulong sa mga pasyenteng harapin ang mga rehimen. 

    Pagpapakilala ng pagbabago at pagtataguyod para sa TB

    Dagdag sa aming pagbibigay ng pangangalaga, sinusuportahan rin ng Doctors Without Borders ang pagsasaliksik ukol sa TB at ang mga clinical trial, gaya ng endTB clinical trial. 

    endTB Clinical Trials

    Taon-taon, may mga kalahating milyong taong nagkakaroon ng sakit na MDR/RR-TB, at marami ang namamatay dahil dito. 

    Ang MDR/RR-TB ay isang sakit na dulot ng isang TB bacterium na hindi tinatalaban ng rifampicin, isa sa mga pinakamabisang first-line antibiotic, plus/minus resistance sa isoniazid. Taon-taon, may mga kalahating milyong taong nagkakaroon ng sakit na MDR/RR-TB, at marami ang namamatay dahil dito. Bagama’t gumagamit na ngayon ng iba’t ibang MDR-TB rehimen sa iba’t ibang bahagi ng mundo, maraming mga tao ang gumagamit pa rin ng mga nakasanayang paggamot na inaabot ng matagal na panahon (hanggang 24 na buwan), hindi epektibo (59% ng paggamot lang ang nagtagumpay noong 2018), at kadalasa’y may kasamang mga teribleng side effect, tulad ng acute psychosis at permanenteng pagkabingi.

    Ang mga pasyenteng gumagamit ng mga rehimeng ito ay kinakailangang uminom ng hanggang 14,000 na tableta sa buong panahon ng paggamot, at ang ilan sa kanila’y kailangang magtiis nang ilang buwan ng masakit na iniksyon araw-araw. 

    endTB clinical trials

    Ang mga endTB rehimen ay kumakatawan sa mga mahahalagang alternatibo para sa maikling paggamot ng MDR-TB at hinuhustuhan ang paggamit ng isa pang napakaepektibo at maikling MDR-TB rehimen, na tinatawag na BPaLM, na hindi angkop para sa ilang partikular na populasyon. Ang endTB trial results ay inilahad sa Union World Conference sa France, noong Nobyembre 2023. Lumabas sa mga resulta ang ebidensya na sumusuporta sa paggamit ng apat na bago, at pinaunlad na rehimen upang gamutin ang multi-drug resistant tuberculosis o ang rifampicin-resistant tuberculosis (MDR/RR-TB). Ang team—na pinamumunuan ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF), Partners In Health (PIH), at Interactive Research and Development (IRD) at pinondohan ng Unitaid—ang siyang bumuo ng endTB consortium at nagsimula ng Phase III randomized controlled trial noong 2017.