Skip to main content

    Babala ng Doctors Without Borders: Hindi nagagawa ng mga pamahalaan ang kinakailangang pagsusuri, paggamot at pagpigil ng TB sa mga bata

    A five-year-old patient is given a free chest x-ray at one of Doctors Without Borders active case finding sites for tuberculosis. Philippines, 2023. © Ezra Acayan

    Isang pasyenteng limang taong gulang ang nakakuha ng libreng chest x-ray sa Doctors Without Borders active case finding sites para sa tuberculosis (TB) sa Tondo, Manila. Pilipinas, Marso 2023. © Ezra Acayan

    Geneva, 14 Nobyembre 2023 - Malugod na tinanggap ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) ang 'Roadmap towards ending TB in children and adolescents' (Ang daan patungo sa pagbibigay-wakas sa TB sa mga bata at adolescents) na inilabas ng ng World Health Organization (WHO) ngayong araw na ito, at inudyukan ang lahat ng mga bansang may mataas na burden ng TB na gawing prayoridad ang pagtanggap, implementasyon at ang pagpapaunlad ng WHO’s consolidated guidelines on management of tuberculosis (Ang pinagsama-samang alituntunin ng WHO para sa pangangasiwa ng tuberculosis) upang mabawasan ang bilang ng mga batang nasasawi dahil sa nakamamatay na sakit na ito na nagagamot naman. Isa pa rin ito sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga bata; isang bata kada tatlong minuto ang namamatay nang dahil sa TB. 

    Inilabas noong 2022, ang mga alituntunin ng WHO tungkol sa TB sa mga bata at adolescents ay nagrerekomenda ng ilang mahahalagang pakikisangkot upang masagip ang mas maraming bata mula sa TB: ang paggamit ng mga integrated treatment decision algorithm na pinahihintulutan ang mas maraming bata na makakuha ng diagnosis batay sa sintomas lamang; paggamit ng GeneXpert test sa mga stool specimen na mas madaling gawin kaysa paubuhin o padahakin ang mga bata ng mga sputum (plema) sample; ang paggamit ng apat na buwan ng paggamot para sa hindi matinding drug-susceptible TB, sa halip na ang dating anim na buwan na rehimen; at ang pagbibigay ng tatlong buwang paggamot upang pigilan ang TB sa mga bata na may nakakasalamuha na taong may TB sa kanilang tahanan. Kaya lang, ang mga rekomendasyong ito ay hindi pa naisasapatupad nang sapat sa karamihan ng mga bansang may mataas na TB burden.  

    "The WHO’s recommendations serve as a crucial tool to help health workers diagnose TB in children in all settings, even when there is limited access to laboratory tests and Xray, but we’re still not seeing enough countries implementing them to save more children's lives,” said Dr. Gabriella Ferlazzo, TB medical advisor for Doctors Without Borders’s Access Campaign.

    “Ang mga rekomendasyon ng WHO ay nakatutulong sa mga health worker na kilalanin ang TB sa mga bata sa lahat ng lugar, kahit na doon sa may limitadong access sa mga laboratory test at Xray, ngunit hindi pa rin tayo nakakakita ng sapat na mga bansa na nagpapatupad nito upang maraming bata ang masagip,” sabi ni Dr. Gabriella Ferlazzo, ang TB medical advisor para sa Access Campaign ng Doctors Without Borders.    
     

    Inuudyukan namin ang mga pamahalaan na sundin at simulan ang mga rekomendasyon ng WHO upang mas maraming batang may TB ang masuri at mabigyan ng paggamot sa lalong madaling panahon. Nangangahulugan din ito ng pangangailangan para sa pagsasanay at suporta para sa staff upang gawin itong posible. Kailangang ang mga pamahalaan ay walang-isasawalang bahala.
    Dr. Gabriella Ferlazzo, TB med. advisor

    Ang under-diagnosis ng TB sa mga bata ay nauwi sa under-treatment at mataas na bilang ng mga namamatay. Ang mga diagnostic test na para sa mga nakatatanda na may TB ay hindi magagamit sa mga bata, dahil hindi sapat ang pagkasensitibo nito upang matukoy ang mga mababang antas ng TB bacteria na sanhi ng sakit ng mga bata. Ang resulta nito ay kahit na sa mga lugar na may mga mapagkukunang-yaman, posible lang na makumpirma ang pagkakaroon ng TB sa kaunting mga bata. 

    Bagama’t ang sputum o plema ay ang mas pinipiling specimen na gagamitin para sa pagtukoy ng TB sa mga nakatatanda, karamihan sa mga bata ay hindi kayang dumahak kung kinakailangan. Inirekomenda ngayon ng WHO na ang mga bata ay suriin sa pamamagitan ng gastric, naso-pharingeal o mga stool sample gamit ang GeneXpert Ultra test. Ang pagkuha ng mga gastric fluid sample mula sa mga bata ay maaaring isang invasive na proseso at kadalasa’y hindi posible o mapanghamon sa mga maliliit o di kaya’y may sakit na mga bata. Kaya naman ang stool testing lang ang magagawa sa maraming lugar, kahit na hindi ito praktikal, lalo na para sa mga outpatient.

    Sa kawalan ng mga wasto at accessible na mga diagnostic test upang matukoy ang TB sa mga bata, kinakailangang tiyakin ng mga health provider ang maagang diagnosis batay sa mga sintomas, na siyang inirerekomenda rin ng WHO. May kagyat na pangangailangan para sa mas maraming pagsasaliksik upang makahanap ng mas mainam na test para gamitin sa mga bata.

    “Isang palaisipan na itong nakamamatay, ngunit kayang gamutin, na sakit ay ilang libong taon nang nasa mundo, pero ngayong ikadalawampu’t isang siglo, 40% lang ng mga batang may TB ang nakakuha ng paggamot na kinakailangan nila para manatiling buhay, dahil walang mga tamang instrumento para matukoy ang TB sa mga bata,” sabi ni Dr. Nasiba Maksumova, na nagtatrabaho para sa TB project ng Doctors Without Borders sa Tajikistan.  

    Kailangang-kailangan namin ng mga mas epektibong TB test para sa mga bata na maaaring gamitin kahit sa pinakaliblib na lugar, gamit ang mga sample na madaling kolektahin gaya ng mouth swabs o finger-prick blood. Kailangan pa ng karagdagang pagsusumikap mula sa mga researcher, mga donor at pharmaceutical corporations upang magsagawa ng mas mahusay na mga TB test, at kapag nagawa ito, kinakailangan itong maging madaling makuha sa abot-kayang halaga sa lahat ng mga bansang may mataas na TB burden. Hindi na makapaghihintay ang mga batang may TB na magtulungan ang mundo para labanan itong nakamamatay na sakit.
    Dr Nasiba Maksumova

    Bukod sa testing at paggamot, ang implementasyon ng preventive treatment sa mga bata at mga adolescent na may nakasalamuhang mga taong may TB sa kanilang pamilya o sa komunidad ay isang malaking hamon. Ang mas maikling rehimen, na tumatagal lang ng tatlong buwan, ay matagal nang inirerekomenda para sa mga bata, ngunit ang kanilang mga ginagawa ay hindi pa rin sapat. Kinakailangang dagdagan ng mga bansa ang access sa mga preventive treatment at simulan ang paggamot ng mga batang nangangailangan upang mapigilan ang ka-nilang pagkakaroon ng active TB.  

    “Matapos ang ilang dekada ng paghihintay, sa wakas ay mayroon na tayong mga child-friendly formulation ng mga gamot para sa TB,” sabi ni Dr. Kennedy Uadiale, na nagtatrabaho para sa proyekto ng MSF sa Sierra Leone. “Ngunit kakaunti pa ring mga bata ang nabibigyan ng preventive TB drugs dahil ang proseso ng pagkilala sa kanila ay matrabaho. Panahon na para isakatuparan ng mga bansa ang mga pangakong binitawan nila sa UN Political Declaration on TB noong nakaraang buwan at sagipin ang buhay ng mga batang apektado ng TB.”