Skip to main content

    Ukraine: Dahil sa pagsalakay sa mga imprastrukturang sibilyan at medikal, at sa pagdami ng mga nasusugatan o namamatay, tila wala nang ligtas na lugar sa bansa

    Mechnikov Hospital in Dnipro was damaged after an attack on 25 October

    Ang Mechnikov Hospital sa Dnipro, isa sa pinakamalaking pasilidad medikal sa Ukraine, ay nawasak dahil sa isang pagsalakay noong Oktubre 25. Ukraine, Oktubre 2024. © MSF

    “Kinokondena ng Doctors Without Borders ang pagsalakay ng mga Ruso sa isang residential area, pati sa ospital doon na pinagdadalhan ng mga ambulansya ng Doctors Without Borders ng mga pasyente. Ang aming mga team ay magpapatuloy pa rin sa pagbibigay ng tulong sa rehiyon hanggang kinakailangan,” sabi ni Thomas Marchese, Chief Emergency Coordinator ng Doctors Without Borders sa Ukraine.

    Mahigit 20 na gusali ng mga apartment ang napinsala ng pinakahuling pagsalakay. Kabilang sa mga naapektuhang istruktura sa Dnipro ay ang isa sa pinakamalaking pasilidad medikal ng Ukraine, ang Mechnikov Hospital na katrabaho na ng Doctors Without Borders mula pa noong 2022.
    Thomas Marchese, Chief Emergency Coord.

    Ang ospital na ito’y nagsisilbing lifeline ng mga may sakit at mga nasaktan dahil sa mga frontline settlement kung saan ang makukuhang  pangangalagang medikal mula sa mga dalubhasa ay lubhang limitado dahil sa nagaganap na alitan. Ang mga pasyenteng nasa kritikal na kondisyon ay dinadala rito ng ambulansya, at ang mga pamilyang nawalan ng tirahan sa mga lugar kung saan matitindi ang labanan gaya ng Pokrovsk, Myrnohrad, at Kurakhove ay pumupunta rin dito upang makakuha ng pangangalaga. Maraming mga pasyenteng nangangailangan ng agaran at kumplikadong paggamot ang dinadala sa Dnipro. Ang paglilipat ng pasyente sa mga ospital ay aktibong sinusuportahan ng mga ambulance team ng Doctors Without Borders.

    Mechnikov Hospital in Dnipro, one of Ukraine’s largest medical facilities was damaged after an attack on 25 October

    Ang ospital na ito’y nagsisilbing lifeline ng mga may sakit at mga nasaktan dahil sa mga frontline settlement kung saan ang makukuhang  pangangalagang medikal mula sa mga dalubhasa ay lubhang limitado dahil sa nagaganap na alitan. Ukraine, Oktubre 2024. © MSF

    Iniulat ng mga team ng Doctors Without Borders ang nakaaalarmang pagtindi ng mga labanan sa Ukraine, at ang mga lugar kung saan maraming mga  sibilyan ay madalas nang napapagitna sa mga alitan. Nasaksihan ng isang team ng Doctors Without Borders ang mga pagsalakay sa Selydove, sa Kherson at sa Okhmatdyt Children’s Hospital. Pakiramdam ng mga tao ay hindi sila ligtas kahit sa mga ward ng ospital, kung saan ang mga pasyente ay madalas na nagigising ng mga sirenang nagbibigay ng babala ng paparating na pagsalakay. Oras-oras ay umaakyat ang bilang ng mga Ukrainian na nakararanas ng matinding traumatic stress dahil sa pamumuhay sa gitna ng walang humpay na pagwawasak. Ang paggamot sa kanila ay halos imposible nang magawa, dahil bihira nang magkaroon ng ligtas na lugar kung saan sila maaaring tumanggap ng regular na pangangalaga.

    Sa silangang Ukraine, nagpapatakbo kami ng mga mobile clinic na nagbibigay ng mahalagang suportang medikal at sikolohikal sa mga taong apektado ng digmaan. Sinusuportahan din namin ang mga ospital na napupuspos sa dami ng pasyente. Dagdag pa rito, ang Doctors Without Borders ay mayroong 18 na ambulansyang ginagamit malapit sa frontline, na nakalaan sa medical evacuation ng mga pasyenteng nasugatan sanhi ng digmaan. Nitong 2024, nakapaghatid ang mga ambulansya ng Doctors Without Borders ng mahigit sa 8,000 na pasyente. 60% sa kanila ay nagtamo ng mga pinsalang dulot ng violent trauma. Kabilang sa mga ito ang 136 na pasyenteng wala pang 18 na taong gulang, pati 38 na batang nangailangan ng ICU transport. Ang pinakamatandang pasyente ay 98 na taong gulang , habang ang pinakabata naman ay sanggol na tatlong araw pa lang.
     

    Categories