Skip to main content
    Ukraine

    Krisis sa Ukraine

    Pagtugon sa Emergency

    Magbigay ng donasyon upang masuportahan ang aming emergency medical response sa mga lugar tulad ng Ukraine.

    Tumutugon ang Doctors Without Borders sa krisis sa Ukraine

    Pinakahuling Ulat

    Sa ngayon, ang mga team ng Doctors Without Borders ay pinahihintulutang pumasok sa mga rehiyon lang na kontrolado ng mga puwersa ng Ukraine. Ito’y nangangahulugang ang nakikita nilang mga pinsalang dulot ng digmaan ay sa mga teritoryo lang na  hawak ng Ukraine. Sa kabila ng pagsusumikap na makakuha ng permiso upang makapasok sa mga rehiyong okupado ng Russia, hindi pa rin ito ibinibigay. Kaya naman hindi pa rin nakikita ng Doctors Without Borders ang sitwasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng pamamahala ng mga militar na Ruso.

    Sa isang ulat na pinamagatang ‘Between Enemy Lines’ (Sa Pagitan ng mga Hangganan ng mga Teritoryo ng Kaaway), inilalantad ng Doctors Without Borders ang malubha at malawakang pagkawasak ng mga pasilidad pangkalusugan sa Ukraine, at ang mga mahigpit na paghahadlang sa pangangalagang medikal sa ilalim ng pananakop ng mga Ruso.

    Susuportahan mo ba ang aming tugon sa krisis?

    Maaari mong tulungan ang aming mga medical team na makapaghatid ng emergency medical supplies at makapagbigay ng lunas sa mga taga-Ukraine sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon. 

    Mga Pinakabagong Ulat

    Ukraine: Pagsalakay sa Okhmatdyt Children's Hospital sa Kyiv
    Ukraine: Pagsalakay sa Okhmatdyt Children's Hospital sa Kyiv
    Naghihintay ang mga batang may seryosong kondisyong medikal—ang ilan sa kanila’y nangangailangan ng critical life support— na mailikas o maipasok muli...
    Ukraine: Inilikas ng Doctors Without Borders ang 150 na pasyente dahil sa paulit-ulit na pagsalakay sa mga ospital sa Kherson
    Ukraine: Inilikas ng Doctors Without Borders ang 150 na pasyente dahil sa paulit-ulit na pagsalakay sa mga ospital sa Kherson
    Inilikas ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF), ang 150 na pasyente mula sa ospital ng Kherson, sa timog ng Ukraine, dahil sa pa...
    Ukraine: Ospital sa Kherson, dalawang beses binomba sa loob lamang ng 72 oras
    Ukraine: Ospital sa Kherson, dalawang beses binomba sa loob lamang ng 72 oras
    Habang sinusulat namin ito, binomba na naman ang ospital sa rehiyon ng Kherson sa Ukraine. Ang unang insidente ng pagbomba rito ay naganap noong Marte...
    Ukraine: Malawakang pagkasira ng mga istrukturang medikal
    Ukraine: Malawakang pagkasira ng mga istrukturang medikal
    Isiniwalat ng pandaigdigang organisasyong medikal at humanitarian na Médecins Sans Frontières/Doctors Without Borders (MSF) ang matindi at malawakang ...
    Ukraine: Ayon sa mga datos at sa mga ulat ng mga pasyente, nagkaroon ng paulit-ulit na walang habas na pagsalakay laban sa mga sibilyan
    Ukraine: Ayon sa mga datos at sa mga ulat ng mga pasyente, nagkaroon ng paulit-ulit na walang habas na pagsalakay laban sa mga sibilyan
    22 Hunyo 2022, Lviv/Brussels – Ang mga datos na medikal at ang mga ulat ng mga pasyente na inilikas mula saDoctors Without Borders / Médecins Sans Fro...
    Ukraine: Pangangalaga para sa mga mahihinang taong naiwan noong digmaan
    Ukraine: Pangangalaga para sa mga mahihinang taong naiwan noong digmaan
    Kababalik lang ni Dr. Natalie Roberts ng Doctors Without Borders mula sa Ukraine, kung saan nasaksihan niya ang matitinding hamong kinakaharap ng mga ...
    Ukraine: Sa Odessa, “Naghahanda ang lahat para sa pinakamalalang maaaring mangyari”
    Ukraine: Sa Odessa, “Naghahanda ang lahat para sa pinakamalalang maaaring mangyari”
    Kababalik lang ni Carla Melki, emergency coordinator ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF), mula sa port city ng Odessa sa timog...
    Ukraine: Paano nagsusumikap ang Doctors Without Borders na marating ang mga lugar na pinaka-apektado ng mga tunggalian
    Ukraine: Paano nagsusumikap ang Doctors Without Borders na marating ang mga lugar na pinaka-apektado ng mga tunggalian
    Habang umaakyat ang bilang ng mga patay at sugatan sa Ukraine at daan-daang libong tao ang naghahanap ng matatakbuhan sa mga karatig-bansa, ang mga te...

    Paano kami tumutugon sa Ukraine

    Mahigit isang taon pagkatapos salakayin ng mga puwersang Ruso ang ilang siyudad sa Ukraine, ang matitinding labanan ay nagdulot ng malalang krisis na humanitarian at  ng pagkawala ng tirahan ng milyon-milyong Ukrainian sa loob at labas ng bansa.

    Patuloy ang pagbibigay ng Doctors Without Borders ng pangangalaga sa mga pasyenteng nasugatan sanhi ng digmaan sa mga emergency department at sa mga referral ambulance. Nagpapatakbo rin kami ng mga mobile clinic at nagbibigay ng suporta sa mga pasilidad pangkalusugan.  

    Kabilang sa aming kasalukuyang pagtugon ang mga sumusunod:

    • Mga medical referral at paglikas gamit ang mga ambulansya ng  Doctors Without Borders 
    • Pagsuporta sa emergency care at sa intensive care unit, pati na rin sa kapasidad para sa pagsasagawa ng mga operasyon sa mga ospital malapit sa mga frontline sa mga rehiyon ng  Donetsk at Kherson 
    • Physiotherapy, post-surgery care, at suportang sikolohikal para sa mga pasyenteng nasugatan o nagtamo ng pinsala sanhi ng digmaan, pati na rin pagsasanay sa physiotherapy ng mga staff ng mga rehabilitation ward ng mga ospital na sinusuportahan ng mga team ng Doctors Without Borders
    • Mga mobile clinic na nagbibigay ng pangunahing pangangalagang pangkalusugan, counselling para sa kalusugang pangkaisipan at mga serbisyong kaugnay ng psychoeducation, pati na rin sexual at reproductive healthcare, partikular na sa mga lugar malapit sa mga frontline
    • Mga donasyong medikal, tulad ng mga medical kit, mga kagamitan, at mga gamot para sa mga ospital at pasilidad medikal na may kakulangan ng mga ito
    • Mga pagsasanay ukol sa sekundaryong pangangalagang pangkalusugan, kasama ang pagsasanay ng mga healthcare staff  sa mass casualty response,  pain management at pangangalaga ng kalusugang pangkaisipan. 
       

    Suportahan ang aming pagtugong medikal sa Ukraine sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.

    Mula noong pumutok ang labanan sa iba’t ibang bahagi ng Ukraine, ang aming mga team ay nagsusumikap matugunan ang mga kagyat na pangangailangan. Sa kasalukuyan, ang  Doctors Without Borders ay may 22 na staff na taga-ibang bansa, at 348 na taga-Ukraine. Nagtatrabaho sila bilang medical staff (mga doktor, mga nars); mga sikolohista; logistics at administration staff; at mga tagapamahala. (huling binago noong Agosto 2024)

    SILANGANG UKRAINE

    Rehiyon ng Kharkiv 

    Ang mga ambulance team ay nagsasagawa ng mga medical referral ng mga pasyente sa Kharkiv patungo sa mga ospital sa ibang mga siyudad na di pa gaanong napupuspos sa dami ng mga sugatang pasyente. Nagbukas ang Doctors Without Borders ng himpilan ng ambulansya sa siyudad ng Kharkiv, at may mga mobile clinic ding nagbibigay-serbisyo sa ilang mga pamayanan malapit sa hangganan ng rehiyon ng Donetsk. 

    Rehiyon ng Donetsk 

    Sa Pokrovsk Hospital, nagbibigay ang aming ER team ng suporta kapag may insidente ng mass casualty, at kasali rito ang pagtulong sa operating theater. May ambulance service din para sa mga isinangguni mula sa Pokrovsk, Kostiantynivka, Sloviansk at iba pang mga siyudad sa rehiyon ng Donetsk. 

    Rehiyon ng Dnipropetrovsk

    Nagtayo rito ang Doctors Without Borders ng opisina at isang warehouse para sa mga gamot, na nagbibigay ng katiyakan sa maayos na pagtakbo ng mga mobile clinic at ng mga emergency team.  
     

    TIMOG NG UKRAINE

    Rehiyon ng Mykolaiv 

    Ang aming mga team ay nagpapatakbo ng mga mobile clinic sa mga pamayanan malapit sa rehiyon ng Kherson.

    Rehiyon ng Kherson  

    Sinusuportahan ng Doctors Without Borders medical team ang intensive care, surgical at traumatology department ng ospital sa Kherson, kasama ang mga state doctor. May mga mobile clinic team ding tumatakbo sa mga pamayanan sa Kherson. Kabilang sa kanilang mga serbisyong ibinibigay ay ang screening para sa tuberculosis.  
     

    CENTRAL UKRAINE

    Vinnytsia 

    Sinimulan dito ng Doctors Without Borders ang pagbibigay ng specialised psychotherapeutic service para sa mga taong nakararanas ng mga sintomas ng post-traumatic stress disorder (PTSD), kaugnay ng digmaan. Sinusuportahan din ang mga taong nawalan ng tirahan sa pamamagitan ng mga aktibidad para sa pagtataguyod ng kalusugan, at ng mga pangpangkat na sesyon para sa kalusugang pangkaisipan.

    Cherkasy 

    Ang Doctors Without Borders ay nagsasagawa ng physiotherapy at post-surgery care, at nagbibigay rin ng suportang sikolohikal para sa mga pasyenteng nasugatan o nagtamo ng pinsala sanhi ng digmaan. Nagbibigay rin sila ng pagsasanay sa physiotherapy sa mga staff na nagtatrabaho sa mga rehabilitation ward ng ospital. 

    AMBULANCE SERVICE

    Ang Doctors Without Borders ay nagtayo ng 9 na himpilan para sa mga ambulance team sa Snihurivka (rehiyon ng Mykolaiv), Apostolove (malapit sa siyudad ng Kryvyi Rih), Dnipro, Pokrovske at Pavlohrad (rehiyon ng Dnipropetrovsk), Mezhove, Sloviansk (rehiyon ng Donetsk), Zaporizhzhia (rehiyon ng Zaporizhzhia) at sa  siyudad ng Kharkiv ( rehiyon ng Kharkiv). 

    Ang mga ambulance team ng Doctors Without Borders ay nagsasangguni ng mga pasyente sa ibang mga ospital kung saan mabibigyan sila ng angkop na pangangalaga ng mga dalubhasa. Sa mga lugar na malapit sa mga frontline sa silangan at timog, ang sistema para sa pangangalagang pangkalusugan ay nahihirapang harapin ang mga dati na, at pati ang mga bagong pangangailangang medikal na dulot ng digmaan. 

    IBANG MGA AKTIBIDAD SA UKRAINE

    Noong unang semestre ng 2024, nakapagbigay ang Doctors Without Borders ng mga donasyon na may kabuuang halaga na mahigit sa 900,000 euro. Mahigit kalahati ng halagang ito ay inilaan sa pagbili ng mga gamot at medical equipment para sa mga ospital na malapit sa frontline at sa mga naapektuhan ng shelling. Ang natitirang pondo ay ginamit upang bumili ng mga materyales, mga kasangkapan at mga generator na magagamit sa pagsasaayos ng mga ospital na napinsala ng shelling sa mga rehiyon ng Donetsk, Kherson, at Dnipropetrovsk. Ipinambili rin ito ng gasolina para sa medical transport. Dagdag pa rito ang mga donasyon ng inuming tubig, mga kit para sa personal na kalinisan, at mga kumot para sa mga pasyente at sa mga taong napilitang maghanap ng ibang tirahan sa loob ng bansa. 
    Nagsasagawa rin ang Doctors Without Borders ng mga pagsasanay sa first aid, mass casualty response, at pain management, at ng mga pangkatang sikolohikal na sesyon para sa mga katuwang nitong mga organisasyon.

    Map of MSF activities in Ukraine as of 27 August 2024

    Ang aming emergency response sa mga karatig-bansa

    POLAND

    Mula Pebrero 24, 2022, mahigit 11.7 milyong tao na ang tumawid mula Ukraine papunta sa Poland (UNHCR). Mahigit 1.6 milyong tao ang nagparehistro upang makakuha ng pansamantalang proteksyon.

    Aktibong sinusuportahan ng Doctors Without Borders ang Ministry of Health upang matiyak na makakakuha ang mga pasyente ng gamot para sa drug-resistant tuberculosis. Kabilang rito ang mga pasyenteng dating sinusuportahan ng Doctors Without Borders sa Ukraine.
     

    RUSSIA

    Mahigit 2,850,000 na tao na ang tumawid papuntang  Russia mula sa Ukraine hanggang Disyembre 31, 2023 (UNHCR).
    Mahigit 30 na taon nang nasa Russia ang Doctors Without Borders. Hindi pa natatagalan nang ang aming mga team sa Russia ay nakipagtulungan sa mga awtoridad pangkalusugan ng mga rehiyon upang suportahan ang mahalaga at makasagip-buhay na paggamot ng mga pasyenteng may drug-resistant tuberculosis (DR-TB). Sa pakikipagtulungan naman sa mga  katuwang nitong organisasyon sa Moscow at sa St. Petersburg, nagbigay ng suporta ang Doctors Without Borders sa mga taong nabubuhay nang may HIV at hepatitis C, pati sa mga nanggaling pa sa Ukraine.

    Simula noong nag-umpisa ang armadong labanan sa pagitan ng mga bansa, sinusuportahan ng Doctors Without Borders ang mga taong napilitang lumikas sa timog na bahagi ng Russia at napadpad sa mga rehiyon ng  Voronezh, Belgorod at Rostov. Sa pakikipagtulungan sa mga lokal na NGO, bumuo ang Doctors Without Borders ng mga team na kinabibilangan ng mga social worker, mga medical consultant at mga sikolohista , upang matiyak na ang mga taong napilitang lisanin ang kanilang mga tahanan, na karamihan ay kararating lang sa mga nabanggit na rehiyon, ay makatatanggap ng lahat ng kinakailangan at kwalipikadong serbisyong medikal mula sa mga lisensyadong klinika, at  magkaroon ng access sa ibang serbisyong pangkalusugan at panglipunan ng estado.

    Noong Agosto 2024, nakatanggap ang Doctors Without Borders ng liham mula sa Kagawaran ng Hustisya ng Russia. Ang nilalaman ng liham ay ang desisyong tanggalin ang  Doctors Without Borders mula sa Register of Affiliate and Representative Offices of Foreign NGOs, kung kaya’t kinailangan naming wakasan na ang mga aktibidad namin sa Russia.

    Suportahan ang aming pagtugong medikal

    Matutulungan mo ang aming mga medical team na maghatid ng emergency medical supplies at paggamot sa mga tao sa Ukraine sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.