Sudan: Ang pagdami ng mga humanitarian need matapos takasan ng kalahating milyong tao ang karahasan sa Wad Madani
Karga ng isang babaeng nawalan ng tahanan ang kanyang anak sa kampo ng Alsafat sa estado ng Al Jazirah. “Nag-aalala ako para sa kinabukasan ng aking mga anak. Balak kong bumalik sa Abyei upang makapasok sa paaralan ang mga bata. Pero kung matapos na ang digmaan, babalik ako sa Khartoum at sa aming bahay sa lalong madaling panahon, at ang asawa ko ay makapagtatrabaho na,” sabi niya. Sudan, Disyembre 2023. © Fais Abubakr
May pagbabago ang digmaan sa Sudan. Ang matitinding labanan at ang pagbabago sa militar ay nagdulot ng di masukat na pagdurusa. Nawalan ng tirahan ang milyon-milyong tao, libo-libo ang namatay, at maraming nasaktan.
Noong Disyembre 15, ang Rapid Support Forces (RSF) ay sumalakay sa Wad Madani, Sudan, at inagaw ang kapangyarihan sa ilang siyudad at lugar sa estado ng Al Jazirah sa loob lamang ng ilang araw. Mula noon ay kalahating milyong tao na ang tumakas mula sa karahasan at sa kawalan ng seguridad. Kasama rito ang 234,000 na 1 internally displaced na tao na dating lumikas sa Wad Madani nang tumindi ang karahasan sa Khartoum.
Dahil sa kaguluhang kasunod ng evolving conflict dynamics, matinding kawalan ng seguridad, at laganap na karahasan ay hindi na makapagtrabaho ang Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) sa Wad Madani. Kinailangan naming suspindihin ang lahat ng aming mga aktibidad at ilikas ang aming staff mula sa Wad Madani noong Disyembre 19, at iniwan namin ang mga tao na mas kaunti ang access sa mga pangunahing serbisyong medikal. Kailangan din naming ilikas ang aming staff mula sa Damazine, Um Rakuba sa estado ng Gedaref, at sa Doka. Sa Damazine, nagbawas kami ng mga aktibidad.
Ang Doctors Without Borders ay nasa Wad Madani na mula pa noong Mayo 2023. Mahirap na ang pamumuhay noon ng mga nakatira doon na kalahating milyong internally displaced na tao na 8% lang ng lahat ng internally displaced sa Sudan— kung saan makikita ang pinakamalaking krisis ng internal displacement sa buong mundo. Mahigit anim na milyon ang napilitang lisanin ang kanilang mga tahanan at lumipat sa ibang bahagi ng Sudan na dagdag pa sa mahigit 1.4 2 milyon na lumikas sa ibang bansa. Sa pagitan ng Mayo at Nobyembre, ang mga team ng Doctors Without Borders ay nagsagawa ng 18,390 na mga konsultasyong medikal (40% sa mga ito ay para sa mga batang wala pang labinlimang taong gulang) sa ilan sa mga daan-daang lugar na tumatanggap ng mga displaced na tao sa buong estado, ang iba sa mga ito’y mga paaralan o mga lumang pampublikong gusali.
Sa pamamagitan ng mga mobile clinic, sinuri ng Doctors Without Borders at isinangguni ang 66 na bata na may severe acute malnutrition at mga seryosong kumplikasyon nitong nakaraang anim na buwan—mga kasong maaaring nakamamatay kung hindi ito gagamutin agad sa ospital. Ngunit napuspos ang mga pasilidad pangkalusugan. Dahil ang populasyon ng siyudad ay umakyat ng 30%, dumami ang mga pasyente at dumami rin ang mga hamong hinaharap pagdating sa supply at staff. At nang tumaas ang mga presyo ng mga bilihin, nahadlangan ang mga displaced at maging ang mga residente na makakuha ng mga serbisyong makasagip-buhay. Sa kasalukuyan, dahil umalis na ang karamihan ng mga organisasyong pandaigdig—sa kabila ng mga pagsusumikap ng mga lokal na boluntaryong health worker—ipinagpapalagay namin na lumala ang sitwasyon.Slaymen Ammar, Medical Coordinator
Nitong nakaraang buwan, ang mga team ng Doctors Without Borders sa mga estado ng Gedaref at Kassala—kung saan nagtatrabaho ang Doctors Without Borders mula pa noong 2021 bilang pagtugon sa krisis ng Ethiopian Tigray—nasaksihan namin ang pagdating ng libo-libong mga tao mula sa Wad Madani 3, at kasalukuyan naming tinatasa at tinutugunan ang mga dumaraming pangangailangang pangkalusugan at humanitarian. Sa Tanideba (Gedaref), nagsimula ang Doctors Without Borders ng isang short-term emergency intervention para sa mga bagong displaced na mga refugee mula sa Ethiopia at mga bagong displaced na mga mamamayang Sudanese. Saklaw ng emergency intervention na ito ang pangunahing pangangalagang pangkalusugan, water and sanitation, at ang pagbibigay ng mga rasyon ng pagkain. Kasama rin dito ang mga one-off na pamamahagi at donasyon. Subalit, mahalagang bigyang-pansin na ang mga aktibidad sa Tanideba ay pansamantalang binawasan dahil sa pagtindi ng alitan sa Wad Madani.
Ang alitan sa Sudan ay nagdulot ng di masukat na pagdurusa. Nawalan ng tirahan ang milyon-milyong tao, libo-libo ang namatay, at maraming nasaktan. Para sa maraming displaced na tao, ang Gedaref at Kassala ay ang mga pinakahuling himpilan lamang sa isang mahabang paglalakbay upang makahanap ng kaligtasan, kung kailan sila’y nagdusa dahil sa karahasan at nagtiis dahil sa kakulangan ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, malinis na tubig, sanitation, at access sa pangangalagang medikal.
Si Al Bakri Al Taher Malik, isang displaced na lalaki mula sa Khartoum, ay dalawang beses nang nagtamo ng pinsala dahil sa mga labanan sa Sudan. “Hinihintay ko ang araw kung kailan idedeklarang tapos na ang digmaan. Kahit na wala na akong babalikan, uuwi pa rin ako. Uuwi ako, kahit na maglakad lang ako.” Sudan, Disyembre 2023. © Fais Abubakr
“Kami’y mga tubong Darfur, ngunit dahil sa mga karahasan at sa krisis doon, napunta kami sa Khartoum. Ngunit sumunod ang digmaan sa amin sa Khartoum, kaya’t nagtungo kami sa Wad Madani. At doon nagpatuloy ang kuwento namin,” sabi ni Salem 4 , isang displaced na lalaki na dumating mula sa Wad Madani, kasama ang kanyang pamilya sa lokalidad ng Al Mufaza, sa Gedaref, dalawang linggo na ang nakararaan. Tumakas ang pamilya ni Salem mula sa Khartoum walong buwan na ang nakalilipas, matapos masabugan ang kanilang bahay at nagdulot ng matinding pinsala sa isa sa kanilang mga anak.
“Anim kami sa bahay, at ang asawa ko ay nagdadalang tao noon. Nawasak ang aming bahay. Natamaan ang isang braso ko, ngunit mas malala ang nangyari sa aking anak dahil natamaan siya sa ulo. Dinala namin siya sa ospital, at kinailangan niyang maoperahan agad. Nang pinayagan na siyang makalabas mula sa opsital, agad naming nilisan ang siyudad dahil sa kawalan ng seguridad. Pumunta kami sa mga kampo ng internally displaced sa Wad Madani, at doon na nanganak ang asawa ko.”
Sa kalagitnaan ng Disyembre, muling tumakas ang pamilya papuntang Gedaref: “Nagsimula na naman ang mga labanan, at nakarinig na naman kami ng mga pagputok ng baril ng mga armadong kalalakihan. Agad-agad kaming nagpasyang lumisan. Ang naisip ko noon, saan na kami pupunta? Wala nang ligtas na lugar noong mga panahong iyon.”
Karga ni Souad Abdullah, isang babaeng taga-timog Khartoum, ang kanyang sanggol sa kampo ng Al Zahra, sa estado ng Al Jazirah kung saan siya lumikas. Dumating siya sa Wad Madani pagkatapos maglakbay nang tatlong araw. "Noong kadarating lang namin dito, hirap na hirap kami: walang mga palikuran, tubig, pagkain, o tubig na maiinom. Kumilos ang Doctors Without Borders at inasikaso kami agad dahil ang mga bata ay nagkasakit mula sa sobrang pagkabilad sa araw. Buong linggo nila kaming tinutulungan. Tumulong rin sila sa pagluwal ng anak kong babae, ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya." Sudan, Disyembre 2023. © Fais Abubakr
Sa isang rehiyon kung saan napakalimitado na ng pangangalagang pangkalusugan at ng mga kinakailangang gamot, ang mga taong nawalan ng tirahan ay nagdurusa ngayon dahil sa kanilang dumaraming pangangailangang pangkalusugan, bunga ng tuwiran at di tuwirang epekto ng karahasan. Dumarami ang kanilang mga pangunahing pangangailangan at kinakailangan itong tugunan sa lalong madaling panahon.
"Sa mga lugar ng pagtitipon sa siyudad ng Kassala, sinabi ng mga taong nawalan ng tirahan sa aming mga team na wala pa silang natatanggap na tulong mula noong dumating sila noong kalagitnaan hanggang katapusan ng Disyembre," paliwanag ni Pauline Lenglart, ang emergency project coordinator ng Doctors Without Borders sa Sudan.
Ang mga pamilya ay natutulog sa lupa, ang access sa pangangalagang pangkalusugan ay hinihigpitan, kaunti lang ang gumaganang pasilidad medikal, at hindi libre ang mga gamot. Marami na rin ang nakapagsabi sa amin na hindi sapat ang kanilang pera upang bumili ng pagkain at mga gamot, kinakailangan nilang mamili kung alin lang sa dalawa ang kanilang bibilhin. Laging tinatasa ng team ng Doctors Without Borders ang mga pangangailangan sa mga bagong lugar na binubuksan upang masilungan ng mga nawalan ng tirahan kamakailan lang. 4 Sa lahat ng mga lugar na ito, nakikita namin na kulang na kulang pa rin ang humanitarian assistance na ibinibigay upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao at upang matiyak na mabubuhay sila nang may dignidad.Pauline Lenglart,Emergency Project Coord
[1] International Organization for Migration (IOM) Displacement Tracking Matrix (DTM) Focused Flash Alert. Enero 8, 2024 ↩
[2] Ayon sa International Organization for Migration Displacement Tracking Matrix (IOM DTM), at ang UN refugee agency (UNHCR). Enero15, 2024 ↩
[3] 64,000 IDPs ang dumating sa Gedaref at 30,000 sa Kassala mula Disyembre 15, ayon sa UN. ↩
[4] Binago ang pangalan. ↩