Sudan: Napilitan ang Doctors Without Borders na tigilan ang pangangalaga sa 5,000 na malnourished na bata dahil sa pagbangkulong sa supply
Isang bata ang sumasailalim sa MUAC screening sa Ambulatory Therapeutic Feeding Center (ATFC) sa klinika ng Doctors Without Borders sa kampo ng Zamzam. Sudan, Agosto 2024. © Mohammed Jamal
Napilitan ang Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) na tigilan ang outpatient treatment para sa 5,000 na batang may acute malnutrition sa kampo ng Zamzam sa North Darfur, Sudan, dahil sa pagbangkulong ng mga partidong sangkot sa digmaan ng hinahatid na mga pagkain, gamot at iba pang mahahalagang supply sa loob ng ilang buwan.
Habang papaubos na ang mga supply sa pagtatapos ng Setyembre, napilitan ang Doctors Without Borders na tigilan ang outpatient na pangangalaga sa 5,000 na bata, kabilang rito ang 2,900 na batang may severe acute malnutrition. Tanging ang ospital na ito ng Doctors Without Borders na may 80 na kama ang nananatiling tumatakbo sa kampo upang magamot ang mga batang pinakananganganib na mamatay.
"May kagyat na pangangailangan para sa malaking supply ng mga produktong nutrisyonal at mga pagkain na makatutulong sa populasyon, na kasalukuyang nasa isang kapaha-pahamak na sitwasyon," sabi ni Michel-Olivier Lacharité, ang Head of Emergency Operations ng Doctors Without Borders.
Nananawagan ang Doctors Without Borders sa mga iba’t ibang stakeholder, sa mga pamahalaan, sa mga kakampi ng mga partidong sangkot sa alitan – ang Rapid Support Forces, ang Sudanese Armed Forces at ang Joint Forces, na padaliin ang paghahatid ng humanitarian aid sa kampo.Michel-Olivier Lacharité, Emergency Ops.
Bagama’t may dumating na mga limitadong supply nitong mga nakaraang linggo, kabilang na rito ang mga medical supply na nagawang dalhin ng Doctors Without Borders, ang mga bilang nito ay nananatiling napakababa. Hindi nito kayang matugunan ang mga pangangailangan ng mga taong may malnutrisyon sa kampo ng Zamzam, na may populasyon na humigit-kumulang 450,000.
Ang krisis ay nakatawag ng pandaigdigang atensyon dahil sa konklusyon ng IPC Famine Review Committee noong Agosto na magkakaroon ng taggutom sa kampo ng Zamzam. Ayon naman sa sariling pagtatasa ukol sa malnutrisyon ng Doctors Without Borders, 30% ng mga bata ay malnourished, ayon sa iba’t ibang survey na isinagawa noong simula ng taong ito. Tinatayang may isang batang namamatay kada dalawang oras dahil sa mga sanhing kaugnay ng malnutrisyon. Habang ang kasalukuyang krisis ay naglalagay ng limitasyon sa abilidad ng Doctors Without Borders na makapagkalap ng bagong datos, ang kasalukuyang antas ng pagkamatay ng mga bata ay hindi pa alam.
"Nitong mga huling araw, nakakita tayo ng ilang positibong senyales. May ilang mga trak na dumarating matapos ang ilang buwan ng ganap na pagbangkulong sa kampo. Subali’t ang mga ito’y hindi sapat," sabi ni Lacharité. "Ito’y mga positibong senyales na ang pagiging seryoso ng sitwasyon ay nakikita na ng mga partidong sangkot sa alitan, at pinahihintulutan na nila ang pagpasok ng mga trak.”
“Kung tayo man ay tutugon nang sapat, kinakailangang pag-ibayuhin ng mga aid agency ang kanilang mga pagsusumikap at kailangang kumbinsihin ng lahat ng mga diplomatic stakeholder na nakikipagnegosasyon sa mga partidong sangkot sa alitan na tiyaking magpapatuloy ang paghahatid na ito sa mga darating na buwan."
Halimbawa, ang pagbibigay ng isang buwang emergency food ration (mga 500 na calories kada araw para sa bawat tao) sa 450,000 na tao sa Zamzam ay aabot sa 2,000 na tonelada ng mga ration. Ibig sabihin, kakailanganin ng 100 na lorry kada buwan upang maihatid ang mga ito.
Susuportahan mo ba ang aming emergency response?
Tulungan kaming makapagbigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal sa mga emergency sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.