Sa Al-Shifa Hospital, palala nang palala ang sitwasyon.
Pasyente sa Al-Shifa Hospital. Kinunan ang letrato nung 31 Oktubre 2023 © Mohammad Masri
Gaza: Nakausap namin ang isang miyembro ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) staff na nasa loob pa rin ng #AlShifa Hospital sa siyudad ng Gaza. Isang surgeon ng Doctors Without Borders ang nagpadala ng mensaheng ito, na kanyang itinala noong 8:10 AM ng 13 Nobyembre 2023.
"Wala kaming kuryente. Wala kaming tubig sa ospital. Wala ring pagkain. Ilang oras lang ay maaaring mamatay ang mga taong nakasalalay sa mga ventilator.
Sa harap ng ospital, maraming mga nakakalat na bangkay. Mayroon ding mga buhay pa, ngunit sugatan, na hindi namin maipasok sa ospital.
Nang inilabas namin ang ambulansya upang isakay ang mga maaari pang gamutin, sinalakay ito. Sa paligid ng ospital, may mga sugatang tao na nangangailangan ng pangangalagang medikal pero hindi rin namin sila maipasok.
"Malala na ang sitwasyon, at hindi makatao. Walang nakakapasok dito, kaya’t walang nakakaalam tungkol sa nangyayari sa amin. Wala kaming Internet connection, at kahit na natawagan mo ako ngayon, malamang kailangan mo munang sumubok ng sampung beses bago mo ako makausap muli."
"Nagkasundo kaming mga miyembro ng medical team na aalis lang kami kapag unang palabasin ang mga pasyente: hindi namin sila iiwan. Mayroon kaming 600 na pasyente, 37 sa kanila ay mga sanggol, at may isang nangangailangan ng intensive care. Hindi namin sila puwedeng iwan.
"Kailangan muna nilang tiyakin kung bibigyan kami ng ligtas na daan dahil nakita namin kung anong ginawa nila sa mga taong sumubok na umalis sa Al-Shifa. Pinatay sila, binomba, binaril ng sniper.
"Sa loob ng Al-Shifa Hospital, may mga pasyenteng sugatan, may mga medical team. Kung bibigyan nila kami ng garantiya at uunahing palabasin ang mga pasyente, saka lang kami aalis dito."