Skip to main content

    Doctors Without Borders: Ang mga pasilidad medikal, mga pasyente, at mga healthcare worker ay dapat maprotektahan habang tumitindi ang hidwaan sa Myanmar

    Myanmar MSF statement

    Kahapon, nakatanggap ang aming team sa Shan ng mga ulat na tinamaan ng isang drone strike ang Pang Hseng Hospital, isang pasilidad na sinuportahan ng Doctors Without Borders noon. Mabuti na lang at walang naiulat na nasaktan, ngunit ito’y dahil kamakailan lang ay isinara ang ospital dahil sa pagtindi ng karahasan noong katapusan ng Oktubre. 
     

    Noong nag-umpisa ang mga labanan, ayon sa United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (UNOCHA), mahigit 60,000 na tao ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan, at ngayon, ang karamihan sa kanila’y hindi naaabot ng humanitarian assistance.

    Ang Doctors Without Borders, kasama ang iba bang organisasyong humanitarian at mga lokal na awtoridad pangkalusugan ay nakapagbigay ng serbisyo sa ilang lugar, ngunit dahil patuloy ang mga labanan at may mga access restriction, maliit na porsiyento lang ng mga taong nangangailangan ng tulong ang kanilang naabot.

    Marami sa mga taong tumatakas mula sa karahasan sa estado ng Shan ay napunta sa Lashio, sa hilaga ng Shan, kung saan ang Doctors Without Borders ay nagbibigay ng makasagip-buhay na serbisyo kaugnay ng HIV at TB sa mga komunidad na may limitadong access sa paggamot. Nagsagawa ang Doctors Without Borders ng rapid needs assessment sa mga taong nawalan ng tirahan sa mga lugar na aming naaabot. Sa tulong ng ibang mga organisasyon, nakapagbigay kami ng mga donasyon na non-food items at hygiene kits. Nagbigay rin kami ng psychological first aid, at nagsagawa ng mga konsultasyong medikal para sa mga kababaihan at mga bata.

    Nasaksihan ng Doctors Without Borders ang pagtaas ng bilang ng mga hindi nakararating sa aming mga klinika para para magpakonsulta at kumuha ng kanilang mga gamot para sa HIV.

    Ang hindi nila pagpunta ay nangangahulugan na wala silang makasagip-buhay na gamot, nalalagay sa panganib ang kanilang kalusugan, at maaari silang magkaroon ng drug resistance o ng mga impeksyon.

    Sa estado ng Rakhine, ang pagpapatuloy ng mga labanan pagkatapos pumalya ang ceasefire noong Nobyembre ay naging sanhi ng pagtigil ng pagtakbo ng mga mobile clinic ng Doctors Without Borders kung saan ang aming mga team ay gumagamot ng 1,500 na pasyente kada linggo. 

    Dahil sa mga harang sa daan , mga pangkalahatang pagpipigil sa paglalakbay, at  dahil sa mga aktibong labanan sa mga lugar kung saan pinapatakbo namin ang mga klinika, naging imposible para sa mga team ng Doctors Without Borders na magbigay ng suporta para sa emergency referrals ng mga pasyenteng may malubhang karamdaman.

    Anim na buwan pa lang ang nakararaan  matapos salantain  ng isang matinding bagyo ang estado. Ang mga komunidad ay hindi pa nakakabangon mula sa pangyayaring ito.
     

    A view of A Nout Ye IDP camp in Pauktaw, Rakhine State, Myanmar on the 21st June, over one month since Cyclone Mocha. © MSF

    Ang A Nout Ye IDP camp sa Pauktaw, Rakhine State, pagkatapos tamaan ng Cyclone Mocha nung Mayo. Myanmar, Hunyo 2023.

    Sa estado ng Kachin, bagama’t ang nasaksihan naming karahasan nitong mga nakaraang ilang linggo ay humupa na sa ngayon, sinasabi ng mga pasyenteng bumabalik sa aming mga klinika para sa sexual and reproductive healthcare services at HIV/TB care na natakot silang bumiyahe dahil sa panganib ng karahasan sa daan, at dahil sa pangamba na matitiyempuhan sila ng mga airstrike at pagbobomba. 

    Noong Setyembre 25, isang team ng Doctors Without Borders na kinabibilangan ng apat na miyembro ay bumisita sa Hpakant General Hospital sa Kachin upang maghanda ng espasyo bilang bahagi ng aming pagsuporta sa aming pangkat para sa HIV na inilipat sa lokal na awtoridad pangkalusugan. Biglang may mga armadong lalaking nagpaputok ng kanilang mga baril sa labas ng compound. Pagkatapos, pumasok sila sa loob ng ospital at nanakit ng isang pasyente. 
     

    The outside of MSF’s HIV clinic in Myitkyina, Kachin state

    Doctors Without Borders HIV clinic sa Myitkyina, estado ng Kachin. Myanmar, 2021.

    Nasasaksihan natin ngayon ang hindi katanggap-tanggap na pagsasawalang-bahala sa pagprotekta ng imprastraktura ng ospital. Habang patuloy ang pagdami ng mga pangangailangang medikal at humanitarian sa bansa, pinapakiusapan namin ang lahat ng sangkot sa alitan na tiyaking ligtas ang mga pasyente at mga healthcare worker sa mga lugar kung saan may alitan, at pahintulutan kaming marating nang ligtas at walang hadlang ang mga taong naiwan nang walang mga makasagip-buhay na serbisyo habang ang kanilang mga komunidad ay naiipit sa gitna ng labanan.
     

    Doctors Without Borders: Medical facilities, patients and healthcare workers must be protected as conflict escalates across Myanmar (Burmese) 16 November 2023

    Doctors Without Borders: Dapat protektahan ang mga medical facilities, pasyente at healthcare workers (sa salitang Burmese) 

    Medical facilities, patients and healthcare workers must be protected (statement in Burmese) 16 November 2023

    Doctors Without Borders: Dapat protektahan ang mga medical facilities, pasyente at healthcare workers (sa salitang Burmese) 

    Categories