Ang paglala ng alitan sa pagitan ng Bangladesh at Myanmar sa border area
Naghahanda ang isang team ng Doctors Without Borders sa Kutupalong Hospital upang magbigay ng paggamot sa mga pasyenteng nasaktan dahil sa mga panibagong insidente ng karahasan sa mga border area sa pagitan ng Myanmar at Bangladesh. Bangladesh, Pebrero 2024. © Jan Bohm/MSF
Mula Pebrero 4, 27 na tao na ang ginamot ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) sa Cox’s Bazar, Bangladesh, para sa mga tinamo nilang pinsala mula sa pamamaril o sa sugat mula sa shrapnel. Labing-anim na pasyente ang nasa kritikal na kondisyon, at isang pasyente ang namatay pagdating pa lang sa ospital.
Ang lahat ng mga pinsalang tinamo ng 27 na pasyenteng iyon ay may kaugnayan sa mga panibagong insidente ng karahasan sa mga border area sa pagitan ng Myanmar at Bangladesh. Ang mga refugee camp sa Cox’s Bazar, tahanan ng halos isang milyong mga Rohingya ay malapit sa lugar ng alitan at maririnig ang pamamaril dito sa di kalayuan.
Ang pagkawala ng seguridad sa border ay nakababahala, dahil kahit hindi nito tuwirang maapektuhan ang mga komunidad sa border, maaari rin nitong palalain ang kalusugang pangkaisipan ng mga residente ng kampo sa Bangladesh na tumakas mula sa karahasan at humaharap sa tumitinding kaguluhan sa loob ng kampo nitong mga nakalipas na taon.
Patuloy ang pagbibigay ng Doctors Without Borders ng pangangalaga sa sinumang nangangailangan nito, batay sa kanilang medikal na kondisyon. Nitong mga nakaraang araw, kinailangan naming maggamot ng mas maraming taong nagtamo ng mga pinsala dahil sa karahasan na dumadagdag pa sa mga karaniwang isyung medikal na nakaugnay sa kondisyon ng pamumuhay at sa karahasan sa mga Rohingya refugee camp. Nananatiling handa ang Doctors Without Borders na dagdagan ang kanilang suporta kung kinakailangan.
Sa sampung pasilidad sa Cox’s Bazar, ang aming mga team ay nagpapatakbo ng iba’t ibang serbisyo upang tugunan ang ilan sa mga napakaraming pangangailangang pangkalusugan ng mga Rohingya refugee na nakatira sa mga kampo, at pati na rin ang dumadaming bilang ng mga pasyenteng dati nang naroon sa komunidad. Kabilang sa mga aktibidad na ito ang pangkalahatang pangangalagang pangkalusugan, paggamot sa mga talamak na sakit, psychosocial support, at pangangalaga sa kalusugan ng mga kababaihan. Ang Doctors Without Borders ay nananatiling isa sa mga pangunahing tagapagbigay ng medical humanitarian assistance sa walang estadong Rohingya, na halos isang milyon sa kanila ay nakatira sa pinakamalaking refugee camp sa buong mundo, sa Cox’s Bazar. Bagama’t ilang taon na ang nakalipas, ang mga tao’y nakatira pa rin sa mga siksikan at simpleng masisilungan na gawa sa kawayan. Sila’y nakasalalay nang husto sa aid at kakaunti ang taglay nilang pag-asa para sa kinabukasan.
Doctors Without Borders remains one of the main providers of medical humanitarian assistance to the stateless Rohingya, approximately one million of whom live in the largest refugee camp in the world, in Cox’s Bazar. Years after the initial emergency, people still live in the same overcrowded and basic bamboo shelters, almost entirely dependent on aid and with little hope for the future.