Skip to main content

    Mga Alaala ng Tahanan: Pagkatapos ng anim na taon, ang mga tumatagal na tagapaggunita ng mga pamilyang Rohingya

    Melwa

    Ang mga larawan ng pamilya ni Melua sa Myanmar. Sa mga larawang kupas na, makikita natin si Melua na napapalibutan ng kanyang mga anak at apo. © MSF/Mohammad Hijazi

    Ang mga Rohingya ay mga Muslim na kabilang sa mga ethnic minority ng Myanmar. Nang mapilitan silang tumakas mula sa kanilang mga tirahan, iniwan nila ang lahat ng kanilang mga nalalaman at pinahahalagahan at naghanap sila ng matatakbuhan sa karatig-bansa na Bangladesh. Ngayon, may mahigit 925,000 na Rohingya na ang nakatira sa pinakamalaking refugee camp sa mundo, sa Cox's Bazar.

    Ito ang kuwento ng apat na pamilyang Rohingya, at ang mga pinahahalagahan nilang mga bahagi ng dati nilang buhay na dala-dala pa rin nila ngayon. Sa gitna ng kaguluhan na kaakibat ng biglang pagkawala ng tirahan, may mga bagay na nagsisilbing simbolo ng kanilang mga alaala, mga pangarap, at mga pag-asa para sa magandang kinabukasan. Nagbibigay ito ng sulyap sa dati nilang buhay, at kumakatawan sa katatagan at diwa ng isang komunidad na determinadong bumangong muli, kahit na nahaharap sa kani-kanilang mga natatanging hamon at pagsubok.

    Salamatullah, 42

    bgd

    Si Salamatullah, 42, isang Rohingya refugee, ay may hawak na basket na naglalaman ng lahat ng mga pag-aaring dinala niya mula sa Myanmar at binitbit sa dalawang araw niyang paglalakbay patungong Bangladesh. Nasa basket ang mga pangunahing pangangailangan niya sa paglalakbay, gaya ng pagkain, tubig, at damit. © MSF/Mohammad Hijazi

    Noong 2017, dalawang buwan bago lumala ang karahasan, mabilis na nagpasya si Salamatullah, 42. Dahil laganap ang mga banta ng pag-aaresto, nagdesisyon siyang iwan ang karamihan sa kanyang mga pag-aari at lisanin ang Myanmar. Nagdala lang siya ng ilang mahahalagang bagay gaya ng mga larawan ng kanyang pamilya, legal na dokumento, kumot, lalagyan ng pagkain, at isang basket na paglalagyan ng lahat ng kanyang gamit.

    bgd

    Ang basket na dala ni Salamatullah mula sa Myanmar. Sa loob nito’y may kumot, isang lalagyan ng pagkain, at ang kanyang mga opisyal na dokumento. © MSF/Mohammad Hijazi

    "Ito lang ang mga nakuha ko, dahil sa pagmamadali.  Sa mga larawang iyan ako humugot ng lakas noong dalawang araw na iyon (ng paglalakbay)," kuwento niya.

    Ang legal na dokumentong dala niya ay may sariling kuwento rin.  "Kinailangan kong magbayad ng piyansa upang makalaya mula sa kulungan,” paliwanag ni Salamatullah. Ang tinutukoy niya ay isang di makatwirang sentensiya sa kanya noon.  "Dinadala ko iyan bilang pagpapaalala na minsan, may mga hamon tayong kailangang pagdaanan kahit wala namang makatwirang dahilan para danasin natin iyon."

    Salamatullah, 42

    Hawak ni Salamatullah, 42, ang isang dokumento para sa paglaya niya mula sa pagkakakulong.  Ito’y mahahawakang paalala noong minsang napatawan siya ng di-makatwirang sentensya sa Myanmar. "Kinailangan kong magbayad ng piyansa upang makalaya," kuwento niya. Ang dokumentong ito ay testamento sa mga hamong hinarap niya, na kadalasa’y walang makatwirang dahilan. © MSF/Mohammad Hijazi

    Mag-isa lang si Salamatullah noong siya’y naglakbay, at ang kanyang asawang si Subitara ay sumunod na lamang kasama ng kanilang tatlong anak. Nagkasama uli sila sa kampo, pagkatapos ng kanya-kanyang mapanghamong karanasan.

    Salamatullah, 42, alongside his wife, Subitara, 35, and their son, Mohammad Kawsar, 5, portrays a family bond that withstood separation. Initially embarking on individual journeys out of Myanmar, they found unity once more in the camp at Cox's Bazar, Bangladesh.

    Katabi ni Samatullah, 42, ang kanyang asawang si Subitara, 35, at ang kanilang anak na si Mohammad Kawsar, 5. Ang kanilang pagkakabuklod bilang pamilya ay hindi nawala gayong sila’y matagal nagkahiwalay. Bagama’t magkahiwalay silang bumiyahe paalis ng Myanmar, muli silang nagkaisa sa kampo sa Cox's Bazar, Bangladesh. © MSF/Mohammad Hijazi

    Sa kampo’y maraming inaalala si Salamatullah. Madalas niyang ipinapahayag na hindi niya alam kung makakabalik pa sila sa kanilang tahanan. "Sa bawat araw na lumilipas, patanda ako nang patanda, at wala pa ring katiyakan ang lahat, " sabi niya. Ang pinakainaalala niya ay ang kanyang mga anak. “Hindi ako makatulog sa kaiisip tungkol sa kinabukasan ng aking mga anak.  Higit sa lahat, nais kong magkaroon sila ng pagkakataong makakuha ng mabuting edukasyon at makamit nila ang mga kalayaang nararapat sa kanila."

    Abdulshakour, 43

    MSF/Mohammad Hijazi

    Dati, ang buhay ni Abdulshakour, isang 43 taong gulang na ama ng pitong bata, ay umiinog sa pamilya niya at sa trabaho. Pero ang lahat ng iyon ay nagbago dahil sa mga kaganapan noong Agosto 25, 2017. Sa larawang ito, nakaupo siya at nakatayo sa kanyang tabi ang kanyang anak, dala-dala ang mga bag na naglalaman ng konting mga pag-aaring nadala nila mula sa kanilang dating tahanan. © MSF/Mohammad Hijazi

    Sa Myanmar, ang ikinabubuhay ng 43 taong gulang na si Abdulshakour ay pangingisda. Gamit ang lambat, nangingisda siya sa ilog at dinadala niya nang kanyang mga nahuli sa mga palengke sa kanilang lugar. Pito ang kanyang anak, at ang buhay ni Abdulshakour noon ay umiinog sa pamilya niya at sa trabaho. Pero ang lahat ng iyon ay nagbago dahil sa mga kaganapan noong Agosto 25, 2017.

    Nang pumutok ang mga labanan sa paligid nila, at pinuntirya ang mga malalapit na barangay sa kanilang lugar, nataranta ang lahat at nagkagulo. "Nagkukumahog ang lahat upang makatakas," salaysay ni Abdulshakour. Sa gitna ng kaguluhan, nagkahiwalay sila ng kanyang pamilya sa loob ng dalawampu’t limang nakapanghihinang araw.  Nagkasama lang silang muli sa bangka patungong Bangladesh.

    MSF/Mohammad Hijazi.

    Hawak ni Abdulshakour ang numero na dating nakakabit sa kanilang bahay sa Myanmar, isang alaala ng dati nilang buhay. Sa tabi niya, hawak naman ng kanyang anak ang kanyang lambat, sagisag ng dati nilang ikinabubuhay. © MSF/Mohammad Hijazi

    Dahil sa mga kondisyon ng kanilang pagtakas, pinayuhan ang mga taong magdala lamang ng isang mahalagang bagay. Malinaw agad kay Abdulshakour na ang dadalhin niya ay ang kanyang lambat. "Naisip kong magagamit ko iyon dito," sabi niya. Ngunit nagtamo siya ng pisikal na kapansanan na naging hadlang upang siya’y makapangisda sa kanilang bagong tinitirhan.

    I believed it would be useful here in Bangladesh," remarks Abdulshakour, as his son displays the fishing net he once used. As a fisherman in Myanmar, selling his catch at local markets.

    Ipinapakita ng kanyang anak ang lambat na dating ginagamit ni Abdulshakour. Bilang mangingisda sa Myanmar, dinadala niya ang kanyang mga nahuli sa mga palengke sa kanilang lugar. © MSF/Mohammad Hijazi

    Sa refugee camp ay kailangan nilang harapin ang mga bagong hamon."Mula noon ay ganito na ang sukat ng kampo, ngunit ang populasyon dito ay lumobo na mula noong 2022,"sabi niya. Minsan, upang madagdagan ang sustansya ng kanilang kinakain, ibinibenta ng mga pamilya ang kanilang mga rasyong gulay upang maiba naman ang kanilang kakainin.  "Hindi puwedeng lagi na lang isda," dagdag ni Abdulshakour habang idinidiin ang pangangailangan na iba’t iba ang nakukuhang sustansya sa pagkain.  Lalong bumigat ang ganitong mga alalahanin nang isinilang ang kanilang bunsong anak sa ilalim ng ganitong mga kondisyon.

    Sa gitna ng lahat, ang numero na dating nakakabit sa kanilang bahay sa Myanmar ay itinatago pa rin niya, isang koneksyon sa buhay niyang naantala. Ito ang nag-uugnay sa kanya at sa kanyang mga alaala ng dati niyang buhay.

    A close-up of the house number in Abdulshakour's hands, a cherished keepsake he holds onto in the hope of returning to his home in Myanmar one day.

    Isang larawan ng mga kamay ni Abdulshakour na hawak ang numero na dating nakakabit sa kanilang bahay, isang itinatanging tagapaggunita na pinanghahawakan niya sa pag-asang balang araw, makakabalik pa siya sa Myanmar. © MSF/Mohammad Hijazi

    Nakakausap pa ni Abdulshakour ang kanyang dalawang bayaw na naiwan sa Myanmar, kaya’t alam niya ang mga kaganapan doon at ang mga ipinagbabawal sa kanila. Gayunpaman, hindi nawawala ang kanyang pagmamahal sa kanyang bayang sinilangan. "Hinahangad kong makitang muli ang aking bayan at ang aking pamilya," sabi niya, isang sentimyentong marami ang nakakaramdam, "at hindi ako nawawalan ng pag-asang makakabalik kami."

    Melua, 65

    Melua, 65, made the tough decision to leave her home in Myanmar due to increasing violence. Looking back on the hurried departure, she says, "In the urgency of it all, I grabbed a few essential documents and our family portraits: my daughter's birth certificate and a family photo. I even left behind clothes that I had freshly washed."

    Dahil sa pagtindi ng karahasan, nagpasya si Melua, 65, na lisanin ang kanyang tahanan sa Myanmar. Sa pagbabalik-tanaw sa kanyang dali-daling pag-alis, sabi niya, "Sa pagmamadali, iilang mga mahahalagang dokumento lang at isang larawan ang aking nasunggaban: ang birth certificate ng aking anak at isang larawan ng aking pamilya. Kahit ang mga bagong laba naming damit ay naiwan." © MSF/Mohammad Hijazi

    Sa edad na 65, nalaman ni Melua na may malaking pagbabago sa kanilang mundo. Dahil sa lumalalang tensyon, nagdesisyon ang kanilang pamilya na lisanin ang kanilang tahanan at lumikas sa kampo ng Eid Al Adha noong 2017. Noong hinarap niya ang mabigat na desisyon kung ano lang ang dadalhin niya, natatandaan ni Melua, "Sa pagmamadali, iilang mga mahahalagang dokumento lang at isang larawan ang aking nasunggaban: ang birth certificate ng aking anak at isang larawan ng aking pamilya. Kahit ang mga bagong laba naming damit ay naiwan."

    Melua, 65, holds dear the few belongings she was able to bring with her when she fled her home in Myanmar. Among them are these precious photographs of her family.

    Hawak ni Melua, 65, ang iilang pag-aari na nadala niya mula sa kanilang tahanan sa Myanmar. Kabilang rito ang itinatanging larawan ng kanyang pamilya. © MSF/Mohammad Hijazi

    Ang batayan ng pagpili ni Melua ay ayon sa pinaniniwalaan niyang magagamit nila sa kanilang bagong tirahan. Ang mga dokumento ay hindi lang sumasagisag sa kasaysayan ng kanilang pamilya, ngunit maaari ring makatulong sa walang katiyakan nilang hinaharap. Ibang-iba na ang kanilang buhay – ang dating mapayapang mga araw ay napalitan ng masidhing karahasan.

    Tandang-tanda pa niya ang kanilang buhay noon sa Myanmar. Malinaw sa kanyang isipan ang mga larawan ng mga haligi ng kanyang bahay, ang kanilang bakod, ang lupaing pag-aari niya, ang mga alaga niyang manok, at ang kanyang paboritong lugar na kinakainan. Kapag nababanggit ang kanyang lupang sinilangan, siya’y nagiging emosyonal. "Mahirap pag-usapan ito nang hindi ako naiiyak," pag-aamin niya.

    A close-up of Melua's family portraits from Myanmar. The faded and worn photos show Melua surrounded by her sons, daughter, and grandchildren

    Hawak ni Melua ang Household Registration Card, na inisyu ng Myanmar Immigration and Population Department. Nakalista rito ang detalyadong impormasyon tungkol sa mga miyembro ng kanyang pamilya. Ito'y karaniwang hawak ng mga Rohingya, bilang paraan upang makumpirma ang kanilang nasyonalidad." © MSF/Mohammad Hijazi

    Ngunit ang pagbabalik niya sa Myanmar ay nakasalalay sa ilang kondisyon. "Para pag-isipan namin ang pagbalik," paliwanag niya, "kailangan nilang tiyakin ang aming kaligtasan na hindi kami makararanas ng diskriminasyon, magkakaroon kami ng mga karapatan bilang mga mamamayan, at bibigyan ng mga oportunidad ang mga susunod na henerasyon—lalo na ng access sa edukasyon." Para sa mga lumikas, ang pag-asang ito ng isang mas magandang kinabukasan at edukasyon para sa kanilang mga anak ang siyang magbibigay sa kanila ng lakas upang magpatuloy.

    Melwa, 65, a Rohingya refugee, in MSF's Kutupalong field hospital in Cox's Bazar, Bangladesh. She fled her home in Myanmar in 2017 and has been living in the camp ever since. She comes to the hospital to collect her medication.

    Si Melua, 65, ay isang Rohingya refugee na nasa Kutupalong field hospital ng MSF sa Cox's Bazar, Bangladesh. Tumakas siya mula sa Myanmar noong 2017 at simula noon ay nakatira na sila sa kampo. Pumupunta siya sa ospital para kumuha ng gamot. © MSF/Mohammad Hijazi

    Habibullah, 52

    Habibullah, 52, sits, holding a bag with his essential documents: identification, official certificates, and driver's license.

    Nakaupo si Habibullah, 52, hawak ang isang bag na naglalaman ng kanyang mahahalagang dokumento: ID, opisyal na mga sertipiko, at lisenya sa pagmamaneho. © MSF/Mohammad Hijazi

    Sa Myanmar, si Habibullah, 52, ay nagtrabaho bilang drayber ng ferry na nagdadala ng mga pasahero mula sa magkabilang pampang. Ama siya ng dalawang babae at apat na lalaki. Naalala pa niya noong may katatagan pa ang buhay nila, hanggang 2017 –ang taon kung kailan nabulabog ang lahat.

    Nang dumami ang insidente ng karahasan, ang mga sibilyang gaya ni Habibullah ang naiipit sa kaguluhan. "Pinuntirya nila ang aming mga barangay," kuwento niya nang mabigat ang kanyang kalooban. "Hindi na ligtas para sa amin ang manatili roon. Wala na kaming magagawa kundi ang lumisan. Kung hindi kami aalis, manganganib ang aming buhay." Dahil mayroon lang silang ilang araw upang gumawa ng desisyong makakapagpabago ng kanilang buhay at papalapit na ang mga matitinding labanan, pansamantalang namalagi sina Habibullah at marami sa kanyang mga kapitbahay sa bundok.

    Habibullah, 52, wears the only jacket he took with him during his journey from Myanmar to Bangladesh.

    Suot ni Habibullah, 52, ang tanging dyaket na dala-dala niya nang bumiyahe siya mula Myanmar patungong Bangladesh. © MSF/Mohammad Hijazi

    "Dinala kami malapit sa ilog sa may hangganan ng Bangladesh, halos 50 milya ang layo," sabi ni Habibullah. "Nagtago kami at narinig namin ang mga nakakakilabot na mga nagpuputukang baril, paalala ng panganib na nakapalibot sa amin." Marami sa kanila ang nagkahiwa-hiwalay, ngunit nagkita-kita rin silang muli sa refugee camp.

    Sa kabila ng mga malalagim na kaganapan, naisip ni Habibullah na mahalagang may pinanghahawakang mga dokumento at ID gaya ng lisensiya sa pagmamaneho. "Sa mga ganitong pagkakataon, ito ang patunay ko ng aking pagkakakilanlan," sabi niya. Dahil alam niya ang mga posibleng balakid sa ibang bansa, napagtanto niya na kritikal ang mga dokumento sa pagpapakita ng kanyang pinagmulan at tinitiyak nito ang seguridad niya sa di-pamilyar na kapaligiran.

    Looking ahead, Habibullah expresses a deep longing for his homeland. "If the situation improves in Myanmar, I will definitely return. Who wishes to leave their country? Who desires to be stateless, without any recognition?" His voice carries the weight of nostalgia, "I miss everything about Myanmar - my family, my yard, my cattle, my home, and the graves of my parents."

    Nilatag ni Habibullah ang kanyang mga dokumento: ang kanyang refugee ID card, Household Registration Card, mga official certificate, at ang kanyang driver's license. Ang mga papeles na ito ang tanging patotoo ng kanyang pagkakakilanlan. © MSF/Mohammad Hijazi

    Sa hinaharap, nagpahayag si Habibullah ng kagustuhang makita muli ang kanyang lupang sinilangan. "Kung bumuti ang sitwasyon sa Myanmar, siyempre babalik ako. Sino ba naman ang may gustong lisanin ang kanilang bansa? Sino ang nagnanais na maging taong walang estado, walang kumikilala?” Maririnig sa kanyang boses ang nostalgia, "Namimiss ko ang lahat ng may kaugnayan sa Myanmar – ang aking pamilya, ang aking bakuran, ang mga alaga kong baka, ang aking tirahan, at ang mga puntod ng aking mga magulang."

    Habibullah holds his driver's license alongside a family photo, tangible memories of the life he once had in Myanmar and among the select items he carried during his departure.

    Hawak ni Habibullah ang kanyang lisensiya sa pagmamaneho, at isang larawan ng kanyang pamilya, mga mahahawakang alaala ng dati niyang buhay sa Myanmar. Kabilang ang mga ito sa napili niyang dalhin nang lisanin niya ang bansa. © MSF/Mohammad Hijazi

    Habibullah, 52, holds up his driver's license. In Myanmar, he earned a living as a driver, transporting passengers from place to place. "I brought the documents to prove our origins, thinking they might ask for them," he says.

    Itinaas ni Habibullah, 52, ang kanyang lisensiya sa pagmamaneho. Sa Myanmar, naghanapbuhay siya bilang drayber, nagdadala ng mga pasahero sa iba’t ibang lugar. "Dinala ko ang mga dokumentong ito upang patunayan ang pinanggalingan namin, inisip ko na baka hingan ako ng mga dokumentong iyan," sabi niya. © MSF/Mohammad Hijazi

    Sa pagdating ng marami pang mga Rohingya sa mga kampo, patuloy ang paagbibigay ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) ng medical humanitarian assistance. Mula pa noong 1985 kumikilos ang Doctors Without Borders sa Bangladesh, at mula 2009 naman sa Cox’s Bazar, kung saan itinayo ang Kutupalong field hospital upang magsilbi sa mga refugee at pati na rin sa lokal na komunidad. Sa pagdating ng napakaraming Rohingyang tumakas mula sa karahasan sa Myanmar noong 2017, pinalaki ng Doctors Without Borders ang mga aktibidad nito sa Bangladesh upang matugunan ang dumadaming pangangailangang pangkalusugan. Pagdating ng 2019, ang pinagtuunan na ng Doctors Without Borders ay ang pangmatagalang pangangalagang pangkalusugan upang tugunan ang mga talamak na sakit gaya ng altapresyon at diabetes.

    Sina Salamatullah, Abdulshakour, Habibullah, at Melua ay sumasagisag sa hind mabilang na mga refugee na pinahahalagahan ang kanilang iilang pag-aari bilang mga simbolo ng kanilang lakas, katatagan, at kaugnayan sa kanilang nakaraan. Patuloy pa rin ang kanilang mapanghamong paglalakbay. Bitbit ang kanilang mga natatanging pag-aari at mga alaala, sila’y matiyaga pa ring umaasa.