Skip to main content

    Khartoum: Nanganganib ang pagbibigay ng tulong dahil nahaharap pa rin ang Doctors Without Borders staff sa mga pambubugbog, mga banta sa kanilang buhay, at mga pagnanakaw

    MSB90757_flag
    Pagkatapos magtalo tungkol sa mga dahilan kung bakit nasa bansa ang Doctors Without Borders, pinagmalupitan ng mga armadong kalalakihan ang aming team. Pinagbubugbog sila at hinagupit pa, at ikinulong ang isa sa mga drayber namin. Pinagbantaan muna ang buhay niya bago siya pinakawalan. Pagkatapos ay ninakaw nila ang aming sasakyan. Dahil sa insidenteng ito, naglabas ng babala ang  Doctors Without Borders na ang mga aktibidad ng organisasyon sa nabanggit na ospital ay nanganganib mahinto kung hindi magagarantiyahan ang kaligtasan ng aming staff, pati na rin ng aming mga pasyente.
    Christophe Garnier, emergencies manager

    Ang Turkish Hospital ay isa sa dadalawa lamang na ospital na nananatiling bukas sa buong southern Khartoum. Ang dalawang ospital na ito ay parehong sinusuportahan ng Doctors Without Borders. Ang Doctors Without Borders ay isa sa iilang pandaigdigang medical humanitarian organisations na naririto pa rin, sumusuporta sa mga ospital sa east Khartoum at Omdurman, bukod pa sa south Khartoum. Tinutulungan ng Doctors Without Borders ang Ministry of Health upang di tuluyang bumagsak ang kanilang naghihingalong sistema ng pangangalagang  pangkalusugan. Ngunit, pagkatapos ng nangyari kahapon, at ng iba pang magkakasunod na insidente bago iyon, hindi maiiwasang maisip ng organisasyon na ang pagpapatuloy ng suporta ay maaaring di na posible.  

    Nangyari ang insidente sa lugar na 700 metro lang ang layo mula sa Turkish Hospital, kung saan daan-daang pasyente–kasama rito ang mga bata–ay kasalukuyang ginagamot. Kahapon lang ay tumanggap kami ng 44 na pasyenteng nasaktan dahil sa isang airstrike. Tatlo’t kalahating linggo naman na ang nakararaan nang nakatanggap na naman kami ng malaking buhos ng mga taong nasaktan matapos tumindi ang labanan sa may headquarters ng Central Reserve Police.  

    Araw-araw, tumatanggap ang ospital ng mga 15 pasyenteng nasaktan dahil sa digmaan, nagsasagawa ng mga operasyong nakakasagip ng buhay, at nagpapahaba ng buhay ng mga may talamak na sakit. Nagtatrabaho ang aming mga team 24 oras sa gitna ng matitinding kondisyon upang gamutin ang lahat ng nangangailangan ng pangangalaga, ngunit pagtapak nila sa labas ng ospital, sasalubungin sila ng pisikal na pananakit at pang-aabuso.

    Simula noong nag-umpisa ang alitan dito, mahigit 1,600 na pasyenteng nasaktan sanhi ng digmaan ang nagamot ng Doctors Without Borders sa Khartoum. Nais sana naming ipagpatuloy ito. Ngunit dahil sa dramatikong paglala ng seguridad nitong nakaraang ilang linggo, hindi na tiyak kung dapat pa kaming manatili sa Turkish Hospital.

    Categories