Skip to main content

    Gaza: Sa pagwawakas ng ultimatum na ibinigay sa populasyon, nananawagan ang Doctors Without Borders sa mga awtoridad ng Israel na maging makatao

    Destruction in Gaza. Palestine, October 2023. © Mohammed ABED

    Palestinian Territories, Oktubre 2023. © MSF

    Dahil sa walang humpay na pambobomba ng hukbong Israeli sa Gaza Strip nang tuloy-tuloy sa loob ng isang linggo, nanawagan kaming magpakita man lang sila ng kahit pinakasimpleng pagtrato sa kapwa bilang tao. 

    Ang pag-utos sa halos 1.1 million na tao na lumikas sa  loob lamang ng ilang oras tungo sa isang teritoryong siksikan na sa dami ng mga tao, at kung saan wala silang tiyak na access sa pagkain, tubig at pangangalagang pangkalusugan ay baligho at hindi katanggap-tanggap. Nasasaksihan ng aming mga team kung paanong nagiging mahirap nang makakuha ng malinis na iinuming tubig sa timog ng Gaza Strip, at ang hirap na ito ay nakakadagdag sa pagkabalisa ng populasyon. Nananawagan ang Doctors Without Borders na ibalik ang sapat at agarang access sa inuming tubig ng populasyon ng Gaza Strip.

    Katatapos lang ng isang humanitarian corridor na pinahintulutan ng mga awtoridad na Israeli sa loob ng ilang oras sa hilagang bahagi ng Gaza. Nag-aalala kami sa kahihinatnan ng mga taong di makagalaw, gaya ng mga sugatan, mga may sakit, at ang medical staff na pinangangambahan naming mawawala lahat, kung ang pagbabasehan natin ay ang mga pahayag ng mga opisyal na Israeli.

    Nananawagan ang Doctors Without Borders para sa pagpapanatili ng mga safe zone sa hilaga, at para sa mga regular na ceasefire.

    Nais din naming bigyan nila ng pansin ang posibilidad ng paglikas nang ang daan ay sa Rafah crossing, kung sinumang gustong gumawa nito, at nang hindi siya tatanggalan ng karapatang bumalik kung gugustuhin niya. Pinalilikas na rin ng Doctors Without Borders ang mga Palestinian staff nitong nais nang umalis.

     

    Susuportahan mo ba ang aming emergency response?

    Tulungan kaming makapagbigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal sa mga emergency sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.

    Categories