Skip to main content

    Gaza: Nagdadala ang kakulangan ng malinis na tubig ng sakit at pagdurusa

    A Doctors Without Borders water and sanitation staff, oversees a water distribution for displaced people in the southern Gaza town of Rafah’s Saudi neighborhood. Palestinian Territories, February 2024. © Mohammed Abed

    Pinangangasiwaan ng isang Doctors Without Borders water and sanitation staff ang pamamahagi ng tubig para sa mga taong nawalan ng tirahan sa timog na bahagi ng Gaza, sa kapitbahayan ng Saudi sa bayan ng Rafah. Palestinian Territories, Pebrero 2024. © Mohammed Abed

    Isang bulag na lalaki ang tinutulungan ng kanyang anak na babae. Ginagabayan ng bata ang kanyang ama sa daan, habang buhat-buhat nito ang tubig. Dalawang kilometro ang nilakad nila para makarating rito, dahil walang malinis na tubig sa Al-Mawasi, isang lugar sa baybayin kung saan sila naninirahan.

    A group of displaced Palestinians waits in front of Abed Al-Salam Yassin company in the Tal Al-Sultan area of the southern Gaza town of Rafah. Palestinian Territories, February 2024. © Mohammed Abed

    Naghihintay ang isang grupo ng mga Palestinong nawalan ng tirahan sa harap ng kumpanya ng Abed Al-Salam Yassin sa Tal Al-Sultan, isang lugar sa bayan ng Rafah sa timog ng Gaza. Upang tugunan ang mga pinakamahalagang pangangailangan ng mga taong nawalan ng tirahan sa Rafah, nagsimula ang aming mga team ng programa para sa pamamahagi ng tubig noong Disyembre 2023. Palestinian Territories, Pebrero 2024. © Mohammed Abed

    Apat na buwan matapos mag-umpisa ang digmaan sa Gaza, kakaunting na lang ang mga imprastruktura at tubo ng tubig na hindi naapektuhan ng mga walang humpay na airstrike sa enclave. Ayon sa UNICEF, hindi bababa sa kalahati ng water and sanitation facilities sa Gaza ang napinsala o nawasak, habang iniulat naman ng UNWRA na mga 70% ng populasyon ng Gaza ang umiinom ng salinized o kontaminadong tubig.

    Ang mga Palestino sa Rafah na nasa hangganan ng Ehipto – na dati’y isang bayan na may populasyon na 300,000 lamang, ngunit ngayo’y tirahan na ng 1.5 milyong taong lumikas mula sa iba’t ibang bahagi ng Gaza – ay nagpupunyaging makahanap ng malinis na tubig para inumin, gamitin sa pagluluto, at sa paglilinis ng katawan. Ang mga kondisyon ng pamumuhay ng mga tao rito ay desperado – resulta ng pagsisiksikan at kakulangan ng malinis na tubig, mga palikuran, mga paliguan, at mga sewerage system. Pinapalala pa ng malamig na panahon ang mga kondisyong ito.

    Trangkaso, mga sakit sa balat, pagdudumi (diarrhea)

    “Napansin namin na dahil sa kakulangan ng malinis na tubig para inumin at gamitin sa ibang mga gawain, karamihan sa mga pasyente ay nagkakaroon ng mga intestinal disorder at nasasagap ang flu virus na kasalukuyang lumalaganap,” sabi ni Mohammad Abu Zayed, ang health promotion manager ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF). “Kamakailan lang, napansin din naming may mga batang nagkakaroon ng mga pantal sa balat dahil sa kakulangan ng malinis na tubig para sa pagligo o paghugas.”

    Ang iba pang mga panganib sa kalusugan ay dehydration at hepatitis A. Naapektuhan din ang pagluluto at personal hygiene, na nakakadagdag sa panganib ng impeksyon.

    Ang kakulangan ng malinis na tubig ay maaaring maging sanhi ng maraming sakit na maiuugnay sa kalidad ng tubig, gaya ng diarrhoea at mga sakit sa balat. Ngunit, kahit ang mismong kakulangan lang sa tubig na maiinom ay maaari nang mauwi sa dehydration. Mas malala ang mga epekto nito sa mga bata, dahil sa kanilang mahihinang immune system kaysa sa mga nakatatanda, at sila’y mas lantad din sa mga sakit at mga allergy.
    Marina Pomares, medical advisor sa Gaza

    Ang mga team ng Doctors Without Borders ay nagbibigay ng pangunahing pangangalagang pangkalusugan sa dalawang lugar sa Rafah. Hanggang noong Pebrero 2, halos 30% ng mga pasyenteng wala pang limang taong gulang na nagpatingin sa Shaboura clinic ng Doctors Without Borders at sa Al-Mawasi health post ay mayroong diarrhea o mga sakit sa balat

    Nitong mga nakaraang linggo, ang mga team ng Doctors Without Borders sa Rafah ay nakatanggap na rin ng 43 na pasyenteng pinaghihinalaang may hepatitis A. Ang lahat ng mga kondisyong medikal na ito ay maiuugnay sa kakulangan ng malinis na tubig, at pinalalala ng kakulangan ng pasilidad medikal sa kanilang lugar.

    Upang matugunan ang ilan sa mga pinakamahalagang pangangailangan ng mga taong nawalan ng tirahan sa Rafah, nagsimula ang mga team ng Doctors Without Borders ng programa para sa pamamahagi ng tubig noong Disyembre 2023. Ngayon, ang mga water and sanitation team ng Doctors Without Borders ay nagbibigay ng 110,000 litro na mga ligtas na inuming tubig kada araw sa humigit-kumulang 20,000 na tao. 

    Ngunit, ito’y hindi sapat. “Sa isang normal na sitwasyon, kailangan ng isang tao ng dalawa hanggang tatlong litro ng inuming tubig kada araw,” sabi ng water and sanitation agent ng Doctors Without Borders na si Youssef Al-Khishawi. “Ngayon, dahil sa kakulangan ng tubig, ang karaniwang natatanggap ng bawat pamilya na may anim na miyembro ay isang galon ng tubig (3.8 litro).”
     

    Palestinians in Rafah on the Egyptian border – once a town of 300,000, but now hosting 1.5 million displaced people from all over Gaza – struggle to find clean water for drinking, cooking or washing. Palestinian Territories, February 2024. © Mohammed Abed

    Ang mga Palestino sa Rafah na nasa hangganan ng Ehipto – na dati’y isang bayan na may populasyon na 300,000 lamang, ngunit ngayo’y tirahan na ng 1.5 milyong taong lumikas mula sa iba’t ibang bahagi ng Gaza – ay nagpupunyaging makahanap ng malinis na tubig para inumin, gamitin sa pagluluto, at sa paglilinis ng katawan. Palestinian Territories, Pebrero 2024. © Mohammed Abed

    Noong nagsimula ang digmaan, tumakas si Hanin mula sa kanyang tirahan sa siyudad ng Gaza at ngayo’y pansamantalang namamalagi sa Rafah. Gaya ng marami sa kanyang mga kapitbahay, nahihirapan siyang makakuha ng sapat na pagkain, tubig at iba pang mga pangangailangan. "Pumipila kami para makakuha ng tubig,” sabi niya. “Kung magkaroon kami ng pagkakataong makakuha ng tubig, gagamitin namin iyon para sa paglilinis at sa paghuhugas ng plato. At kapag hindi kami nakakuha ng tubig, maghihintay na lang kami sa susunod na araw.”

    Handa ang Doctors Without Borders na dagdagan ang ipinamamahaging tubig, ngunit sagabal dito ang iba pang mga kakulangan, gaya ng mga paghihigpit sa bilang ng trak na pinahihintulutang pumasok sa enclave upang magdala ng aid.

    Ang pangunahing hamon na aming hinaharap sa pamamahagi ng tubig ay ang kakulangan ng gasolina para sa mga water pump at para sa mga trak na magdadala nito. Ang pangalawang suliranin ay ang kakulangan ng madadaanan ng mga trak, dahil sa dami ng nakatayong tolda kahit sa aspalto. Ang pangatlong hamon ay ang kawalan ng water distribution points dahil kahit ang mga ito’y binomba. Wasak na ang mga tubo ng tubig, mga kalsada at mga imprastruktura.
    Youssef Al-Khishawi, watsan staff

    Muling nananawagan ang Doctors Without Borders para sa isang mapapanatiling ceasefire, na siyang tanging paraan upang makabalik ang mga tao sa kanilang mga tahanan sa Gaza. Nananawagan din kami para sa muling pagpapahintulot ng pagpasok at pagdagdag ng humanitarian aid sa Gaza upang matiyak na ang mga tao ay may access sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig at pangangalagang pangkalusugan.


    Will you support our emergency response work?

    Help us provide lifesaving medical care during emergencies by making a donation today.

    Categories