Skip to main content

    Gaza: Kinokondena ng Doctors Without Borders ang pagsasagawa ng mga Israeli ng mga airstrike sa kampo ng mga nawalan ng tirahan sa Rafah

    Displaced people walk between buildings destroyed by relentless violence and bombings in Gaza. Palestine, 6 May 2024.

    Naglalakad ang mga taong nawalan ng tirahan sa pagitan ng mga gusaling winasak ng walang humpay na karahasan at pambobomba sa Gaza. Palestine, 6 Mayo 2024. © MSF

    Sa gabi ng Mayo 26, naitalang may 180 na nasugatan at 28 na namatay sa Trauma Stabilization Point (TSP) na aming sinusuportahan sa Tal al Sultan, Gaza. Ito’y resulta ng mga airstrike ng mga puwersang Israeli sa isang kampong pinamamalagian ng mga taong nawalan ng tirahan, sa isang lugar na itinalagang safe zone ng Israel. Karamihan sa mga pasyenteng ginamot namin ay nagtamo ng mga pinsala mula sa mga shrapnel, fracture, traumatic injury at pagkasunog.  

    Ayon sa mga puwersang Israeli, kaunti lang ang mga sibilyang nasaktan sa kanilang pagsalakay. Ngunit ang bilang ng mga casualty sa mga airstrike na ito ay sumasalungat sa kanilang sinasabi. 

    Kasama sa mga taong dinala sa stabilization point ang mga kababaihan at mga bata. Muli, ang mga sibilyan ang nagbabayad para sa digmaang ito. Ang pagsalakay ng mga Israeli sa isang kampo kung saan maraming naninirahan at tinatawag na safe zone sa Rafah ay nagpapakita ng ganap na pagwawalang-bahala para sa buhay ng mga sibilyan ng Gaza.
    Samuel Johann, Emergency Coordinator

    “Bagama’t ang lahat ng mga pasyente ay nailagay sa maayos na kondisyon at naisangguni sa mga field hospital sa Rafah, walang nag-iisang pasilidad para sa pangangalagang pangkalusugan sa Gaza na kayang harapin ang isang mass casualty na kaganapang gaya nito. Ang sistemang pangkalusugan ay napahina na at hindi na nito kayang pasanin ang lahat ng mga kailangang gawin,” pagtatapos ni Johann.

    Iniulit namin ang aming panawagan para sa isang agaran at pananatiliing ceasefire. 

    Susuportahan mo ba ang aming emergency response?

    Tulungan kaming makapagbigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal sa mga emergency sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.

    Categories