Skip to main content
SA KASALUKUYAN Ebola sa DRC: Doctors Without Borders, pinalalaki ang pagtugon sa mabilis na nagbabagong anyo ng outbreak Magbasa pa

    Bangladesh: Ang mga malaking kakulangan sa pondo ay naglalagay sa mga refugee na Rohingya sa panganib ng krisis ng acute na malnutrisyon

    Portrait of a Rohingya woman living in the refugee camp in Cox's Bazar

    Larawan ng isang babaeng Rohingya na nakatira sa refugee camp sa Cox's Bazar. Bangladesh, March 2021. © Pau Miranda

    Nagbigay si General Director Vickie Hawkins ng pahayag matapos inanunsyo ang mga kakulangan sa pondo, na naging sanhi ng pagbabawas sa rasyon ng pagkain para sa mga Rohingya sa mga kampo sa Cox’s Bazar:

    "Habang ang epekto ng mga pagbabawas sa pondo para sa humanitarian sector ay patuloy na umaalingawngaw sa mundo, mahigit isang milyong mga refugee na Rohingya ang nananatili sa mga kampo sa Cox’s Bazar, Bangladesh. Nitong nakaraang linggo, ang World Food Programme ay naglabas ng nakababahalang anunsyo na binabalak nilang bawasan ang mga rasyon ng pagkain ng kalahati dahil sa kakulangan ng pondo. Ang pinag-uusapan natin dito ay mahigit isang milyong tao na walang estado, walang karapatang magtrabaho, walang pagmamay-aring lupa at walang legal na kapasidad upang kumita at makabili ng sariling pagkain.

    Kami’y lubhang nag-aalala na ang pagbawas sa mga rasyon ng pagkain ay magpapalala ng Rohingya refugee crisis at ng kawalan ng pag-asa na dati nang nadarama sa buong kampo. Alam namin kung ano ang ibinubunga ng kawalan ng pag-asa at ng pangangailangang mabuhay sa kampo—ang karahasan, at ang panganib ng pananamantala, partikular na sa mga kababaihan at sa mga bata. Marami sa mga refugee ang nagsasabing nangangamba silang lalala pa ang sitwasyon."

    Twin babies, who were born at home prematurely at 29 weeks, were admitted to MSF’s Goyalmara Hospital for neonatal care.

    Kambal na ipinanganak sa tahanan nila pagkatapos ng 29 na linggo lamang, na mas maaga kaysa inaasahan, ang tinanggap sa Goyalmara Hospital ng Doctors Without Borders para sa neonatal care. Bangladesh, June 2022. © Saikat Mojumder/MSF

    "Ang mga bata ay nanganganib mula sa permanenteng epekto ng stunting kung saan hindi na sila lumalaki dahil sa kakulangan ng pagkain, at sila rin ay madaling kapitan ng mga sakit dahil sa malnutrisyon. Ang mga nakatatanda, na karamihan ay nag-aalaga ng mga bata o ng mga pinakamatandang miyembro ng pamilya, ay malamang na maitulak sa mga negatibong paraan ng pagkaya gaya ng pagbabawas sa kinakain upang mas maraming mailaan sa ibang mga miyembro ng pamilya, o di kaya’y gumawa ng mga aktibidad na ilegal upang kumita.

    Ang anunsyong ito ay dumating sa panahong ang mga taong kararating lang sa mga kampo ay nakaasa na sa rasyon ng pagkain ng mga ibang tao upang mabuhay. Sabi nga ni Rahima, na kamakailan lang ay tumakas mula sa karahasan sa Myanmar at nakikitira sa mga kamag-anak sa kampo, 'Ako’y pasanin. Ibinabahagi pa nila ang kakaunti nilang pagkain sa akin.’

    Sabi ni Masuda, isa pa'ng babaeng Rohingya, kahit ngayon, palaging kulang ang rasyon na natatanggap ng pamilya niya."

    "Ang Rohingya ay nalagay sa sitwasyon ng donor dependency. Ang mga donor, mga pamahalaan, at mga pandaigdigang ahensya ay dapat magtulungan sa paghahanap ng mapupunan ng kakulangan sa pondo na (USD) $81 million. Nananawagan kami sa mga donor na mangakong magbigay ng mga emergency fund ngayong Abril upang makabili ng mahahalagang rasyon ng pagkain para sa mga refugee, sa mga pamahalaan na pabilisin ang pagbibigay ng panandaliang humanitarian aid upang matugunan ang mga kagyat na pangangailangan, at sa mga pandaigdigang ahensya na makipag-ugnayan sa mga ahensya para sa seguridad ng pagkain at ng nutrisyon upang tiyaking ang mga mapagkukunang-yaman ay itatalaga nang mabilis at may kalinawan.

    Alam naming sa araw na ito ay magiging mas mahirap pakilusin ang mga mapagkukunang-yaman. Ngunit, kailangang makahanap tayo ng paraan dahil ang pagkait ng humanitarian assistance mula sa isang populasyon na sadyang ginawang nakaasa na lang rito ay talagang hindi naaayon sa konsensya.”