Sudan: Kinokondena ng MSF ang pagsalakay sa isang ambulansiyang may sakay na nagdadalang-tao papuntasa ospital
Ambulansya ng Doctors Without Borders para sa mga referral mula sa Rokero health center hanggang Al-Fasher hospital. Ang byaheng ito ay tumatagal ng anim na oras.. © MSF
Ang mga pasahero nito, kabllang ang isang nagdadalang-tao na isinasangguni sa ospital para sa emergency treatment, ay pinagnakawan. Pagkatapos silang nakawan ay iniwan silna sa tabi ng kalsada sa isang liblib na lugar.
Ang apat na pasahero--ang pasyente, ang tagapangalaga,ang komadrona, at ang drayber--ay ligtas na. Pagkatapos silang matunton sa kanilang kinaroroonan, naipagpatuloy nila ang kanilang paglalakbay tungo sa ospital kung saan nakatanggap ang pasyente ng kaukulang lunas na lubos niyang kinakailangan.
Rokero Town, Jebel Marra, Darfur
Madiin naming kinokondena ang pagsalakay na ito sa pangangalagang pangkalusugan. Nakakagimbal na may sasalakay sa isang ambulansiyang may sakay na nagdadalang-tao sa ospital para sa emergency treatment. Sa kabutihang-palad, ang pasyente at ang sanggol sa kanyang sinapupunan ay walang tinamong pinsala mula sa karahasang ito. Napilitan ang Doctors Without Borders na tigilan ang pagsangguni ng mga kaso sa ospital ng Al-Fasher hangga’t di namin magagantariyahan ang kaligtasan ng aming mga pasyente at medical staff. Nananawagan kami sa lahat ng mga grupong nasa lugar na irespeto ang paghahatid ng lubos na kinakailangang medical humanitarian aid.Monica Camacho, Desk Manager-East Africa
Sa Rokero, isang bulubunduking lugar sa Jebel Marra, Darfur State nagbibigay ang Doctors Without Borders ng pangangalagang medikal sa isang ospital na pinapatakbo ng Ministry of Health ng bansa. Ang Doctors Without Borders ang nangangasiwa ng inpatient department, emergency, maternity at delivery rooms. Nagpapatakbo ang Doctors Without Borders ng observation room kung saan mababantayan ng medical staff ang mga pasyente, at ng inpatient therapeutic feeding centre para sa mga batang di nakakakuha ng sapat na nutrisyon. Ang mga nangangailangan ng mas kumplikadong pangangalagang medikal ay isinasanggguni sa Al-Fasher.