Press Release: Tigdas: Nananatiling Lubhang Nakahahawa, at Di Dapat Ipinagwawalang-Bahala
Tinutukan ng Infectious But Not Invincible campaign ng SEEAP project ang hepatitis C, tigdas at tuberculosis. Para sa bawat sakit, tinignan namin kung ano ba ito, ano ang sanhi at paano ito ginagamot, at paano ito tinutugunan ng Doctors Without Borders. © MSF
Sa pagpapatuloy ng banta ng COVID, nagbigay ng babala ang mga eksperto na maraming nakahahawang sakit ang nasasapawan at di na napagtutuunan ng pansin. Kabilang na rito ang tigdas, isang viral respiratory disease na lubhang nakahahawa, kahit na ikumpara sa COVID-19. Ang pangunahing naaapektuhan nito ay ang mga batang nasa murang edad.
Sa isang webinar na inorganisa ng Doctors Without Borders, sinabi ng Senior Technical Adviser for Measles and Rubella ng World Health Organisation (WHO) na si Dr Natasha Crowcroft na ang tigdas ay di nabibigyan ng atensyon dahil ang lahat ay nakatuon sa COVID-19. "Parang di na naiisip ng mga tao kung gaano kaseryoso ang tigdas, ipinagwawalang-bahala na ito,” sabi niya.
Hanggang 15 porsyento ng mga taong nagkakaroon ng tigdas ang namamatay mula sa mga kumplikasyon kapag sila’y nasa mga lugar kung saan salat sa mga pangunahing pangangailangan (halimbawa, sa refugee camps). Ngunit, mula noong 2016, tumataas na ang bilang ng mga namamatay dahil sa tigdas Umabot na ito sa 50 porsyento, at noong 2019 ay kumitil ito ng humigit-kumulang 207,500 na buhay. Indikasyon ito ng pagtaas ng mortality rate, kasabay ng malaking bilang ng mga kaso ng tigdas na naiulat—870,000. Ito ang pinakamataas na bilang ng mga may tigdas na naitala sa nakaraang 25 na taon. Nakakagulat, dahil may bakuna naman na makapipigil dito.
Ayon kay Crowcroft, bago nagsimula ang pandemya, may ilang rehiyon na nasa tamang daan tungo sa pagpuksa sa tigdas sa pamamagitan ng pagbabakuna, pero ngayo’y bumagal na ang galaw ng mga ito. “Nagsusumikap pa rin namang puksain ang tigdas, ngunit di ito mabilis maisasakatuparan at maaaring taon pa ang bibilangin bago ito magawa.Ang tigdas ay nakamamatay at hindi ito dapat ipagwalang-bahala," sabi niya. Nagbigay rin ng babala si Crowcroft na ang kakulangan sa pagbabakuna nitong nakaraang dekada at ang iba pang isyu tulad ng lumalalang problema ng malnutrisyon ay maaaring mauwi sa isang outbreak, posibleng sa buong mundo.” Kailangan nang kumilos, di lang ng mga pasilidad para sa pangangalagang pangkalusugan at medical workers,kundi pati na rin ang mga pinuno ng politika.”
Sumang-ayon naman si Dr Choi Kin-Wing, isang espesyalista sa mga nakakahawang sakit sa The Chinese University of Hong Kong (CUHK) Medical Centre, isang teaching hospital, na kailangan ng top-down approach sa pagkontrol ng tigdas dahil ang impeksyong ito’y walang kinikilalang hangganan. Ayon sa kanya, dahil lubhang nakakahawa ang tigdas, makakamit lang ang herd immunity kung 95 porsiyento ng populasyon ay babakunahan. Kapag nagawa ito, ang mga outbreak ay maaaring mangyari kahit saan, at di lang sa mga marginalised communities. Binigay na halimbawa ni Choi ang measles outbreak sa Hong Kong International Airport noong unang bahagi ng 2019.
Ibinahagi naman ni Imee Japitana, ang kasalukuyang Nurse Activity Manager ng Doctors Without Borders project sa Marawi, na kasama sa mga balakid sa pagpuksa sa tigdas ay ang kawalan ng access sa bakuna, ang pagkakakuha ng maling impormasyon at ang pagkakaroon ng maling akala. “Sa ilang mga lugar kung saan naroroon ang Doctors Without Borders,ang mga tao’y nakahiwalay talaga at kinakailangang maglakad ng ilang oras upang marating ang mga pasilidad para sa pangangalagang pangkalusugan.Marami sa kanila ang walang kakayahang gumastos para sa transportasyon patungo sa mga naturang pasilidad, habang ang iba nama’y may maling akala o kakulangan ng impormasyon tungkol sa tigdas at sa mga bakuna laban dito," she said.
According to Japitana, this is why Doctors Without Borders supplemented its medical activities in combating measles with information on how to protect and prevent it. "Doctors Without Borders also continued surveillance of the disease, and if there is an outbreak in internally displaced people or refugee camps, we tailor our health promotion activities according to it," she said.
Ayon kay Japitana, ito ang dahilan kaya dinagdagan ng Doctors Without Borders ang mga aktibidad nito sa paglaban sa tigdas ng impormasyon kung paano protektahan ang sarili laban sa sakit na ito at kung paano ito pipigilan. “Patuloy ring binabantayan ng Doctors Without Borders ang sakit na ito, at kung may outbreak man sa mga taong nawalan ng tirahan o ang mga nakatira sa refugee camps, ginagawa naming angkop para rito ang aming mga health promotion activities," sabi niya.
Nitong nakaraang taon daw, sabi ni Japitana, nagkaroon ng outbreak ng tigdas sa isa sa mga refugee camps sa Bangladesh, kung saan nakatutulong ang mga health promotion activities sa pagtuturo sa mga tao upang maiwasto ang mga maling akala tungkol sa mga bakuna. Sabi niya, napakahirap ng karanasan nila sa Bangladesh sapagkat bukod sa paglaban sa tigdas, kailangan din nilang harapin ang pandemya.
"Kinailangan naming balansehin ang aming mga regular na aktibidad at ang pagpigil sa COVID-19. Naging hamon ito sa amin, lalo pa’t ang staff namin ay nag-aalala rin tungkol sa COVID-19. Kulang rin kami saa tao dahil marami sa aming mga staff ang nalantad, o di kaya’y nahawa sa kumakalat na virus. Nagpadala kami ng mga team upang sabihin sa mga pasyente na bukas pa ang aming mga pasilidad at upang magbigay rin ng impormasyon dahil marami ang naniniwalang magkaka-COVID-19 sila pag pumunta sila sa aming pasilidad pangkalusugan. Upang makuha ang kanilang tiwala, binibigyan din namin sila ng pagkakataong libutin ang aming pasilidad."
Ang mga kampanya sa pagpapabakuna laban sa tigdas, at ang pagbibigay-lunas dito kapag may outbreak ay mahalaga sa pangangasiwa ng Doctors Without Borders sa outbreaks ng tigdas. Taun-taon, may mga kampanya ang Doctors Without Borders sa iba’t ibang bansa, gaya ng Democratic Republic of Congo at Central African Republic. Sinisikap din ng Doctors Without Borders na matugunan ang pagkalat ng tigdas sa Niger, Nigeria at sa Bangladesh. Mula 2006, 28 milyong bata na ang nabakunahan ng Doctors Without Borders laban sa tigdas.
Bukod sa pagbabakuna at paggamot, sinisikap ng Doctors Without Borders na mapabuti ang access sa mga bakuna, kasama na rito ang pakikipagtulungan sa mga pamahalaan upang matiyak na may sapat na bakuna na nasa murang halaga.