Skip to main content

    PRESS RELEASE: Pagpapabuti ng Access sa Medical Tools at mga Gamot, Susi sa Pagwawakas sa TB

    The Infectious But Not Invincible campaign of SEEAP project zoomed in on hepatitis C, measles and tuberculosis. For each disease, we look at what it is, how it spreads and how it is treated, how MSF works on treating and eradicating the disease, and patient stories and advocacy.

    The Infectious But Not Invincible campaign of SEEAP project zoomed in on hepatitis C, measles and tuberculosis. For each disease, we look at what it is, how it spreads and how it is treated, how MSF works on treating and eradicating the disease, and patient stories and advocacy. © MSF

    Bagama’t ilang siglo na ang TB sa mundo, kabilang pa rin ito sa sampung pangunahing dahilan ng pagkamatay na dulot ng iisang infectious agent sa mundo. Noong 2019, 1.4 milyon na tao ang namatay dahil dito. Ayon sa World Health Organization (WHO), itinatayang may sampung milyon sa buong mundo ang nagka-TB noong 2019. Ang tuberculosis ay isang nagagamot na sakit, ngunit dahil marami ang di nakakakuha ng diagnostics at gamot para rito, nagiging mahirap itong labanan.

    Sa isang webinar na inorganisa ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF), sinabi ng AIDS Access Foundation project manager na si Chalermsak Kittitrakul na ang kakulangan ng access sa gamot para sa TB ay hindi suliranin lamang ng mga bansang may mababa at katamtamang kita. “Sa taas ng presyo ng mga gamot,kahit ang mayayamang bansa ay di kayang magbigay ng access sa gamot sa TB sa lahat ng mga mamamayan nila."

    “May limitadong bilang ng mga tao na makakakuha ng gamot dahil sa sobrang mahal ng mga ito. Kahit na magpatupad ang pamahalaan ng treatment policies, o magsagawa ng proyekto para rito, hindi mabibigyan ng gamot ang lahat ng nangangailangan nito,” sabi niya. 

    Dagdag pa ni Kittitrakul, ang pangunahing sanhi ng matataas na presyo ay ang monopolyo sa paggawa ng gamot. “Ang pagbibigay ng patent ay paraan upang mahimok ang mga taong lumikha ng mga bagong gamot at kagamitang medikal, pero ang nakikita natin ngayon ay pang-aabuso ng patent.  Ginagamit ito upang imanipula ang sistema upang palawigin ang monopolyo ng merkado. Kapag iisa lang ang may karapatang gumawa ng isang gamot, maari silang magtakda ng presyong gusto nila. Nakikita natin ito ngayon sa Thailand, kung saan ang mga patent ay nagbigay ng karapatan sa ilang kompanyang maging monopolyo sa loob ng 20 taon. Ang mga monopolyong ito’y nakatakdang magwakas sa 2023, pero sinisikap nilang pahabain pa ito hanggang 2036.”

    Ayon kay Kittitrakul, nakikipagtulungan ang kanyang organisasyon sa ibang mga organisasyon sa India, sa Pilipinas, at sa iba pang mga bansa upang makahanap ng paraan na wakasan ang monopolyo at mapayagan ang ibang kompanya na gumawa ng generic na gamot para sa TB, partikular na ang Bedaquiline.

    Ayon naman kay Dr. Marve Duka, project coordinator ng TB project ng Doctors Without Borders sa Tondo, Manila, ang isa pang balakid sa pagpuksa ng TB ay ang diagnostics. Sabi niya, kamakailan lang ay nagkaroon ng mga pagbabago na nagpapaunlad sa kawastuhan ng diagnosis na magagawa sa mas maikling panahon. “Gayunpaman,ang mga tao ay maaaring di magpa-screen o diagnose, at sa Ukraine at Manila, isa sa pangunahing dahilan ang stigma. Dahil kadalasang iniuugnay ang TB sa kahirapan,at sa mga suliraning tulad ng kawalan ng trabaho, mga mapanganib na pag-uugali tulad ng paggamit ng ilegal na droga at iba pa, kadalasa’y tinatalikdan ng lipunan ang mga may TB,” sabi niya. Dagdag pa ni Duka, naging komplikado ang pakikibaka sa TB dahil sa COVID-19.

    Sumang-ayon kay Duka ang coalition leader ng Indonesia Youth Movement Against TB na si Paran Sarimita. Dagdag pa niya, mas lalong nag-atubili ang mga taong magpatingin ngayong may pandemya, dahil natatakot silang sumailalim sa screening kapag may sintomas na sila ng TB, na hawig sa sintomas ng COVID-19.

    Winarni added that the pandemic also made TB patients afraid to go to the health facilities for their medication or regular checkups. “We see the fear in Indonesia, where drug-resistant TB health facilities are also carrying out COVID-19 treatments,” she said.

    Duka said some of the ways to adapt TB treatment during the pandemic was to come up with specific guidelines, which include implementation of flexible treatment management and provision of anti-TB medicines through digital adherence technologies and the use of telephone consultations instead of face-to-face contacts; and optimising resources and time by doing simultaneous screening for COVID-19 and TB.

    Sabi ni Winarni, dahil sa pandemya, natatakot din ang mga pasyenteng may TB na pumunta sa mga pasilidad pangkalusugan para sa paggamot at mga regular na checkup. "Nakikita namin ang takot sa Indonesia, kung saan ang mga pasilidad pangkalusugan ay naggagamot din ng mga kaso ng COVID-19,” sabi niya.


    Ayon kay Duka, kailangan ng mga tiyak na patnubay ang paggamot ng TB sa panahon ng pandemya. Kasama rito ang implementasyon ng paggamot na flexible, o maaaring baguhin ayon sa hinihingi ng sitwasyon. Nariyan ang pagbibigay ng gamot kontra-TB na gagamitan ng digital adherence technologies,  at ang  pagkonsulta sa telepono sa halip na sa personal  na paghaharap ng doktor at pasyente. Upang magamit ang resources at ang panahon nang mabuti, magkasabay na ginagawa ang screening para sa COVID-19 at sa TB.

    Sabi pa ni Winarni, kinakailangang ang lahat ng stakeholders, o ang lahat ng may nakataya sa isyu-–mula sa sambayanan, sa gobyerno,sa mga pasilidad pangkalusugan, at sa mga komunidad—ay magsama-sama sa pakikibaka sa TB. Sang-ayon si Duka, at dagdag pa niya, ipinakita sa atin ng pandemya kung paanong magtatagumpay sa ganitong laban. “Itinuro sa atin ng COVID-19 na kung sama-sama nating pagtatrabahuhan ang iisang layunin, may magagawa tayo. Maaari itong gawin laban sa TB,na noon pa dapat ginawa," sabi niya.

    Matagal nang nakikibaka ang Doctors Without Borders sa TB.  Noong 2019, 18,800 na tao  ang sinimulang gamutin ng Doctors Without Borders para sa  TB. Kasama roon ang 2,000 na taong may drug-resistant TB (DR-TB).

    Iba-iba ang mga lugar kung saan nagbibigay ang Doctors Without Borders ng pangangalaga para sa TB. May mga lugar ng sagupaan, tulad ng Chechnya; refugee camps sa Chad o Thailand; mga kulungan sa Kyrgyzstan; at mga bansang tulad ng Papua New Guinea, kung saan ang  sistemang pangkalusugan ay sobra-sobra na ang pinapasan.

    Iba-iba rin ang pinagtutuunan ng mga proyekto. May mga nakatuon sa pagsasanib ng mga serbisyo para sa HIV at TB, tulad ng South Africa at Kenya. May iba naman, tulad ng Uzbekistan and Georgia, na gumagamot sa mga may DR-TB, habang ang ilan ay nagsisilbi sa mga populasyong walang gaanong access sa pangangalagang medikal, gaya ng mga migrante sa Thailand.

    Nagsusumikap ang Doctors Without Borders na pagbutihin ang proseso ng diagnosis ng mga pasyenteng may TB—gawin itong mabilis, mura, at madaling gawin kahit walang kuryente o mga kagamitan. Sa paggamot naman, kasalukuyang pinag-aaralan ng Doctors Without Borders ang iba’t ibang paraan upang matiyak na susundin ng pasyente ang wastong pag-inom ng gamot. Naninindigan din ang Doctors Without Borders sa paggamit ng fixed-dose combinations at quality-assured drugs sa mga programa nito.

     

    Categories