Skip to main content

    Patayan sa Mediterranean: Resulta ng European state policies

    The search and rescue ship, Open Arms, is the only NGO rescue ship currently undertaking lifesaving search and rescue in the central Mediterranean sea. Mediterranean, September 2020. © MSF/HANNAH WALLACE BOWMA

    The search and rescue ship, Open Arms, is the only NGO rescue ship currently undertaking lifesaving search and rescue in the central Mediterranean sea. Mediterranean, September 2020. © Hannah Wallace Bowman/MSF

    “Tigilan na natin ang hungkag na panaghoy sa pagkamatay ng maraming tao,” sabi ng MSF Humanitarian Affairs Advisor na si Hassiba Hadj Sahraoui. “Ang responsibilidad para sa mga  kamatayang ito’y nasa  mga kamay ng EU member states, dahil ito ang  konkreto at inaasahang resulta ng kanilang mga nakamamatay na patakaran ng non-assistance, at ng kanilang pagharang sa mga NGO rescue ships.” 

    “Ang pagsabi ng mga pamahalaan ng Europe o ng EU Commission na ikinalulungkot nila ang nakakagimbal na pagkawala ng buhay ay mapagkunwari,” said Hadj Sahraoui. “Kailangan nilang tumigil sa pagsasabi ng mga bagay na di malinaw ang kahulugan, at akuin ang kanilang responsibilidad. Ang paglubog ng mga barko ay resulta ng kanilang mga patakaran ukol sa migration.” 

    Halos 700 katao ang namatay habang tumatakas mula sa Libya at tumatawid sa central Mediterranean noong 2020. Mga 267 sa mga kamatayang ito ang naiulat noong pinigilan ng mga awtoridad ng Italy ang paglayag ng Sea-Watch 4 sa pantalan ng Palermo noong Setyembre 19. Anim na barko ng mga NGO ang hindi pinayagang magsagawa ng lifesaving operations, diumano para sa kaligtasan ng mga naglalayag. Sa kasalukuyan, ang rescue ship na Open Arms lang ang tanging barkong sibilyan doon. 

    Sa halip na tuparin nila ang kanilang obligasyong tumulong sa mga nanganganib sa karagatan, pinipili ng mga estado ng Europe na lalong bawasan ang kapasidad para sa search and rescue. Nagkukunwa silang pinahahalagahan nila ang mga ginagawa ng mga NGO, habang ang mga ginagawa naman nila’y nakakasira sa mga naturang organisasyon.   

    Kamakailan lang ay pinag-ibayo ng Libyan Coast Guard ang pagtugis sa mga tumatakas mila sa Libya. Mula Nobyembre 3 hanggang 9, halos 1,000 katao ang pinuwersang bumalik sa Libya. Indikasyon din ito ng mataas na bilang ng mga taong sumusubok na makatakas mula sa Libya nitong mga nakaraaang linggo.  

    Midwife Marina takes the temperature of people on deck of the Sea-Watch 4. © MSF/Hannah Wallace Bowman

    Midwife Marina takes the temperature of people on deck of the Sea-Watch 4. © Hannah Wallace Bowman/MSF

    SeaWatch4 already has 201 survivors on board, denied a place of safety until date release of this photo. Yet as EU & maritime authorities again turn a deaf ear to the cries of people in distress at sea - and despite still being over 6hrs away - the ship has altered course. MSF/Hannah Wallace Bowman

    Sea-Watch 4 already has 201 survivors on board, denied a place of safety until date release of this photo. Yet as EU & maritime authorities again turn a deaf ear to the cries of people in distress at sea – and despite still being over 6hrs away – the ship has altered course. © Hannah Wallace Bowman/MSF

    “Laging pinupuna ang mga di-makataong kondisyon ng mga  detention centre sa Libya,” paglalahad ni William Hennequin, ang MSF programme manager sa Libya. “Pero ang walang katwirang detention ay maliit na bahagi lamang ng nakamamatay na cycle of violence kung saan nakalugmok ang libo-libong tao. Dapat makita ng mga pinuno ng mga bansang nagtataguyod ng  pagtugis at pagpapabalik ang resulta ng mga patakarang ipinapatupad nila.” 

    “Noong isang linggo, isang kinse anyos na Eritrean na lalaki ang binaril ng mga armadong lalaki na sumugod sa isang shelter sa Tripoli,” kuwento ni Hennequin. “Ang mga pagpatay, pangingidnap, at kung anu-ano pang sitwasyon ng extreme violence – kasali ang torture upang makakuha ng pera  mula sa nadakip at kanyang mga kamag-anak – ay panganib na araw-araw pa ring tumutulak sa mga taong tumawid ng dagat para makatakas mula rito.”

    Noong Miyerkules, ang Frontex, isang European Border and Coastguard Agency, ay naglabas ng pahayag na sila ay “naninindigang poprotektahan o sasagipin nila ang mga manlalakbay sa karagatan, at makikipag-ugnayan sila sa iba pang organisasyon upang magawa iyon.” Kaya lang, pinagtatakpan lang nito ang realidad na umiiwas silang magbahagi ng impormasyon sa mga NGO rescue ships habang ipinagbibigay-alam nila sa Libyan Coast Guard ang eksaktong lokasyon ng mga bangka, para sila’y maharangan at mapuwersang bumalik sa Libya. 

    Dapat nang tantanan ng mga European states ang panunumbat sa mga traffickers. Sa halip, dapat nilang tanggapin na ang mga namamatay ang “human collateral” o kabayaran para sa mga kalkulado at politikal na desisyong ginawa nila. Oo, dapat nating labanan ang human trafficking ngunit hindi ito dapat gawin nang hindi isinasaalang-alang ang  kapakanan ng mga biktima, na sa halip na mabigyan ng tulong at proteksyon ay itinutulak pabalik sa siklo ng pang-aabuso. O di kaya’y iniiwan na lang para malunod.  

    Categories