Skip to main content
    Dayana Tabbara, MSF mental health counsellor, provides psychological first aid to a patient and her daughter.. Lebanon, September 2024 © Salam Daoud/MSF

    Matinding pagbobomba sa Lebanon

    Matapos ang malawakang pagbobomba ng mga Israeli sa ilang lugar sa Lebanon, 558 na tao ang napatay at 1,835 ang nagtamo ng pinsala, habang libo-libo naman ang napilitang lisanin ang kanilang mga tahanan.

    Pinakahuling ulat

    • Sunod-sunod na pagsalakay ang naganap sa Lebanon noong Setyembre 17, kung saan halos 2,800 na tao ang nasaktan, ayon sa Ministry of Public Health. Agad na nakipag-ugnayan ang Doctors Without Borders sa mga tagapangalaga ng kalusugan, tulad ng mga ospital, upang makapagbigay ng tulong.
    • Noong Setyembre 23, naganap ang mga malawakang pagbobobomba ng mga Israeli sa ilang lugar sa Lebanon. Ayon sa  Ministry of Health, 558 ang napatay at 1,835 ang nasaktan, habang libo-libo naman ang napilitang lisanin ang kanilang mga tahanan upang makahanap ng mas ligtas na lugar sa ibang bahagi ng bansa.
    • Ayon sa disaster risk management unit ng Lebanon, mahigit 104,000 na tao ang nawalan ng tirahan dahil sa kasalukuyang paglala ng  digmaan. 
       

    Ayon sa disaster risk management unit ng Lebanon, mahigit 104,000 na tao ang nawalan ng tirahan dahil sa kasalukuyang paglala ng  digmaan. Marami ang nawalan ng tirahan at ng mga mahal sa buhay. Bukod sa suportang medikal, nangangailangan din ang mga tao ng mga kagamitang gaya ng mga kutson at mga hygiene item.

    Lubhang ikinababahala ng Doctors Without Borders ang pagbobomba ng Israel sa Lebanon. Nananawagan kami para sa agarang pagtigil ng karahasan upang maiwasan ang karagdagang pagdurusa, mga pinsala, at pagkawala ng buhay.

    Pinakahuling ulat

    Lebanon: Paglampas sa mga pagsubok na dala ng digmaan sa pamamagitan ng pangangalagang pinamumunuan ng komunidad
    Lebanon: Paglampas sa mga pagsubok na dala ng digmaan sa pamamagitan ng pangangalagang pinamumunuan ng komunidad
    Habang ang milyon-milyong taong nasa Lebanon ay sumasailalim sa anino ng pagkawasak na dala ng digmaan, ang mga pagkilos na pinamumunuan ng mga lokal ...
    Lebanon: Ang pagtulong sa mga bata at nakatatanda upang harapin ang mga trauma na dulot ng digmaan
    Lebanon: Ang pagtulong sa mga bata at nakatatanda upang harapin ang mga trauma na dulot ng digmaan
    Ang mga team ng Doctors Without Borders sa Lebanon ay nagbibigay ng suportang sikolohikal upang matulungan ang mga taong harapin ang trauma at stress ...
    Lebanon: Inuudyukan ng Doctors Without Borders ang pagprotekta sa mga sibilyan at medical staff sa gitna ng pagbobomba ng mga Israeli
    Lebanon: Inuudyukan ng Doctors Without Borders ang pagprotekta sa mga sibilyan at medical staff sa gitna ng pagbobomba ng mga Israeli
    Habang tumitindi ang pagsalakay ng mga Israeli sa Lebanon, napipilitang magsara ang mga pasilidad para sa pangangalagang pangkalusugan sa mga lugar na...
    Lebanon: "Nasa ligtas na lugar kami, sa ngayon."
    Lebanon: "Nasa ligtas na lugar kami, sa ngayon."
    Matapos ang matitinding airstrike nitong nakaraang linggo, ang mga team ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF) sa Lebanon ay wala...
    Lebanon: Pagkatapos ng mga malawakang pagbobomba, dumarami ang mga pangangailangang humanitarian
    Lebanon: Pagkatapos ng mga malawakang pagbobomba, dumarami ang mga pangangailangang humanitarian
    Matapos ang malawakang pagbobomba ng mga Israeli sa ilang mga lugar sa Lebanon noong Lunes, Setyembre 23, unti-unti nang dinaragdagan ng Doctors Witho...
    Bihag ng takot: Ang mga refugee na Syrian ay humaharap sa mga hindi mabatang mapagpipilian sa Lebanon
    Bihag ng takot: Ang mga refugee na Syrian ay humaharap sa mga hindi mabatang mapagpipilian sa Lebanon
    Ang mga Syrian refugee na gustong kumuha ng pangangalagang pangkalusugan ay nahaharap sa dumaraming hadlang sa kinakailangang serbisyong medikal d...
    Lebanon: Ang kakulangan ng ligtas na tubig at sanitasyon ay banta sa pagpigil ng pagkalat ng cholera
    Lebanon: Ang kakulangan ng ligtas na tubig at sanitasyon ay banta sa pagpigil ng pagkalat ng cholera
    Ang unang cholera outbreak sa Lebanonsa loob ng halos tatlong dekada ay nagaganap kasabay ng krisis sa ekonomiya at gasolina, na dumadagdag pa sa prob...
    Sa Lebanon, nagbibigay ang MSF ng pangangalaga sa gitna ng patong-patong na krisis
    Sa Lebanon, nagbibigay ang MSF ng pangangalaga sa gitna ng patong-patong na krisis
    Mula pa noong patapos pa lang ang 2019, kinakaharap na ng Lebanon ang kanilang pinakamalalang krisis sa ekonomiya, kaguluhan sa lipunan, at maging sa ...

    Paano tumutugon ang Doctors Without Borders?

    Ang Doctors Without Borders ay nagbukas ng mga mobile clinic sa mga paaralan at sa iba pang mga lugar kung saan kasulukuyang namamalagi ang mga taong nawalan ng tirahan. Nagbibigay ang Doctors Without Borders ng mga konsultasyong medikal at mga gamot para sa mga malala at matagal nang mga kondisyon. Nakapagbigay na rin kami ng mga donasyon ng mga mahahalagang gamit gaya ng mga kutson, kumot, at mga hygiene kit. 

    • Mula Setyembre 23, ang mga mobile clinic ng Doctors Without Borders ay nagbibigay-serbisyo sa dalawang lugar sa Mount Lebanon kung saan namamalagi ang mga taong nawalan ng tirahan. Nagbibigay kami roon ng mga konsultasyon para sa kalusugan ng katawan at ng isipan.
    • Nakapagbigay kami ng mga donasyon ng mga mahahalagang gamit gaya ng mga kutson, kumot, at mga hygiene kit sa mga nawalan ng tirahan na kasalukuyang nasa walong lugar sa Saida at sa Tripoli. Tinatasa namin ang mga pangangailangan upang madagdagan pa namin ang aming ibinibigay na suporta.
    • Noong Setyembre 26, muli naming binuksan ang aming klinika sa Baalbek-Hermel upang makapagbigay ng mga lubhang kinakailangang gamot ng mga pasyenteng may talamak na kondisyon.Kasabay nito, ang aming mga mental health helpline ay nakatatanggap ng mahigit sa 60 na tawag kada araw mula sa mga taong nakararanas ng lumalaking pangangailangan para sa kalusugang pangkaisipan.
    • Nagbigay kami ng 710 kilo ng medical supplies sa tatlong ospital sa South Lebanon at sa Beirut. Ito ay pandagdag sa sampung tonelada ng medical supplies na inilagay noon pa ng Doctors Without Borders sa mga ospital sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa mga emergency. Bahagi nito ay ginamit sa pagtugon sa pagdating ng mga sugatan sa Baalbek, Nabatieh, at sa iba pang mga bahagi ng Lebanon.
    •  
    •  
    Bekaa Valley, Lebanon. September 25, 2024 © MSF

    Bekaa Valley, Lebanon. Setyembre 25, 2024 © MSF

    Bekaa Valley, Lebanon. September 25, 2024 © MSF

    Bekaa Valley, Lebanon. Setyembre 25, 2024 © MSF

    Susuportahan mo ba ang aming mga ginagawang pagtugon sa mga emergency?

    Tulungan kaming makapagbigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal tuwing may emergency sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.