Ang ligtas na pagdaan at ang pagkakaroon ng access sa humanitarian aid ay karapatan, hindi pribilehiyo
Matindi ang epekto ng giyera sa syudad ng Mariupol, Ukraine. Marso 2022. © MSF
Mahalaga na ang mga oportunidad upang makatakas ang mga sibilyan mula sa mga lugar na may karahasan ay hindi isang beses lamang iaalok o maaari lamang gawin sa loob ng limitadong oras.
Alam ng mga taga-Doctors Without Borders kung gaano kadelikado ito para sa isang sibilyan na walang kakayahan o kagustuhang umalis kagaya ng mga medical staff na pinipiling maiwan upang mag-alaga sa mga naiiwang may sakit at mga sugatan.
Ang bawat sitwasyon ay kakaiba, ngunit sa ilang dekada naming karanasan sa mga sitwasyong may digmaan, alam naming ang mga one-off humanitarian corridor, bagama’t nakatutulong, ay hindi sapat. Ilang beses na naming nasaksihan ang paghimok sa mga sibilyan na lisanin ang kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng mga time-bound civilian evacuation corridor, pagkatapos … ang mga hindi kayang umalis o ayaw umalis ay makararanas ng walang awa at walang pinipiling karahasan na pinapakawalan sa lahat ng naiiwan. Ang resulta nito? Ang maraming tao, kasama na ang mga medic at iba pang sibilyan, ay maaaring mamatay o magtamo ng malubhang pinsala.Stephen Cornish, General Director
Kami sa Doctors Without Borders ay nananawagan na sundin ang mga patakaran sa digmaan. Dapat magsumikap ang lahat ng sangkot sa giyera sa Ukraine na gawin ang lahat na pag-iingat upang maiwasan ang pananakit sa mga sibilyan at ituring ang mga sibilyan na sibilyan sa lahat ng pagkakataon at sa lahat ng lugar sa Ukraine.
Dapat tiyakin sa Mariupol at sa iba pang lugar sa Ukraine na apektado ng digmaan ang ligtas na pagpapadaan sa mga pumapayag at kayang tumakas kahit na mayroong mga pansamantalang humanitarian corridor o ceasefire. Para sa mga maiiwan, di maaaring mawalan sila ng status bilang mga sibilyan; kinakailangang gawin ng mga magkatunggali ang lahat ng kanilang makakaya upang maprotektahan ang mga sibilyan sa lahat ng pagkakataon at sa lahat ng lugar.
Sinusuportahan ng Doctors Without Borders ang kahit anong uri ng ceasefire initiative na nsagpapahintulot ng ligtas na pagdaan ng mga gustong tumakas at ng pagpasok ng mga gustong magbigay ng tulong-medikal at iba pang humanitarian assistance. Ang karapatan na maghanap ng kaligtasan at magkaroon ng access sa humanitarian aid ay dapat maging obligasyon at hindi pribilehiyo, saan man sa Ukraine.