Skip to main content

    Gaza: Pinatay ang mga tao habang sila’y naghihintay ng pagkaing ipinamamahagi bilang tulong

    The number of trucks entering Gaza

    Palestinian Territories, Nobyembre 2023. © MSF

    "Nasisindak kami ng pinakabagong ulat mula sa siyudad ng Gaza, kung saan mahigit 100 na tao ang pinatay at 750 ang nasugatan ngayong araw na ito, Pebrero 29, ayon sa mga lokal na awtoridad pangkalusugan, pagkatapos pagbababarilin ng mga puwersang Israeli ang mga Palestinong naghihintay ng ayudang pagkain mula sa mga aid truck. Walang Doctors Without Borders staff na nasa lugar na iyon noong naganap ang insidente, at dahil sa pangit na signal, hindi namin makausap ang medical staff na nagtatrabaho pa rin sa ilang ospital sa hilaga. 

    Alam namin na ang sitwasyon sa Gaza, partikular na sa hilaga, ay isang malaking suliranin. Ilang araw pa lang ang nakalilipas mula noong nakausap namin ang aming staff doon. Sabi nila, wala silang sapat na pagkain, at ang ilan sa kanila ay kumakain na ng mga pagkain ng hayop upang mabuhay. Nag-ulat din sila na kulang sila sa tubig at pangit ang kalidad nito, kung kaya’t ito’y nagiging sanhi ng mga sakit.

    Ang sitwasyon ay ang tuwirang resulta ng mga walang konsensiyang desisyon na ginawa ng mga awtoridad na Israeli sa digmaang ito: ang walang humpay na pagbobomba at shelling, ang ganap na pagkubkob na ipinataw sa enclave, ang mga sagabal na dulot ng burukrasya at ng kakulangan ng mga mekanismo ng seguridad upang matiyak ang ligtas na pamamahagi ng pagkain mula sa timog hanggang hilagang Gaza, ang sistematikong pagsira ng mga kapasidad para sa kabuhayan tulad ng pagsasaka, pagpapastol at pangingisda.  

    Ang hilaga ay hindi nabigyan ng tulong ng ilang buwan, at walang nagawa ang mga tao kundi magsumikap na mabuhay sa kakaunting pagkain, tubig at medical supplies. May mga buong kapitbahayan na binomba at winasak.

    Ang Israel ang dapat managot para sa sitwasyon ng lubusang pagkakait at kawalan ng pag-asa na nararanasan ng Gaza, partikular na sa hilaga, na nauwi sa mga trahedyang nangyari sa araw na ito. 

    Nananawagan muli ang Doctors Without Borders ng agaran at mapapanatiling ceasefire. Nananawagan kami sa mga awtoridad ng Israel na payagang makapasok nang walang hadlang ang humanitarian at essential aid, gaya ng pagkain, at maihatid ito sa buong Gaza Strip, at itigil ang mga pagsalakay sa mga sibilyan sa lalong madaling panahon.”

    Will you support our emergency response work?

    Help us provide lifesaving medical care during emergencies by making a donation today.

    Categories