Gaza: Kinokondena ng Doctors Without Borders ang sinadyang pagsalakay sa isang convoy na naglilikas ng staff, kung saan isa ang namatay at isa ang nasaktan
Inilatag ang mga duguang damit at isang pahina ng takdang-aralin sa isang lugar kung saan ang isang airstrike ay iniulat na naging sanhi ng pagkamatay ng dalawang bata at dalawang nakatatanda at nagdulot ng matinding pinsala sa mga dalawang dosenang tao mula sa Jenin refugee camp. Palestine, 25 Oktubre 2023 © MSF/Faris Al-Jawad
Noong Nobyembre 18, 2023, namatay ang isang kamag-anak ng staff ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF), at may isa pang nasaktan nang salakayin ang isang Doctors Without Borders convoy na naglilikas ng 137 na tao— mga Palestinong staff members ng Doctors Without Borders at ang kanilang mga pamilya. Isang linggo silang hindi makaalis sa Doctors Without Borders compound malapit sa Al-Shifa Hospital sa Gaza. Mariing ikinokondena ng Doctors Without Borders ang sinadyang pagsalakay.
Kaninang alas nuwebe ng umaga, isang Doctors Without Borders convoy na binubuo ng limang sasakyang malinaw na mga pag-aari ng Doctors Without Borders (may pangalan ang mga ito, pati sa mga bubong ng mga sasakyan) ang lumabas ng Doctors Without Borders compound (kung saan may guesthouse, opisina, at outpatient clinic malapit sa Al-Shifa Hospital). May 137 na taong bahagi ng convoy. Kabilang rito ang mga Palestinong staff members ng Doctors Without Borders at ang kanilang mga pamilya – 65 sa kanila ay mga bata –na lilikas sa mas ligtas na lugar sa timog ng Gaza. Mula noong Nobyembre 11 ay di na sila nakaalis mula roon dahil sa mga nagaganap na labanan, at paulit-ulit na silang pinapalikas ng Doctors Without Borders patungo sa kaligtasan.
Noong Nobyembre 18, isang Doctors Without Borders convoy na binubuo ng limang sasakyang malinaw na mga pag-aari ng Doctors Without Borders (may pangalan ang mga ito, pati sa mga bubong ng mga sasakyan) ay sinalakay sa Al-Wehda street malapit sa bagtasan ng Said Al A’as Street, at malapit sa opisina ng Doctors Without Borders. Dalawa sa mga sasakyan ng Doctors Without Borders ay pinatamaan, kung kaya’t may namatay na kamag-anak ng isang miyembro ng Doctors Without Borders staff at may isa ring nasaktan.
Ang mga sasakyan ng Doctors Without Borders ay laging may malinaw na nakasulat na pangalan ng organisasyon, gaya ng makikita sa larawang ito na kinuha noong 2020. Palestinian Territories, 23 Disyembre 2020 © MSF/Katharina Lange
Ipinagbigay-alam na ng Doctors Without Borders ang pangayayaring ito sa dalawang partidong sangkot sa alitan. Dumaan ang convoy sa itinerary na ibinigay ng hukbong Israeli at nakarating sila sa Salah Al Deen Street, kung saan naroon din ang ibang mga sibilyang gustong makaalis sa lugar.
Nakarating ang convoy sa huling checkpoint malapit sa Wadi Gaza na punong-puno ng mga tao dahil sa malawakang screening na ginagawa ng mga puwersang Israeli sa mga Palestino. Sa kabila ng impormasyong ibinahagi sa hukbong Israeli, ilang oras silang hindi pinayagang tumawid sa checkpoint. Nang makarinig sila ng mga putok ng baril, napilitan ang staff na bumalik sa Doctors Without Borders compound, na pitong kilometro ang layo mula sa checkpoint.
Muling nananawagan ang Doctors Without Borders na payagang lumikas ang aming staff, pati na rin ang libo-libong pang ibang taong naipit sa gitna ng mga labanan at namumuhay sa gitna ng mga kahila-hilakbot na kondisyon sa hilagang Gaza.
Nananawagan kami para sa isang agarang ceasefire, na siyang tanging paraan upang maisagawa ang implementasyon ng mga corridor o daanan para sa ligtas na paglilikas ng mga sibilyan.