Gaza: Sa gitna ng matinding sagupaan, nagbibigay ang Doctors Without Borders ng pangagalagang medikal at ng mga supplies.
Palestinian Territories 2023 © MSF
Umaapaw ang mga ospital, sa mga taong nasaktan at kulang na ng mga gamot, medical supplies at ng gasolina para sa mga generator,” sabi ni Ayman Al-Djaroucha, ang deputy coordinator ng Doctors Without Borders sa Gaza.
Isa sa mga hamong hinaharap ng medical staff sa Gaza ngayon ay ang kawalan ng ligtas na paraan ng paglipat ng mga pasyente sa mga pasilidad pangkalusugan. “Hindi magamit ang mga ambulansiya ngayon dahil pinapatamaan sila ng mga nagsasagawa ng airstrike,” sabi ni Darwin Diaz, ang medical coodnator ng Doctors Without Borders sa Gaza.
Sa tunggalian noong Oktubre 7, sinalakay ng mga puwersang Israeli ang Indonesian Hospital at ang isang ambulansiya sa harap ng ospital ng Nasser. Napatay ang isang nars at ang drayber ng ambulansya, at may mga ilan pang nasugatan. Sinusuportahan ng Doctors Without Borders ang dalawang ospital sa timog ng Gaza, ang Indonesian Hospital mula noong 2021, at ang ospital ng Nasser mula pa noong 2011.
Nananawagan ang Doctors Without Borders sa lahat ng mga partidong sangkot sa alitan na igalang ang mga imprastrukturang pangkalusugan at ang mga nagtatrabaho rito. Ang mga pasilidad para sa pangangalagang pangkalusugan ay di dapat puntiryahin, at ang mga ospital ay dapat manatiling santuaryo para sa mga taong nangangailangan ng pangangalaga.
Ang lokal na staff ng Doctors Without Borders ay nagbibigay rin ng surgical at inpatient care sa Al-Awda Hospital sa hilagang Gaza. Ang kapasidad ng ospital ay nilakihan hanggang 26 na kama dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasyente.
“Ang mga pasyenteng nasa maayos nang kalagayan ay isinasangguni sa amin at inaalagaan namin sila,” sabi ni Jean Pierre, ang Doctors Without Borders medical activity manager sa Gaza. Ayon kay Pierre, karamihan sa ginagamot ng kanilang mga medical team ay mga sugat dahil sa tama ng bala, o di kaya nama’y dahil sa shrapnel.
Iniulat ng mga awtoridad na 2,200 ang nasaktan at 300 ang namatay—kabilang rito ang dalawampung bata—sa Gaza at mahigit 2,000 naman ang nasaktan at 600 na ang namatay sa Israel mula noong Oktubre 7.
Ang Doctors Without Borders sa mga teritoryong Palestino
Sa Palestinian Territories, ang Doctors Without Borders ay nagbibigay ng tulong medikal at sikolohikal sa mga taong apektado ng matagal na hidwaan. Sa Gaza, ang aming mga team ay nagtatrabaho sa tatlong ospital at sa ilang mga outpatient clinic. Maaari kaming magbigay ng komprehensibong pangangalaga para sa mga taong nagkaroon ng burns at trauma, kung saan kasama ang surgery, physiotherapy, suportang sikolohikal, occupational therapy, at edukasyong pangkalusugan. Mula 2018, nagpapatakbo ang Doctors Without Borders ng programa para sa reconstructive surgery sa hilagang Gaza.
Susuportahan mo ba ang aming emergency response?
Tulungan kaming makapagbigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal sa mga emergency sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.