Skip to main content
SA KASALUKUYAN Ebola sa DRC: Doctors Without Borders, pinalalaki ang pagtugon sa mabilis na nagbabagong anyo ng outbreak Magbasa pa

    Pahayag ng Doctors Without Borders ukol sa pagpaparehistro ng staff at sa pagpapatuloy ng pangangalagang medikal sa Occupied Palestinian Territory

    flag

    Ang posisyong ito’y bunga ng malawakang diskusyon kasama ang aming mga katrabahong Palestino at gagawin lamang ito nang may pahintulot ng mga sangkot na indibidwal. Ipinagbigay-alam ng Doctors Without Borders ang posisyong ito sa isang liham sa mga awtoridad na Israeli, para sa natatanging layunin na maipagpatuloy ang pagbibigay ng kritikal na pangangalagang medikal.  

    Pagkatapos ng ilang buwang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad na Israeli at sa mga pamahalaang sangkot sa mga usaping ito, kung kailan pinag-aralan na rin namin ang ibang posibleng gawin, nananatiling ang kaligtasan ng aming staff ang aming prayoridad habang patuloy kaming magbibigay ng mahalagang pangangalagang pangkalusugan nang may kasarinlan para sa mga Palestinong lubos na nangangailangan sa West Bank at sa Gaza.  

    Binigyan ng Israel ang Doctors Without Borders at ang aming mga kasamahang Palestino ng mga imposibleng mapagpipilian: ibigay ang hinihingi nilang impormasyon, o i-abandona ang daan-daang libong mga Palestinong nangangailangan ng mahalagang pangangalagang medikal.  

    Sa puntong ito, tinatanggihan namin ang pagbibigay ng listahan dahil sa lehitimong alalahanin na ang pagsiwalat ng ganitong impormasyon sa isang konteksto kung saan 1,700 na health staff na ang napatay, kabilang ang 15 na nagtatrabaho para sa Doctors Without Borders, mula noong Oktubre 2023. Ibabahagi namin ang impormasyong ito nang umaasang hindi ito magkakaroon ng negatibong epekto sa aming staff sa Doctors Without Borders o sa aming pagkilos na medikal at humanitarian.  

    Ngayon, kailangang-kailangan ng mga Palestino sa Gaza at sa West Bank ang pagdagdag ng humanitarian assistance ng mga organisasyong tulad ng Doctors Without Borders. Nananatiling kalunos-lunos ang sitwasyon sa Gaza at sa West Bank, at napakalaki ng mga pangangailangang humanitarian ng milyon-milyong mga tao. Kailangan nila ng karagdagang suporta, hindi ng  mas kaunti. Mula Enero 1, 2026, lahat ng dumadating na dayuhang staff namin sa Gaza ay di pinahihintulutang makapasok sa bansa, at hinaharangan din ang lahat ng aming dumadating na supplies

    Sa kabila ng aming pag-aalala na ang mga administratibong paghadlang ay bahagi ng mas malawakang pagsisikap upang pahinain, siraan, at dungisan ang kredibilidad ng pagkilos na humaniitarian, patuloy kaming naghahanap ng paraan upang makipag-ugnayan sa mga awtoridad na Israeli, muling itaguyod ang mga prinsipyo ng independiyenteng humanitarian aid, at ipagpatuloy ang aming misyong medikal para sa daan-daang libong mga Palestino na hindi dapat i-abandona ngayong sila’y lubos na nangangailangan. 

    Doctors Without Borders sa Gaza

    Sa Gaza noong 2025, ang Doctors Without Borders ay nakapagsagawa ng halos 800,000 na outpatient consultation, humawak ng mahigit sa 100,000 na kaso ng trauma, at namahagi ng mahigit sa 700 milyong litro ng tubig. Ngayon, nagtatrabaho kami sa anim na ospital, nagbibigay ng suporta sa pitong sentro para sa pangangalagang pangkalusugan at apat na klinika, at nagpapatakbo ng dalawang field hospital. Noong nagsimula ang taon, ang aming mga team ay sumusuporta sa isa kada limang kama ng ospital at sa pagpapaanak ng isa kada tatlong sanggol sa Gaza. Tumutugon kami sa araw-araw na pangangailangan para sa tubig ng mahigit sa 635,000 na tao – 30% ng mga tao sa Gaza.

    Categories