Apat na taon na: Patuloy ang karahasan sa mga Rohingya
Si Julekha ay Rohingya na nakatira sa refugee camp sa Balukhali Area, Cox’s Bazar. © Yusuf Sayman
Noong ika-25 ng Agosto, 2017, isang kampanya ng karahasan ang isinagawa ng militar ng Myanmar laban sa Rohingya sa Rakhine state. Hindi ito ang unang kampanya na nakatutok sa Rohingya, ngunit ito ang pinakamalaki, at humantong sa malawakang paglipat ng higit sa 700,000 Rohingya sa Bangladesh, at ng ilan sa Malaysia.
Ang daan-daang libo na tumakas sa sistematikong pag-uusig ay sumali sa mga tumakas sa mga bansang ito mula pa noong 1990, kasunod ng sunod-sunod na karahasan at pag-uusig ng mga awtoridad ng Myanmar. Ngayon, mayroong humigit-kumulang na 900,000 mga Rohingya na lumikas sa Bangladesh at 154,000 sa Malaysia.
Apat na taon na, at ang Doctors Without Borders ay nananatili sa Bangladesh, Myanmar at Malaysia, hinihimok ng isang pangako na bigyan ang komunidad ng Rohingya ng sapat na pag-access sa de-kalidad na pangangalagang medikal, at maging saksi sa kanilang kalagayan.