Skip to main content

    Ang Pagtugis sa COVID-19 sa Brazilian Amazon: Isang Kuwento ng Pangamba at Pag-asa

    Nurse Nara Duarte teaches a child the correct way to perform hand hygiene in a community visited by the MSF and municipal health system's staff in Lake Mirini. © Diego Baravelli/MSF

    Nurse Nara Duarte teaches a child the correct way to perform hand hygiene in a community visited by the MSF and municipal health system's staff in Lake Mirini. © Diego Baravelli/MSF

    Nahuli kami ng dating.  

    Si Antonio Flores ang Medical Coordinator ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières (MSF) team na dumating noong Abril 2020 sa Manaus, ang kabisera ng Amazonas State. “Meron na kaming mga COVID-19 response teams sa Rio de Janeiro at Sao Paulo, nang makatanggap kami ng masamang balita mula sa ibang bahagi ng bansa. Pagdating ko sa Manaus, hindi na magkandaugaga ang mga tagahukay sa mga kailangan nilang ihandang libingan, umaapaw na ang mga nasa bingit ng kamatayan sa intensive care units ng lahat ng ospital, at daan-daan ang nasa listahan ng mga pasyenteng nasa malubhang kondisyon na naghihintay sa mga health centres para sa malilibreng kama sa intensive care. Mas malala pa ang sitwasyon kaysa sa pinangangambahan namin. Nakagawa kami ng isang magagamit na ICU ward sa maikling panahon. Noong una ay nasa full bed capacity kami, pero pakiramdam namin, lumipas na ang pinakamalalang maaring mangyari.” 

    Dahil sa limitadong COVID-19 testing na pinagawa ng mga awtoridad sa Brazil, naging mahirap sundan ang pagkalat ng pandemya sa napakalaking bansang ito, lalo na sa Amazon basin kung saan limitado ang magagamit na transportasyon, malalaking distansiya ang layo ng mga istruktura sa isa’t isa, at kalat ang populasyon. Dagdag pa rito, karamihan sa mga limitadong pagsusuring ginawa ay ang antibody test na tumutukoy kung nagka-COVID 19 ka dati, at hindi ang test na nagsasabi kung meron ka nito ngayon. Ibig sabihin, ang epidemiological data na meron ang Brazil ay larawan ng sitwasyong nakaraan na, mga tatlong linggo na ang nakalipas, at  hindi isang kasalukuyang larawan ng estado ng pandemya. 

    Noong unang bahagi ng buwan ng Mayo, nagkaroon ng mga aktibidad ang MSF sa siyudad. Karamihan sa mga kabilang sa populasyon ng Manaus ay mga refugees at mga taong walang sariling tahanan. Marami sa kanila ay pinapatira sa mga organised shelters, kung saan siksikan ang mga pamilya at malabong maipatupad ang physical distancing. Isa sa mga napagtuunan ay ang nakababahalang sitwasyon ng mga katutubo na galing sa Venezuela, ang mga Warao, dahil sa siksikan nilang mga tirahan. Nagtayo ang MSF ng isolation centre para sa mga kakikitaan ng sintomas ng COVID-19 sa komunidad nila. 

    Health team measure the blood pressure of an indigenous Warao woman monitored for COVID-19

    The Warao indigenous people have their blood pressure checked in an isolation center run by MSF in Manaus. Most of the Warao indigenous people who live in the capital of the state of Amazonas live mostly in shelters, where social distance is almost impossible. © Euzivaldo Queiroz/MSF

    Ang Intensive Care Unit

    Isa sa mahahalagang bahagi ng tugon ng MSF sa sitwasyon sa Manaus ay ang suportang medikal sa isa sa mga pangunahing pagamutan doon, ang 28 de Agosto Hospital. Ang MSF ang nagpatakbo ng ika-limang palapag, kung saan may 12-bed Intensive Care Unit (ICU) para sa mga pasyenteng kritikal ang lagay, at 36-bed ward para sa mga pasyenteng malala ang  kondisyon.  Bagamat nakalipas na ang kasagsagan ng mga kaso ng COVID-19, puno pa rin ang mga ward. Kaya naman nakatulong talaga ang karanasan ng MSF sa mga emergency para maging maayos and daloy ng mga pasyente, at para mapabuti ang kalidad ng pangangalagang ibinibigay.

    MSF response to COVID-19 in Tefé, Brazil

    Nurse Rebecca Alethéia provides training to the team at the regional hospital in Tefé explaining the process for disinfecting hospital materials. © Diego Baravelli/MSF 

    Nurse Rebecca Alethéia provides training to the team at the regional hospital in Tefé explaining the process for disinfecting hospital materials. ©Diego Baravelli/MSF

    Our team is training the staff of the regional hospital on IPC measures, as well as general emergency training linked to COVID-19 response. © MSF 

    Ayon kay Dr. Pedro Cury Moyses, puno ng hamon ang sitwasyon sa Manaus. “Pagdating namin sa ospital, ang tumambad sa amin ay hindi na bago para sa mga nakapagtrabaho na sa national health system ng Brazil: isang marupok na istrukturang sagad na sa pagkakagamit.”

    “Pero may mga magagandang alaala ako ng paglabas ng isang pasyenteng nasa ICU. Noong una ko siyang nakilala, halatang kinakabahan siya dahil mabagal at kumplikado ang paggaling niya. Ito’y dahil may iba siyang sakit bukod sa COVID-19. Nangamba kaming baka lumala ang lagay niya. Pero sa kalaunan, gumaling rin siya. Pinaghandaan namin ang kanyang paglabas. Sakay ng wheelchair, sinorpresa siya ng staff namin na nakahilera sa pasilyo at nagpapalakpakan. At sa dulo no’n ay ang asawa niya na may hawak na isang palumpon ng bulaklak. Naging simbolo siya ng aming ginagawa sa ospital na iyon. Ang pagbabalik niya sa kalusugan ay nakatulong rin sa pagbabalik ng pag-asa sa mga duktor na masyado nang maraming nasaksihang kamatayan dahil sa pandemya.”

    Sa loob ng Amazon Forest

    Sa Manaus nagtatatagpo ang mga ilog ng Negro at Solimõe upang mabuo ang dambuhalang Amazon River. Habang abala ang lahat sa pagputok ng epidemya sa kabisera ng bansa, tahimik na gumagapang na pala ang sakit sa ilog, papasok sa rainforest. 

    “Noong una, may mga manaka-nakang itinatawag sa amin na mga kaso ng COVID-19 sa mga liblib na komunidad sa tabing-ilog ng Amazon basin,” paliwanag ni Dounia Dekhili, ang MSF head of mission sa Brazil. “Sa loob ng maraming taon, may kapuna-punang kakulangan ng pamumuhunan para sa mga imprastruktura at iba pang pangangailangan para sa kalusugan at kapakanan ng mga tao sa rehiyon. Maraming hamong dala ang malalawak na distansiya at kakulangan ng transportasyon upang masundan ang tinatawag na epidemiological spread, o ang pagkalat ng virus, at upang matiyak ang napapanahong pagpapagamot ng mga pasyenteng nangangailangan ng kumplikadong solusyong medikal. Alam naming kailangan naming mas maunawaan ang sitwasyon ng epidemya sa gubat, pero ito ay isang lugar na pinakaiingatan, kung saan nababagay ang prinsipyong ‘do no harm’. Kailangan naming tiyaking may paraan silang makakuha ng lunas para as COVID -19 sa pamamagitan ng pagtayo ng isang pagamutan sa may tabing ilog, malapit sa mga tirahan ng mga katutubo. Ngunit kailangan din naming iwasang madala ang sakit sa mga komunidad.”

    The teams leave the vessel of the primary healthcare boat to carry out routine screening and vaccination from house to house. ©Diego Baravelli/MSF

    The teams leave the vessel of the primary healthcare boat to carry out routine screening and vaccination from house to house. © Diego Baravelli/MSF

    Ang paglalakbay, lulan ng bangka, sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw sa Solimões River ang magdadala sa iyo sa isa sa mga tributaries o sanga nito, ang Tefé River, kung saan ipinangalan ang munisipalidad na nasa  pampang nito. Ang Tefe, na may populasyon ng 60,000, ay isa sa mga lugar na pinakaapektado ng pandemya sa rehiyon. Ikinuwento ni Tayana Oliveira Miranda, direktor ng regional hospital sa Tefé, ang pagsulpot ng COVID-19 sa lugar nila. 

    “Noong nakumpirma ang unang kasong naospital, alerto na kami noon pero takot din. Tinanggal namin sa aming hanay ang mga kasamahan naming matatanda na, nagdadalang-tao at ang mga dati nang may sakit. Unti-unting nararamdaman na ng mga naiwan ang bigat ng pasanin. Umakyat ang bilang ng mga nagpapaospital. At isang araw, sa kauna-unahang pagkakataon, namatayan kami ng pasyente. Nanlumo ang staff na nasa ospital no’n. At naramdaman na namin ang pressure. Dumadami na ang mga kaso, umaakyat ang bilang ng mga naoospital at namamatay, at may mga nahahawa at nagkakasakit nang hospital staff.  Pinalitan namin ang pagkakaayos ng ospital. Sa dami ng pasyente, kinailangan naming ilipat sa loob ang COVID-19 wards.”

    “Siyam ang namatay ng araw na iyon.  Mahirap iyon para sa lahat. Napaiyak ang duktor na naka-duty,  walang may ganang kumain, napakasama ng araw na iyon. Sa tingin ko, walang nakakain o nakatulog sa amin ng gabing iyon. Gano’n ako e. Pero alam din namin na kinabukasan, kailangan naming bumalik doon. Wala kaming magagawa.” 

    Nang dumating ang MSF sa siyudad, ang bilang ng mga pasyente ay nakapirmi na sa daming mas madaling bigyan ng karapat-dapat na atensyon. Malinaw ang hiling ng hospital staff sa MSF:  gusto nila ng pagsasanay na makapaghahanda sa kanila sakaling magkaroon ng bagong bugso ng impeksyon o bigla uling dumagsa ang mga pasyente. Mahigit 200 medical at paramedical staff ang sumali sa MSF training sa regional hospital sa Tefe.

    The boat clinic 

    Ang Tefé ay may primary healthcare boat na nagdadala ng  pangunahing serbisyong medikal sa mga komunidad sa tabing-ilog. Sa biyahe pabalik, na inaabot ng dalawang linggo,dumadaan ito sa ilang komunidad para magbigay ng suporta. 

    Isa sa mga huling komunidad na pinupuntahan ng bangka bago bumalik sa Tefe ay ang Nova Siãoisa sa Lake Mirini. Dito, gumagamit ang health team ng mas maliliit na bangka upang magbahay-bahay at bigyan ng pagkakataon ang mga taong kumonsulta tungkol sa kanilang kalusugan.  

    “Alam naming malapit na kami sa mga komunidad na madaling tablan,” paliwanag ng MSF nurse na si Nara Duarte. “Kaya’t mahalaga talagang maiwasan ang magkahawaan ang mga pasyente at health staff habang may konsultasyon. Pagkatapos ng lockdown, tumulong kami sa pagkontrol ng impeksyon sa unang boat clinic upang bumaba ang posibilidad na kakalat ang virus sa mga ganitong komunidad.”

    Ang unang ginawa ng MSF infection control team ay ang pagtatalaga ng dadaanan ng mga taong pumapasok at lumalabas upang magpakonsulta. Sa gabi,  pagkatapos ng mga konsultasyon, binibigyan ng MSF team ang boat clinic staff at crew ng karagdagang pagsasanay sa infection prevention and control measures at emergency respiratory care.

    "Maganda ang ginawa nila. Ipinakita ng MSF ang mga kahinaan namin, at sinisikap naming lampasan ang mga iyon,” sabi ni Jhonaliton de Freitas da Silva, isang nurse ng medical boat. “Marami akong natutunan tungkol sa komunikasyon at kung paano makinig nang mabuti sa pasyente. Minsa’y kailangan naming tanungin kung bakit sila nagpapatingin, pero hindi kami dapat mag-usisa kung may iba pang problema. Natuto akong gawin iyon.”

    Local population arrives at the primary healthcare boat to receive care. A MSF team was present in the first primary healthcare boat voyage from Tefé when the lockdown was eased after the peak period of the pandemic. © Diego Baravelli/MSF

    Local population arrives at the primary healthcare boat to receive care. A MSF team was present in the first primary healthcare boat voyage from Tefé when the lockdown was eased after the peak period of the pandemic. © Diego Baravelli/MSF

    A consultation at the primary healthcare boat upriver from the Amazonian town of Tefé. ©Diego Baravelli/MSF

    A consultation at the primary healthcare boat upriver from the Amazonian town of Tefé. © Diego Baravelli/MSF 

    Umaangkop sa mga pangangailangan ng komunidad

    Mahigit 400 kilometro papunta sa hilagang kanluran kung saan umaagos sa lupa ang Negro river ay ang munisipalidad ng São Gabriel da Cachoeira. Nagbukas ang MSF ng care centre dito kung saan maaaring tumanggap ng mga “mild” at “moderate” na kaso ng  COVID-19. Dahil mahigit sa 90% ng populasyon ng São Gabriel da Cachoeira ay mga katutubo, ginawang angkop sa kanila ang mga patakaran sa centre.

    Sa care centre, halimbawa, ang mga katutubong pasyenteng may COVID-19 ay maaaring manatiling may kasamang care hanggang matapos ang paggamot sa kanya. Kadalasan, hindi ito pinapayagan sa mga ospital. Pero dito, may mga duyan pang mahihigan ang mga pasyente at ang kanilangang mga kasama. Dagdag pa rito, pinapayagan nila ang pagpasok sa centre ng mga tradisyonal na gamot na ginagamit ng maraming tao sa rehiyon. Pinapayagan nila ang pag-inom nito kasabay ng gamot na binibigay ng MSF, basta’t ang kombinasyon ay walang masamang epekto sa pasyente. Ang mga shaman at mga pinunong ispiritwal ng mga katutubo ay maaari ring pumunta at magdaos ng mga ritwal, basta’t pumayag silang magsuot ng personal protective equipment para maiwasan nilang mahawa sa pasyente.

    A health worker wears the personal protective equipment before entering the control area of the MSF care center for mild and moderate cases of COVID-19 in São Gabriel da Cachoeira. ©Diego Baravelli/MSF

    A health worker wears the personal protective equipment before entering the control area of the MSF care center for mild and moderate cases of COVID-19 in São Gabriel da Cachoeira. © Diego Baravelli/MSF

    Mahalaga ring alam ng lahat kung saan sila makakahanap ng tulong para sa kanilang partikular na pangangailangan. Kinausap ng MSF ang mga pinuno at organisasyong kaugnay ng mga katutubong komunidad. Nakilahok din ang MSF sa mga programang pangradyo na pinakikinggan ng  mga katutubong komunidad upang masagot ang kanilang mga katanungan.  

    Sa unang dalawang linggo ng pasilidad, nakatanggap sila ng sampung COVID-19 patients. Lahat sila’y gumaling at nakalabas. Isa sa kanila si Antonio Castro, 99 taong gulang. Hirap sa paghinga at pinaghihinalaang nagka-COVID-19, nakabalik din siya sa kanilang tahanan pagkatapos lang ng ilang araw sa centre. 

    The MSF team helps 99-year-old patient Antonio Castro at the MSF care center in São Gabriel da Cachoeira. He was under observation for a few days with breathing difficulties. ©Diego Baravelli/MSF

    The MSF team helps 99-year-old patient Antonio Castro at the MSF care center in São Gabriel da Cachoeira. He was under observation for a few days with breathing difficulties. © Diego Baravelli/MSF

    Kinabukasang walang katiyakan

    Kabilang sa mga di pa matiyak ngayong pandemya ay kung ano ang mga mangyayari hanggang magwakas ito. Pero ang tiyak ay ang kahalagahan ng physical distancing, pagsuot ng mask, at paghuhugas ng kamay.

    “Narinig namin na ang pandemya’y kumakalat na sa Amazon, kaya’t kailangan daw, hintayin na lang naming magkaroon ng herd immunity,” sabi ni Flores, ang MSF medical coordinator. “Ito’y isang kabalintunaan, dahil kapag dumami ang mahahawa, dadami rin ang mamamatay. Nakita nating gumuho ang sistemang pangkalusugan, at naging malaki ang kabayaran ng di pagkakaroon ng napapanahong tugon sa pagkalat ng sakit.” 

    Bumababa na ang bilang ng mga bagong kaso sa buong estado, ngunit hanggang walang malinaw na impormasyon kung ano ang nagaganap sa loob ng bansa, pinangangambahang patuloy ang tahimik na paglaganap ng sakit sa mga liblib na lugar kung saan mahirap makakuha ng pangangalagang medikal. 

    Si Vilmar da Silva Matos ay pinuno ng mga katutubong Yanomami sa Maturacá. Kung minsa’y lumuluwas siya sa siyudad ng São Gabriel da Cachoeira. Nang marinig niyang palapit na nang palapit ang sakit sa kanila, at na mas malubha ang epekto nito sa mga nakatatanda, sinaklot siya ng pangamba. “Natakot kami sa maaaring mangyari sa amin, lalo na sa mga nakatatanda. Natatakot kaming mawalan ng mga pinuno. Sila ang nagsisilbing talatinigan namin, sila ang aming tagapagsalaysay,” paliwanag niya habang nasa isang pansamantalang tirahan kung saan lumalagi ang mga katutubong Yanomami kapag sila’y nasa siyudad. 

    Ang pagpigil ng pagkalat ng COVID-19 sa Amazon ay pangunahing gawain sa pagsagip ng buhay at dignidad na nakapaloob sa mga kaalamang di masusukat at di mapapalitan. 

    Municipal health system's worker talks to family during house-to-house visit in lake Mirini region

    Municipal health system's worker talks to family during house-to-house visit in lake Mirini region. © Diego Baravelli/MSF

    MSF sa Brazil

    Sa ibang bahagi ng Brazil maliban sa Amazon, ang MSF ay tumutugon sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Roraima, nagpapatakbo ng ICU unit at nagsasagawa ng community outreach sa isang naghihikahos na komunidad sa silangang bahagi ng Sao Paulo, at bumuo ng pangkat upang alamin kung alin ang mga hotspots kung saan mabilis ang hawaan ng sakit, at bagkus ay nangangailangan ng suportang medikal.  Ang ibang mga gawain para sa pagsugpo ng COVID-19 ay ibinigay na ng MSF sa ibang mga organisasyon sa Rio de Janeiro at sa gitnang bahagi ng Sao Paulo.