Skip to main content

    Nananatili kami: Ang buhay ng mga Rohingya sa Myanmar

    Woman, Rakhine state, Myanmar. March 2022 © Ben Small

    Naghihintay ang isang babae sa labas ng Doctors Without Borders clinic sa estado ng Rakhine, sa Myanmar. Marso 2022 © Ben Small

    Walang estado

    May ipinasang batas sa Myanmar ukol sa pagkamamamayan noong 1982. Ayon sa batas na ito, walang estado ang mga Rohingya bagama’t ilang siglo na silang nakatira sa Myanmar. Marami sa mga naiwan sa Myanmar ang pwersadong pinatira sa mga siksikan at kalunos-lunos na kampo sa estado ng Rakhine.  

    Ngunit bago pa man tinanggalan ng pagkamamamayan ang mga Rohingya noong 1982, nakararanas na sila ng nakapangingilabot na karahasan, diskriminasyon at pagkabukod o segregation. Ang diskriminasyon, karahasan, at sapilitang pagpapatrabaho ng mga awtoridad ng Myanmar ay nagbunsod ng paglisan ng mahigit 250,000 na mga Muslim na Rohingya sa pagitan ng 1991 at 1992. 

    A family in their tent in a refugee camp on the outskirts of Sittwe, February 2, 2013

    Pamumuhay sa mga tolda: isang pamilya sa refugee camp sa labas ng Sittwe sa Myanmar. Pebrero 2, 2013. © Kaung Htet 

    A sick child sleeps in his mother's arms while waiting for the malaria screening test result at MSF clinic in a refugee camp on the outskirts of Pauk Taw township, February 3, 2013. photo by Kaung Htet

    Isang may sakit na sanggol ang natutulog habang karga ng kanyang ina. Naghihintay sila ng resulta ng kanyang malaria screening test. Ang mag-ina ay nasa Doctors Without Borders clinic sa refugee camp sa labas ng bayan ng Pauk Taw, sa Myanmar. Pebrero 3, 2013. © Kaung Htet 

    Sittwe, Myanmar. February 2, 2013. © Kaung Htet

    May malinis ba kayong tubig? Sa karamihan ng mga refugee camp, problema ang malinis na tubig. Nagkukumpulan ang mga tao sa mga water pump na tulad nito sa isang refugee camp sa labas ng Sittwe sa Myanmar. Pebrero 2, 2013. © Kaung Htet 
     

    Sittwe, Myanmar, February 2, 2013. © Kaung Htet

    May malinis ba kayong lugar para sa pagluluto? Sa isang refugee camp sa labas ng Sittwe sa Myanmar, nagniningas ng apoy ang 26 na taong gulang na babae sa labas ng kanilang tolda. Pebrero 2, 2013. © Kaung Htet 

    Pauk Taw township, Myanmar. February 3, 2013. © Kaung Htet

    Tinatahi ng isang babaeng 65 taong gulang ang isang fishing net sa refugee camp sa labas ng bayan ng Pauk Taw, sa Myanmar. Pebrero 3, 2013. © Kaung Htet  

    Ang pagtakas ng mahigit 700,000 na Rohingya

    Sa estado ng Rakhine, maraming Rohingya ang napilitang umalis mula sa kanilang tahanan dahil sa karahasan at pagsunog ng kanilang mga tirahan. Noong Agosto 2017, mahigit 700,000 Rohingya ang tumakas mula sa pinakamalaking kampanya ng karahasan laban sa kanila na inilunsad ng militar ng Myanmar. Ngayon, itinatayang may mga 600,000 na Rohingya sa buong estado ng Rakhine. Ang mga Rohingyang naiwan sa estado ng Rakhine ay humaharap sa segregation, intimidation at diskriminasyon na nauuwi sa iba’t ibang kapinsalaan, kasama na ang pagkabukod sa pangangalagang pangkalusugan. 

    Mula noong naluklok sa kapangyarihan ang mga militar noong Pebrero 2021, ang mga kondisyon sa Myanmar ay naging hindi akma para sa boluntaryo, ligtas, may dignidad, at masusuportahang pagbalik ng mga Rohingya refugee sa estado ng Rakhine mula sa mga kampo sa Bangladesh at sa iba pang mga karatig-bansa tulad ng Malaysia at India.  

    Rakhine State, Myanmar, March 2022 © Ben Small/MSF

     Ang mga taga Myanmar ay gumagamit ng thanaka, na gawa sa dinikdik na balakbak, o tree bark. Pinapahid nila ito sa kanilang mga mukha bilang dekorasyon at bilang proteksyon din mula sa araw. Rakhine State, Myanmar, Marso 2022 © Ben Small/MSF

    Rakhine State, Myanmar, March 2022 © Ben Small/MSF

    Sa silangang bahagi ng estado ng Rakhine, sinusuportahan ng Doctors Without Borders ang pangunahing pangangalagang pangkalusugan. Kasama na rito ang kalusugang pangkaisipan, sexual reproductive health at pagbibigay ng suporta sa mga survivor ng karahasang sekswal at karahasang batay sa kasarian. Noong 2021, nagbahagi ang mga Doctors Without Borders team ng mga kaalaman ukol sa karahasang batay sa kasarian, na nagresulta sa paggamot ng mataas na bilang ng mga survivor kumpara sa nakaraang taon. Upang mapadali ang pagkuha ng serbisyo at matiyak ang kaligtasan ng mga pasyente, nagtakda ng mga araw ang Doctors Without Borders kung kailan ang mga kababaihan at kabataan lang ang maaaring pumunta sa kanila. Rakhine State,  Myanmar, Marso 2022 © Ben Small/MSF

    Ano ang ginagawa ng Doctors Without Borders?

    Ang Doctors Without Borders ay nagbibigay ng pangangalang pangkalusugan sa lahat ng komunidad sa Rakhine mula pa noong 1994. Noong 2004, umabot na sa 1.2 milyon ang ginamot na pasyenteng may malaria sa estado. Ngunit sa utos ng mga awtoridad, napilitan kaming pansamantalang itigil ang aming mga gawain nang ilang beses noong 2012, 2014 at 2017. Noong Agosto 2017, nagbigay ang Doctors Without Borders ng pangangalagang pangkalusugan sa mga bayan ng Maungdaw at Buthidaung sa Hilagang Rakhine bago sila hindi pinayagang maglakbay gawa ng kakulangan ng travel authorisation at sa pagkakaroon ng ban sa international staff. Noong panahong iyon, apat na klinika ang pinapatakbo namin sa hilagang Rakhine--tatlo sa mga ito ay sinunog--at nagbibigay kami ng mahigit sa 11,000 na konsultasyon kada buwan para sa pangunahing pangangalagang pangkalusugan at reproductive healthcare. Nagbibigay din kami ng emergency transport at tulong para sa mga pasyenteng kailangang maipasok sa ospital.  

    Ngayon, ang Doctors Without Borders ay nagpapatakbo ng mga mobile clinic sa iba’t ibang lugar sa estado ng Rakhine tulad ng Maungdaw, Buthidaung, Rathidaung, Pauktaw, Sittwe, Mrauk U at Minbya. Ang aming mga team ay nagbibigay ng pangunahing pangangalagang pangkalusugan para sa mga komunidad na nasa laylayan ng lipunan. Kasama na rito ang kalusugang pangkaisipan, sexual reproductive health at pagbibigay ng suporta sa mga survivor ng karahasang sekswal at karahasang batay sa kasarian.

    Rakhine State, Myanmar, July 2021. © Ben Small/MSF

    Ilang dekada nang hinaharap ng mga Rohingya ang pang-uusig. Napipilitan  silang tumira sa mga kampo kung saan hindi sapat ang masisilungan at may kakulangan din sa kalinisan. Binibisita ng Doctors Without Borders ang mga kampo upang maghatid ng mga kinakailangang pangangalagang pangkalusugan. Noong Hulyo 2021, ang aming community health workers ay nakagawa ng 23,107 sa pagbisita sa mga pasyente sa hilagang estado ng Rakhine, kung saan ginamot ang limang klase ng sakit, sinuri ang mga may sintomas ng malnutrisyon at itinaguyod ang mga COVID-19 prevention measures.  Rakhine State, Myanmar, Hulyo 2021. © Ben Small/MSF

    Kumusta kaya ang buhay ng mga Rohingyang naiwan sa Rakhine? Ano ang kanilang mga hinaharap araw-araw sa ilang dekada nang humanitarian crisis? 

    Alalahanin ang mga Rohingya. Alalahanin ang kanilang kalagayan.  

    Rakhine State, Myanmar, July 2021. © Ben Small/MSF

    Estado ng Rakhine, Myanmar, Marso 2022 © Ben Small/MSF 

    Rakhine State, Myanmar, March 2022 © Ben Small/MSF

    Estado ng Rakhine, Myanmar, Marso 2022 © Ben Small/MSF

    Rakhine State, Myanmar, March 2022 © Ben Small/MSF

    Estado ng Rakhine, Myanmar, Marso 2022 © Ben Small/MSF 

    Ang mga team ng Doctors Without Borders ay kailangang maglakbay nang malayo upang marating ang mga komunidad ng Rohingya, at mabigyan sila ng pangunahing serbisyo para sa pangangalagang pangkalusugan.

    Pangunahing pangangalagang pangkalusugan sa Rakhine

    Sa silangang bahagi ng estado ng Rakhine, patuloy na nagpapatakbo ang Doctors Without Borders ng mga mobile clinic sa Pauktaw, Sittwe, Mrauk U at Minbya. Sinusuportahan ng team ang pagbibigay ng pangunahing pangangalagang pangkalusugan, kasama na rito ang kalusugang pangkaisipan, sexual reproductive health at pagbibigay ng suporta sa mga survivor ng karahasang sekswal at karahasang batay sa kasarian. Sinasangguni namin ang mga pasyenteng nangangailangan ng karagdagang paggamot sa mga ospital sa Sittwe, Mrauk U at Minbya, at sa Maung Bway Station Hospital.

    Rakhine State, Myanmar, May 2022 © Ben Small/MSF

    Kasama sa mga pasyente ang mga taga Rakhine na nawalan ng tahanan dahil sa alitan. Station Hospital Rakhine State, Myanmar, Mayo 2022 © Ben Small/MSF 

    Rakhine State, Myanmar, March 2022 © Ben Small/MSF

    Sinuportahan ng Doctors Without Borders ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga kampo sa mga bayan ng Pauktaw at Mrauk U. Noong Disyembre 2020, nagsimula ang pagkilos ng Doctors Without Borders sa kampo ng Tay Nyo camp, matapos ang mahigit sa siyam na buwang negosasyon. Rakhine State, Myanmar, Marso 2022 © Ben Small/MSF 

    Rakhine State, Myanmar, May 2022 © Ben Small/MSF

    Estado ng Rakhine sa Myanmar, Mayo 2022 © Ben Small/MSF 

    Mga mobile clinic at pagtataguyod ng kalusugan

    Sa hilagang bahagi ng estado ng Rakhine, nagpapatakbo ang Doctors Without Borders ng mga mobile clinic sa mga bayan ng Maungdaw, Buthidaung at Rathidaung.

    Rakhine State, Myanmar, March 2022 © Ben Small/MSF

    Noong Pebrero 2022, isinangguni ng Doctors Without Borders ang 451 na pasyente sa mga ospital, nakipag-ugnayan sa mahigit 51,000 na tao sa pamamagitan ng mga health promotion activity, at nakakumpleto ng mahigit 5,600 outpatient consultations. Ang aming mga community health worker ay nakagawa ng mahigit 22,000 na pagbisita. Sinuportahan ng team ang pagbibigay ng pangunahing pangangalagang pangkalusugan. Kasama na rito ang kalusugang pangkaisipan, sexual reproductive health at pagbibigay ng suporta sa mga survivor ng karahasang sekswal at karahasang batay sa kasarian. RakhineState, Myanmar, Marso 2022 © Ben Small/MSF

    Rakhine State, Myanmar, March 2022 © Ben Small/MSF

    Ang pagtataguyod ng kalusugan ay importanteng bahagi ng trabahong ginagawa ng Doctors Without Borders sa estado ng Rakhine. Noong ikatlong sangkapat ng 2021, ang aming mga health promotion team ay nakabahagi ng kaalaman sa 35,966 na tao. Noong umakyat ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 noong 2021, kasama sa mga health promotion activity ang pagbabahagi ng impormasyon sa pamamagitan ng pag-ikot sa bayan ng Maungdaw at pag-aanunsiyo gamit ang loudspeaker. Rakhine State, Myanmar, Marso 2022 © Ben Small/MSF

    Rakhine State, Myanmar, May 2022 © Ben Small/MSF

    Ang aming mga team ay nagbibigay ng pangunahing pangangalagang pangkalusugan para sa mga komunidad na nasa laylayan ng lipunan. Kasama na rito ang kalusugang pangkaisipan, sexual reproductive health at pagbibigay ng suporta sa mga survivor ng karahasang sekswal at karahasang batay sa kasarian. Noong unang tatlong buwan noong 2022, sinuportahan namin ang 8,942 outpatient consultation at 446 na emergency referral sa mga ospital sa pamamagitan ng aming mga mobile clinic at mga community health worker. Rakhine State, Myanmar, Mayo 2022 © Ben Small/MSF 

    Rakhine State, Myanmar, May 2022 © Ben Small/MSF

    Kapag binibisita ng mga community health worker ang mga Rohingya sa mga kampo, pinupuntahan nila ang mga ito sa kanilang mga bahay. Sa pagbisitang ito, marami silang ginagawa, tulad ng nutritional assessment at pagtataguyod ng mga health guideline para sa COVID-19.  Ilan sa mga health worker ay nagbigay din ng HIV counselling at mga gawaing may kaugnayan sa kalusugang pangkaisipan. 

    Noong Mayo 2021, nagsimula ang Doctors Without Borders sa paghawak ng mga kaso ng karahasang nakabatay sa kasarian, at nakipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Maungdaw para sa pagtugong may kaugnayan sa proteksyon.  Rakhine State, Myanmar, Mayo 2022 © Ben Small/MSF 

    Rakhine State, Myanmar, March 2022 © Ben Small/MSF

    Ang pang-araw-araw na buhay ng mga libu-libong nakatira sa Rakhine ay kakikitaan ng kakulangan ng pambili ng pagkain, mga pangamba para sa kaligtasan, at kawalan ng pag-asa. Ang ganitong pamumuhay ay may pinsalang naidudulot sa kalusugang pangkaisipan. Estado ng Rakhine sa Myanmar, Marso 2022 © Ben Small/MSF 

    March 2022 © Ben Small/MSF

    Habang malaki ang naibibigay na suporta ng mga mobile team sa pangunahing pangangalagang pangkalusugan, mayroon pa ring mga kasong nangangailangan ng karagdagang tulong. Marso 2022 © Ben Small/MSF 

     

    What hope is there for young people in Rakhine State? Myanmar, May 2022 © Ben Small/MSF

    May pag-asa ba ang mga kabataan sa Rakhine? Myanmar, Mayo 2022 © Ben Small/MSF