Indonesia: Ang Pakikibaka sa COVID-19 sa Pamamagitan ng Edukasyon at Pagbibigay-Lakas
During the COVID-19 training for the community, the participants were divided into small groups. In the picture, one group presented their discussion results to the rest of the participants. © Cici Riesmasari/MSF
Noong Hunyo, nagsimulang mabahala ang mga tao sa Indonesia nang napabalitang may mga kaso na ng COVID-19 sa bansa. Naglipana ang mga bali-balita, mga kathang-isip, at fake news. Pinaulanan ng tanong ang mga namumuno sa mga komunidad at ang mga opisyales. Nagmakaawa ang mga mamamayan na mabigyan sila ng malinaw na impormasyon tungkol sa COVID-19.
Ayon kay Muchtar Lufti, pinuno ng Rukun Warga 5 (RW5) community unit ng Kalibata village sa South Jakarta, “Maraming impormasyon kaming natatanggap. May mga totoo, may fake news. Ang hirap salain ng impormasyon, kaya’t litong-lito ang mga tao.”
Masyadong maraming impormasyon ang pumapasok, at sari-sari ang mga pinanggagalingan nito – social media, chat groups, mga balita sa TV, sa radyo at sa diyaryo. Lumala ang sitwasyon ng idineklara ang Kalibata village, isang Pancoran sub-district, bilang isang COVID-19 red zone.
“Noong mga panahong iyon, nagagalit ang mga tao at nagpoprotesta. Gusto nilang malaman kung bakit sila sinasabihang manatili lang sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung anong isasagot ko, bukod sa pagsabing utos ito ng gobyerno,” kuwento ni Halimah, isa sa mga miyembro ng COVID-19 taskforce ng komunidad.
Edukasyon, pagsasanay at pagbibigay-lakas kasama ng MSF
Pinag-aralan ng isang Doctors Without Borders/Mèdecins Sans Frontiéres (MSF) team ang sitwasyon sa Kalibata. Nalaman nila na laganap na sa South Jakarta ang takot at pagkalito, at na mahirap para sa maraming tao ang makahanap ng mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon ukol sa COVID-19.
“Natuklasan naming gusto ng mga local health centres, o puskesmas, ng aming suporta,” paliwanag ni Dr. Dirna Mayasari, ang MSF deputy medical coordinator sa Indonesia. “Kailangan namin silang tulungang makapagbigay- impormasyon sa kanilang komunidad sa mabilis at malawakang paraan. Gaya ng virus, maaaring makasama rin ang takot sa mga tao.”
The MSF medical team introduced MSF to the participants. This training was attended by the adolescents of the village. © Sania Elizabeth/MSF
Ang mga pinuno ng komunidad, ang mga religious leaders, at ang mga sumailalim sa pagsasanay upang magturo sa iba ay inanyayahan ng puskesnas na magsabi ng kanilang mga inaalala sa MSF.
“Kailangan ng komunidad ng malinaw na impormasyon kung paano poprotektahan ang kanilang mga sarili laban sa COVID-19. Pero gusto rin nila ng diyalogo. Lahat ng impormasyong nakukuha nila ay ibinibigay lang,” sabi ni Mayasari. “Gusto ng mga tao ng oportunidad na makapagtanong, magkaroon ng diskusyon tungkol sa kanilang mga inaalala, at mabigyang-linaw kung ano ang pinakamahusay na paraan upang labanan ang virus. Gusto rin nilang magbahagi ng mga paraan para makapagpalaganap ng impormasyon sa kanilang mga komunidad.” Nagdesisyon ang MSF na dalhin ang impormasyon sa mga tao sa pamamagitan ng face-to-face training para sa mga pinuno ng sambahayan na bumubuo ng RW5 community unit.
Nagsimula ang MSF sa pagsasanay ng mga kinatawan mula sa sampung kabahayan sa RW5. Ang mga training session ay dinaluhan ng sampung katao at tumagal ng dalawang oras. Hinabaan nila ang pagsasanay upang makinabang rin ang ibang mga sambahayan sa lugar. Mula Hunyo hanggang Hulyo, mahigit 150 katao ang sumailalim sa pagsasanay ng MSF.
During the COVID-19 training for the community, the participants were divided into small groups. Each group was asked to rearrange the flash cards showing the virus’ journey until it infects a person. © Cici Riesmasari/MSF
“Naniniwala kami na ang pagbibigay-lakas ay ang susi sa pagtugon sa pandemyang ito. Kung mananatiling malusog ang mga tao sa komunidad, hindi nila kakailanganing pumunta sa mga pasilidad na pangkalusugan,” sabi ni Mayasari.
Ang sessions ay interactive – humihimok ng diskusyon, ng paggamit ng mga larawan, at ng role-playing. “Isa itong lugar kung saan walang pangambang matuto,” paliwanag ni Halimah. “Nakakatutuwang matuto gamit ang flash cards, habang ang mga doktor at ibang medical staff ay nagbibigay ng impormasyon sa simpleng paraan. Ngayon, naiintindihan na namin kung paano kumakalat ang virus, kung ano ang gagawin kapag may positibong kaso ng COVID-19, at kung ano ang mga hakbang para maprotektahan ang mga sarili. Ngayon, nagsisimula na ang mga taong lumabas sa kanilang mga bahay dahil sa binawasan na ang mga pagbabawal. Marami sa kanila ang nagsusuot na ng maskara, at dumidistansya mula sa isa’t isa.”
After they discussed it in their group, the adolescents in Kalibata Village, South Jakarta, Indonesia, presented their discussion results to the rest of the participants. © Sania Elizabeth/MSF
After they discussed it in their group, the female cadres, homemakers, and community or religious leaders, in Kalibata Village, South Jakarta, Indonesia, presented their discussion results to the rest of the participants. © Cici Riesmasari/MSF
These simple flash cards were prepared by the facilitators for the COVID-19 training for adolescents in Kalibata Sub-district, Kalibata Village in South Jakarta, Indonesia. © Sania Elizabeth/MSF
Tackling the stigma of COVID-19
MSF’s health education sessions emphasised that stigmatising people infected with COVID-19 made the situation worse, as for example it led to people refusing to take the free COVID-19 tests provided by the puskesmas.
However, since the MSF-supported training and information sharing sessions began, community leaders are seeing less stigma in their neighbourhood of those who are sick with the virus. Halimah has also noticed the difference, “I could feel that there was a change in behaviour in our community. With our new knowledge of COVID-19, people feared the disease less, they complied with the safety measures, and they no longer stigmatised those who fell sick.”
Dr Yulianto Santoso Kurniawan (front) and Nurse Lintang Tanjung Sibarani facilitated the MSF COVID-19 training for female cadres, homemakers, and community or religious leaders in Kalibata Village, South Jakarta, Indonesia. © Cici Riesmasari/MSF
Pagkatapos ng ilang MSF training sessions, iniulat ng isang opisyal ng puskesmas na umaakyat ang bilang ng mga taong sumasailalim sa testing.
Ngayon, nagsasagawa ang MSF ng workshops at pagsasanay para sa community health workers na tumitingin sa mga pinagdududahang kaso COVID-19 at sa mga nasa home isolation sa Jakarta at sa probinsya ng Banten.
Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières sa Indonesia
Nagsimula ang mga aktibidad ng Doctors Without Borders/Médecins Sans Frontières sa Indonesia noong 1995, pagkatapos ng lindol sa Mount Kerinci sa Jambi. Nagbigay ang MSF ng medical treatment sa iba’t ibang probinsya ng Indonesia hanggang sa kanilang pag-alis noong 2009. Bumalik ang MSF noong 2017, at ngayon, kabilang sa mga programa ng MSF sa Indonesia ang pagpapabuti ng access ng mga tao sa serbisyong medikal mula sa mga pangunahing palisidad na pangkalusugan, pagsasanay sa mga health workers, counselling services at pagbibigay ng health education sa mga komunidad.