Gaza: Mga Inilipat na Buhay
Nagluluto si Hanan, gamit ang apoy. Ito ang tanging paraan upang makapagluto siya at mapakain ang kanyang pamilya. Ito’y isang sulyap lamang sa pang-araw-araw na pamumuhay na puno ng pagod at pagtitiyaga. Palestine, 2025 @ Motassem Abu Aser.
Mula Oktubre 2023 hanggang Enero 2025, mahigit sa 1.9 milyong Palestino ang napilitang iwan ang kanilang mga tahanan sa Gaza. Pagkatapos ng ceasefire noong Enero 2025, mahigit kalahating milyong tao ang bumalik sa kanilang mga tahanan sa hilaga. Sa siyudad ng Beit Lahia, sina Hanan, Anwar, Nour, Sahar at Deema ay magkakasamang nakatira sa mga labi ng dati nilang tirahan.
Kuha noong Marso 2025, noong nagsisimula pa lang ang pagkubkob ng hukbong Israeli sa Gaza, ang dokumentaryong “Mga Inilipat na Buhay” ay nagbibigay-liwanag sa pang-araw-araw na pamumuhay ng apat na henerasyon ng mga kababaihan na 18 na buwan nang nagsusumikap na mabuhay sa gitna ng digmaan.
Hanan
“Noong napatay ang aking anak, iyon ang araw kung kailan nagwakas ang aking buhay”. Ito ang sabi ni Hanan, isang babaeng Palestino mula sa Beit Lahia, Northern Gaza, kung saan ang mga tirahan ay tinupok ng mga Israeli sa pamamagitan ng mga airstrike. Karamihan sa mga tao rito ay nawalan ng lahat. Nitong nakaraang 18 na buwan, nakatira si Hanan sa isang tolda sa gitna ng mga gumuhong bahay, kasama ang kanyang anak, mga apo, at ang kanyang apo sa tuhod.
Sahar
Wala nang natira sa mga pag-aari ng karamihan sa mga taga-Beit Lahia, Northern Gaza. Ang kanilang mga tahanan ay winasak ng mga airstrike ng mga Israeli. Nakatira si Sahar at ang kanyang pamilya sa isang tolda sa gitna ng mga labi. “Ang pinagkukunan ko ng aking lakas upang magpatuloy sa buhay ay ang aking mga anak.”
Deema
"Paglaki ko, gusto kong maging doktor tulad ng nanay ko.” Ito ang kahilingan ni Deema, isang batang babae mula sa Beit Lahia, Northern Gaza, na 18 na buwan nang nakatira kasama ang kanyang pamilya sa isang toldang itinayo sa labi ng kanilang dating tirahan.
Sinematograpiya: Motassem Abu Aser
Panayam: Nour Alsaqqa
Editing: Manon Tarasconi
Sound design: Lucas Masson
Sa direksyon ni Léo Torréton
Ito ay isang produksyon ng Doctors Without Borders / Médecins Sans Frontières (MSF)
Susuportahan mo ba ang aming emergency response?
Tulungan kaming makapagbigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal sa mga emergency sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.