Skip to main content
SA KASALUKUYAN Ebola sa DRC: Doctors Without Borders, pinalalaki ang pagtugon sa mabilis na nagbabagong anyo ng outbreak Magbasa pa

    DRC: Naghahanda ang Doctors Without Borders para sa malawakang pagtugon sa outbreak ng Ebola

    MSF Flag

    © iAko M. Randrianarivelo/Mira Photo

    Sa pagtatapos ng linggo noong Mayo 9 at 10, nakatanggap ang Doctors Without Borders ng mga ulat ng pagdami ng mga taong namamatay  dahil sa isang pinaghihinalaang viral haemorraghic fever sa Mongwalu health zone, sa isang lugar sa hilagang kanluran ng Bunia, ang kabisera ng probinsya ng Ituri. Sa pakikipagtulungan sa Ministry of Health, isang team ang nagpunta roon upang tasahin ang sitwasyon. Doo'y nalaman nilang 55 na tao na ang namatay mula noong nag-umpisa ang Abril. Nakatanggap din ang Doctors Without Borders ng mga ulat ng mga kaso sa Bunia at Rwampara health zone.

    According to the Congolese authorities, a total of 246 suspected cases and more than 80 deaths have been reported across the three health zones. This outbreak has been caused by the Bundibugyo Ebola virus. The Bundibugyo strain is distinct from the more common Zaire strain in that there is no approved vaccine, and no approved treatment. 

    Ayon sa mga awtoridad ng DRC, 246 na mga pinaghihinalaang kaso at mahigit 80 na pagkamatay ang naiulat sa tatlong health zone. Ang outbreak na ito ay sanhi ng Bundibugyo Ebola virusAng strain ng Bundibugyo ay iba sa mas pangkaraniwan na strain ng Zaire, sapagkat wala pang inaaprubahang bakuna o gamot laban dito.

    Ang bilang ng mga kaso at pagkamatay na ating nasasaksihan sa napakaikling panahon, kasaba y ng paglaganap ng sakit sa ilang mga health zone at ngayo’y maging sa karatig-bansa, ay lubhang nakababahala.
    Trish Newport, Emergency Prog. Manager

    Noong Mayo 15, kinumpirma rin ng mga awtoridad ng kalusugan sa karatig-bansa ng Uganda ang isang kaso ng Ebola Bundibugyo Virus Disease – isang 59 na taong gulang na lalaking Congolese, na namatay noong Mayo 14. Ipinahayag ng Doctors Without Borders sa Ministry of Health ng Uganda na handa nitong suportahan ang pagtugon ng mga awtoridad ng kalusugang pampubliko.

    “Ang bilang ng mga kaso at pagkamatay na ating nasasaksihan sa napakaikling panahon, kasaba y ng paglaganap  ng sakit sa ilang mga health zone at ngayo’y maging sa karatig-bansa, ay lubhang nakababahala,” sabi nI Trish Newport, ang Emergency Programme Manager ng Doctors Without Borders. “Sa Ituri, marami ang nahihirapang makakuha ng pangangalagang pangkalusugan. Nabubuhay sila nang walang seguridad kung kaya’t kailangan ng agarang pagkilos upang mapigilan ang lalong paglala ng outbreak.

    Ang pagtugon ng Doctors Without Borders

    Sa kasalukuyan, ang Doctors Without Borders ay may mga team sa mga apektadong bahagi ng Ituri  upang mapag-aralan ang mga pangangailangang medikal, at sila’y nakikipagtulungan sa mga awtoridad ng kalusugan ng DRC. Sa klinika ng Salama ng Doctors Without Borders sa Bunia, mayroong tatlong pinaghihinalaang kaso, at sila ngayo’y nakabukod na.  

    Sa kasalukuyan, nagpapadala ang Doctors Without Borders ng mas maraming mga team na kinabibilangan ng mga medical, logistical, at support staff na may karanasan na sa pagtugon sa mga viral haemorrhagic fever outbreak, pati na rin ng kinakailangang supplies, upang maglunsad ng malawakang pagtugon sa lalong madaling panahon. Titiyakin din ng Doctors Without Borders na maipapatupad ang mahihigpit na panukala sa pagpigil ng paglaganap ng mga sakit, upang maprotektahan ang aming mga staff, mga pasyente at ang kanilang mapagkukunan ng pangangalagang pangkalusugan.

    Tinatayang ang antas ng mga namamatay dahil sa strain ng Bundibugyo ay nasa pagitan ng 25 at 40%. Ito ang pangatlong natuklasang outbreak na kaugnay ng Bundibugyo strain. Kasunod ito ng mga outbreak sa Uganda noong 2007-2008 at sa DRC noong 2012.

    Ano ang Ebola?

    Ang Ebola ay isang nakahahawang viral haemorrhagic fever, na naipapasa sa mga tao sa pamamagitan ng direktang paghawak o pagdikit sa dugo, mga secretion, mga organ, o iba pang mga likido mula sa katawan ng mga nahawaang hayop. Ito'y naipapasa sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng paghawak o pagdikit sa mga likido mula sa katawan ng mga nahawaang indibidwal.

    Nitong mga nakaraang taon, tumugon na ang Doctors Without Borders sa ilang mga Ebola outbreak sa DRC. Ang outbreak na ito ay ang ika-17 na sa bansa mula noong natuklasan ang unang kaso ng sakit na ito noong 1976.


    Will you support our emergency response work?

    Help us provide lifesaving medical care during emergencies by making a donation today.