Skip to main content
SA KASALUKUYAN Ebola sa DRC: Doctors Without Borders, pinalalaki ang pagtugon sa mabilis na nagbabagong anyo ng outbreak Magbasa pa

    DRC: Pahayag ng Doctors Without Borders ukol sa pagbisita ng WHO Director-General sa Bunia

    Training activities of staff as part of the Ebola disease outbreak response.

    Ang mga pagsasanay na ginawa sa General Referral Hospital sa Mongbwalu sa probinsya ng Ituri, kung saan ang Doctors Without Borders ay gumagamit ng mga gusaling pampaaralan sa loob ng hospital grounds upang bigyan ng pagsasanay ang mga staff bilang bahagi sa pagtugon sa outbreak ng Ebola.Ang mga pagsasanay na ginawa sa General Referral Hospital sa Mongbwalu sa probinsya ng Ituri, kung saan ang Doctors Without Borders ay gumagamit ng mga gusaling pampaaralan sa loob ng hospital grounds upang bigyan ng pagsasanay ang mga staff bilang bahagi sa pagtugon sa outbreak ng Ebola. DRC, 2026. © Anna SCHÖNHOFER/MSF

    “Dalawang linggo pagkatapos ideklara ang outbreak ng Ebola sa probinsya ng Ituri, ang sitwasyon ay lubhang nakababahala at isang lehitimong sanhi ng pagkabalisa para sa mga komunidad at pati na rin sa mga frontline health worker

    Ito ang unang pagkakataon kung kailan ang isang outbreak ng Ebola ay nakapagtala ng napakalaking bilang ng mga kaso nang hindi pa natatagalan matapos itong ideklara.

    Tulad ng mga nakatira sa mga apektadong lugar, nasaksihan ng mga team ng Médecins Sans Frontières (Doctors Without Borders / MSF) ang isang pagtugon na hindi pa nakakahabol sa mabilis na paglaganap ng epidemya.

    Hindi tulad ng mga nakaraang outbreak ng Ebola, ito’y sanhi ng Bundibugyo virus,  na wala pang naaprubahang bakuna o paggamot, at ito’y partikular na mahirap matukoy dahil sa limitadong kapasidad para sa pagsusuri.

    Sa ngayon ay walang nakakaalam ng tunay na laki at tindi ng outbreak na ito. 

    May mga bagong pinaghihinalaang kaso na iniuulat araw-araw, kahit na daan-daang sample pa ang hindi pa rin nasusuri.

    Kasabay nito, patuloy na naaantala ang pagdating ng medical supplies, humanitarian aid, at specialised personnel dahil sa mga malalaking balakid tulad ng pagsasara ng mga hangganan at paliparan. Batay sa aming karanasan, alam naming ang mga panukalang ito ay lubhang nakasasagabal sa pagtugon sa outbreak, at hindi nabibigyang-atensyon ang mga bansang nangangailangan ng pagdaigdigang suporta. 

    Pinalilinaw ng outbreak na ito ang mga kahihinatnan.

    Ang bilang ng mga ekspertong  organisasyong medikal na tumutugon sa mismong lugar ay lubhang limitado pa rin, at ang antas ng suporta na ibinibigay sa kanila - pati ng MSF – ay lubhang kulang para sa mga pangangailangan.

    Ang mga tao ay may kagyat na pangangailangan para sa pagtugon na angkop sa laki ng krisis na kanilang hinaharap.

    Upang kahit papaano ay makontrol ang sitwasyon, kinakailangan ng agarang pagpapalawak ng kapasidad sa pagsusuri.

    Ito ay dapat samahan ng isang mabilis, pinag-ugnay at ginawang angkop na paglaki ng kabuuang pagtugon, na susuportahan ng mga organisasyong medical at humanitarian na may karanasan na sa ganitong krisis. Kasabay nito ang ginagarantiyahang panatiliing access sa mabilis na pagpasok ng medical supplies at humanitarian staff sa mga apektadong lugar.

    Ang outbreak na ito ay nangyayari sa isang konteksto kung saan ang mga pangangailangang medikal ay napakarami na. At ngayon, kami ay nasa tunay na panganib ng isang tahimik na paglala ng mga ibang kritikal na problemang pangkalusugan na hinaharap ng mga tao araw-araw. Napakaraming pasilidad pangkalusugan na napupuspos, at ang makukuhang regular na pangangalagang walang kaugnayan sa Ebola ay apektado habang ang karamihan sa mga tao ay hindi umaalis sa kanilang tirahan dahil sa takot nilang mahawaan kapag kumuha sila ng pangangalaga.

    Ang pagtugon ay hindi magtatagumpay kapag ito ay ipinataw sa mga komunidad  sa halip na makipagtulungan sa kanila upang mabuo ito. Ang bawat aspeto ng pagtugon ay dapat nakaugat sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga komunidad — pakikinggan ang kanilang mga alalahanin, kokomprontahin ang kanilang mga kinatatakutan at mga maling akala, at magtataguyod ng tiwala sa mga tao na sila’y ligtas na makakakuha ng pangangalaga. 

    Ang tiwala at aktibong pastisipasyon mula sa komunidad ay mahalaga sa pagkontrol ng paglaganap ng sakit at sa pagsagip ng mga buhay.

    Sa kahuli-hulihan, ang pagiging epektibo ng pagtugon ay nakasalalay sa paniniwala ng mga tao rito.”