Gaza: Pamumuhay sa Isang Patibong ng Kamatayan
Sa nakaraang 14 na buwan ng matinding digmaan, ang militar ng Israel ay nagsagawa ng malawakang mga atake na nagresulta sa pagkamatay ng libu-libong sibilyan. Ang mga atakeng ito ay nagdulot ng matinding pisikal at mental na pinsala sa buong lipunan, at nagdulot ng mga kondisyon sa buhay na unti-unting sumisira sa mga mamamayang Palestino sa Gaza.
Ang mga tao sa Gaza ay nagsusumikap upang makaligtas sa apokaliptikong kondisyon, ngunit wala nang ligtas, walang sinuman ang nakaliligtas, at walang daan palabas mula sa wasak na lugar na ito.Christopher Lockyear, secretary general
Ilang buwan na'ng nasaksihan at pinabulaanan ng mga koponan ng Doctors Without Borders ang mga pangyayaring ito sa Gaza: ang walang pinipiling pambobomba at pagpatay sa mga sibilyan, ang pagbagsak ng sistema ng pangangalagang pangkalusugan dulot ng sistematikong pagtutok sa mga pasilidad pangkalusugan at ang pagkalugi ng mga medikal na tauhan, ang paulit-ulit na pagharang sa tulong at humanitarian na assistansya, ang mga hadlang sa paglilikas ng mga sugatang tao, ang pagkawasak ng mga imprastrukturang sibilyan at tirahan, at ang paulit-ulit na sapilitang pagpapalikas, ang sadyang matinding kakulangan sa tubig at pagkain at ang hindi matiis na kalagayan ng pamumuhay kung saan itinulak ang mga tao at ang ganap na kawalan ng ligtas na lugar. Lahat ng bahagi ng lipunan ay winasak.
Mismong mga tauhan namin ay naranasan din ang mga atake at marahas na insidente, kabilang ang mga airstrike, pambobomba, at marahas na pagpasok sa mga pasilidad pangkalusugan, direktang pagpaputok sa aming mga kanlungan at mga convoy, at bast-bastang pagkakahuli ng mga puwersang Israeli. Walong kasamahan namin at marami sa kanilang mga kamag-anak ang nawalan ng buhay.
Ang kamakailang opensiba ng militar sa hilaga ay isang malinaw na halimbawa ng brutal na digmaan na isinasagawa ng mga puwersang Israeli laban sa Gaza, at nakikita natin ang mga malinaw na palatandaan ng ethnic cleansing habang ang mga Palestino ay sapilitang pinaaalis, iniipit, at binobomba. Ang mga nasaksihan ng aming mga medikal na koponan sa kabuoan ng labanan ay tumutugma sa mga paglalarawan ng dumaraming bilang ng mga eksperto sa batas at mga organisasyon: na may nagaganap na genocide sa Gaza. Habang wala kaming legal na kapangyarihan upang itakda ang layunin, ang mga palatandaan ng ethnic cleansing at ang patuloy na pagkawasak - kabilang ang malawakang pagpatay, matinding pisikal at mental na pinsala sa kalusugan, sapilitang pagpapalikas, at imposible ng kondisyon sa buhay para sa mga Palestino sa ilalim ng pagkubkob at pambobomba - ay hindi maikakaila.Christopher Lockyear, secretary general
Nakalatag sa ulat na ito ang mga kritikal na isyung nasasaksihan ng aming mga koponan sa Gaza.
Susuportahan mo ba ang aming emergency response?
Tulungan kaming makapagbigay ng makasagip-buhay na pangangalagang medikal sa mga emergency sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon ngayon.