Skip to main content
SA KASALUKUYAN DRC: Naghahanda ang Doctors Without Borders para sa malawakang pagtugon sa outbreak ng Ebola Magbasa pa

    Gaza: Hindi kailanman dapat gamitin bilang kasangkapan ang humanitarian aid sa digmaan

    An MSF vehicle passes in front of ruined buildings in Jabalia.

    Dumadaan ang isang sasakyan ng Doctors Without Borders sa tapat ng mga gumuhong gusali ng Jabalia sa Gaza Strip. Palestinian Territories, Pebrero 2025. © MSF 

    Ang humanitarian aid ay hindi kailanman dapat gamitin bilang kasangkapan sa digmaan. Kahit na may mga negosasyong nagaganap sa pagitan ng mga magkalabang partido, kailangan pa rin ng mga tao sa Gaza ng agaran at malaking buhos ng humanitarian supplies.

    Muling hinahadlangan ng Israel ang isang buong populasyon sa pagtanggap ng aid, at ginagamit iyon upang makuha ang gusto nila. Ito ay hindi katanggap-tanggap, hindi kapani-paniwala, at magdudulot ng mapanirang kahihinatnan.
    Caroline Seguin, Emergency Coordinator

    "Ang balitang ito ay nagdala ng kawalan ng katiyakan at ng takot, at naging dahilan ng matinding pagtaas ng presyo ng mga pagkain," sabi ni Seguin.

    Bagama’t umakyat ang kabuuang bilang ng mga trak na pumasok sa Gaza mula noong nagsimula ang ceasefire, ang mga paghihigpit ng mga awtoridad sa mga kritikal na supplies ay nakasasagabal sa pagtugong humanitarian. Karamihan sa aid na pumasok ay pagkain at gasolina, at hindi ito sapat upang mapunan ang mga napakalaking pangangailangan ng mga tao.

    Categories